Coco Martin, Prince of Independent Films, is getting Star Magic buildup

IMAGE 0


Coco Martin has found a home in the acting world, but his childhood dream was to be a seaman. His initial thought when he was going to attend his first international filmfest: "Pagkakataon ko na para makapag-TNT!"


Nagpatawag ang Star Magic ng press conference kahapon, May 22, sa 14th floor ng ELJ Building. Ito ay para i-welcome ang bagong Kapamilya ng Star Magic na si Coco Martin–ang tinataguriang Prince of Independent Films.

Obvious ang kaligayahan ni Coco ngayong he's being co-managed by Star Magic and Biboy Arboleda, mga bagay na hindi niya na-enjoy noon.

"Sobra po, sabi ko nga, ngayon, sobra-sobra yung mga blessing na dumarating sa akin. After ng Golden Screen, tapos Pasado [award-giving groups]. Tapos, nagpunta kami sa Cannes Film Festival, at sa suportang ibinibigay sa akin ng ABS-CBN."

So far, hindi pa raw alam ni Coco kung ano ang next project niya sa Dos dahil hindi pa naman tapos ang Tayong Dalawa at hanggang July pa ito.

Coco started his career in theater. Pero ang biggest break niya ay ang indie film na Masahista. Pero alam ni Coco na ang Tayong Dalawa ang nakapag-open ng mas malaking door for him sa mainstream.

NEIGHBORHOOD IDOL. Ano-ano ang mga pagbabagong nagawa sa kanya ng show?

"Marami po, e! Like sa place po namin sa Novaliches, kahit nag-aartista na ko, wala akong yung... kasi ako, kung naglalakad ako, kung ano ang suot ko na ordinaryo, ganoon pa rin po. Ngayon po kasi, kapag naglalakad ako, ganoon pa rin naman ako, pero yung mga tao, nahihirapan na akong kumilos kasi, parang bawat labas ko, yung mga tao, nagpapa-picture sa akin. Minsan nga yung mga barkada ko, nawi-weirduhan ako. Magbabarkada na tayo, tapos, nagpapa-picture pa kayo sa akin?" natatawa niyang kuwento.

Isa pa nga sa magandang nangyayari ngayon kay Coco ay ang ikalawang beses niyang pagrampa sa red carpet sa Cannes Film Festival para sa independent film niyang Kinatay. Kung tutuusin, mabibilang sa daliri ng isang kamay ang mga local actors na nakakasama sa pinaka-prestigious film festival abroad.

Kumusta naman ang ikalawang pagrampa niya sa red carpet ng Cannes?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Masaya naman po dahil second time ko na. Unlike yung first time ko po, kinakabahan pa ako sa mga mangyayari. Ngayon po, mas confident na po ako ng lumakad sa red carpet."

Ano nga ba ang feeling? "Masarap po, kasi ang nire-represent mo, hindi naman po yung sarili mo, yung bansa mo. Lalo na kapag tumutunog na ang national anthem. Ang sarap po ng pakiramdam."

After daw ng red carpet at screening, nagkaroon sila ng party kunsaan inimbitahan din daw niya ang grupo nina Sid Lucero ng Independencia.

Ang Hollywood director na si Quentin Tarantino lang daw ang nakita niya sa Cannes. Usually raw, kapag awards night na, nagkikita-kita ang lahat which is this Sunday pa, kaya hindi na siya umabot. Hindi rin daw siya nagkaroon ng chance na makitang dumating dito ang mag-asawang Brad Pitt at Angelina Jolie.

GAY THEMES. Karamihan sa mga ginagawang indie films ni Coco ay may temang maseselan since most of them are gay films. Open ba siya sa pamilya niya sa bagay na ito, especially yung panoorin rin nila?

"Yun lang po ang ano sa pamilya namin, never ko silang... kasi nga po, alam ko ang mararamdaman nila bilang magulang. Kung tutuusin, hindi naman nila gusto... siyempre, sino po bang magulang ang gugustuhin na makita ang kanilang anak na ganoon ang ginagawa. Pero, hindi naman na po namin pinag-uusapan. Kapag nagkakaroon po ako ng mga achievement, doon na lang po nila nari-realize na, wow, meron naman palang dahilan."

Pero tulad nga ng nare-recognize siya ng iba't ibang award-giving bodies at nanalo siya recently sa Golden Screen Awards for Best Supporting Actor para sa pelikulang Jay, hindi ba naku-curious ang parents niya na manood?

"Minsan sinasabi ko na, sige, bibigyan ko na lang kayo ng tape... ganoon na lang ang sinasabi ko. Siguro po, hangga't maaari, sa sarili ko, iniiwas ko po."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Definitely, hindi niya ikinahihiya ang mga roles na ginagawa niya. May dahilan naman daw kung bakit niya ginagawa ang mga yun.

Laking lola si Coco, pero, nakangiti nitong sinabi, mas pipiliin raw niya na lola niya ang makapanood ng mga ginagawa niyang indie films.

Ibang usapan na siyempre when it comes to his number one primetime series, ang Tayong Dalawa ng ABS-CBN. Kapag umuuwi siya sa bayan nila sa Pampanga, parang fiesta raw ang pakiramdam niya dahil sa pagsubaybay ng mga tao sa kanilang serye.

WANTED TO GO TNT. Kuwento ni Coco, hindi naman daw naging madali para sa kanya ang pagtanggap at paggawa ng gay film when it was first offered to him. Doon lumabas na hindi pala pag-aartista ang talagang pangarap niya sa buhay kundi ang makaalis ng bansa.

Aniya, "Siyempre po noong una, nanginginig ako sa takot! Kasi nga po, first time ko. Dream ko po talaga noong bata hindi naman mag-artista. Ang dream ko po talaga noon maging seaman. E, noong ini-offer po sa akin yung Masahista... since si Ferdie Lapus, siya po ang nagpapadala ng mga pelikula sa abroad. So, noong sinabi po sa akin na may project ako, bagay ka. May potential itong makapag-compete sa abroad, pumasok agad sa isip ko noon, ito na ang pagkakataon ko para makapag-TNT!" natatawa niyang kuwento.

"Nakakahiya man, pero, yun po talaga ang totoo. Kaya noong pupunta kami ng Switzerland, tawang-tawa sila sa akin dahil ang laki ng dala kong maleta. Kasi, kumbaga, gusto kong sabihin sa kanila kapag medyo okey-okey na kami, since at that time, hindi pa kami masyadong close... gusto kong sabihin sa kanila na magtatrabaho ako sa abroad."

Hindi raw niya tinuloy ang planong pagti-TNT dahil sa pagkapanalo ng Masahista sa festival.

"Pinigilan po nila ako noong inamin ko na yun ang plano ko. Sabi nila, huwag muna... nanalo tayo, baka mam'ya, may career ka pala sa Pilipinas. Tapos, nagtanong-tanong din ako sa kapwa ko Filipino run na sabi nila, mahihirapan din daw akong maghanap ng trabaho dahil parang may code number sila na parang SSS na hindi ka basta-basta tatanggapin kung walang ganoon. Kaya sabi ko na lang, baka hindi rito sa Switzerland, baka either in U.S. or Canada."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nandoon pa rin ba ang pangarap niyang mag-abroad?

"Sa ngayon po kasi, siyempre, ang gusto ko naman po talaga, makaipon. E, ngayon po, kahit papaano, nakakapag-ipon na ako kahit pakonti-konti. Hindi ko muna iniisip. Pero hindi ko naman inaalis kasi, nandoon po ako palagi sa realidad ng buhay. Para sa akin, meron nga pong mas sikat na sikat at mas malaking pangalan, pero, di ba nga po, nawawala? Parang ako lagi, palagi lang akong may fallback. Kaya nga po ako nagpilit magtapos. Para at least, may pupuntahan ako kung wala ako sa showbiz."

UNABLE TO SEE HIS SON. Hindi naman lingid sa karamihan na si Coco ang sinasabing ama ng anak ni Katherine Luna. Ayon kay Coco, four years old na raw ang bata pero ni minsan ay hindi pa niya ito nakikita. Nagkaroon ng hindi magandang karanasan si Coco kay Katherine noong baby pa lamang ang bata at nagnanais siyang makita at kahit paano ay masuportahan ang anak.

Hindi niya itinangging parang nagka-trauma raw siya sa ipinakita ni Katherine sa kanya noon. At aniya, masakit daw na hanggang ngayon, hindi pa niya ito nakikita nang personal.

"Siyempre po masakit. Naawa ako sa bata. Pero ang masakit po ro'n, hindi ko magalaw. Kasi, every time na inaano ko, may balik sa akin. Na-trauma ako sa kanya kasi, parang lahat ng nagawa ko, naitulong ko, that time, dahil hindi nga ako nagsasalita, binalikan niya ako ng hindi magagandang salita. Ngayon po kasi, dahil sa mga nangyayari sa akin, parang natatakot akong lapitan siya. Na, I'm sure, eto na naman. Parang yung trauma ko, babalik na naman sa akin."

GETTING TO LIKE ALESSANDRA. On a lighter note, marami na rin ang sumusubaybay sa tandem nila ni Alessandra de Rossi sa Tayong Dalawa kunsaan tinutukso na nga raw sila sa set dahil sa closeness nilang dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi nga ba siya naa-attract dito? "Nate-turn on ako sa kanya kasi dahan-dahan ko siyang nakikilala. Ako kasi, mas ugali more than sa physical attraction, e. Bumilib ako sa kanya kasi siya yung nandito sa Pilipinas at ang family niya ang nasa abroad. Dun po ako malapit, e, pagdating sa family.

"Siya pa po pala ang nagpapadala sa family niya. Nagulat ako dahil napakabait naman niya. Imbes na intindihin niya yung sarili niya lang, yung family niya. At saka, kapag pamilya ang pinag-uusapan, ganun din po siya ka-intense."

On his part, wala raw siyang girlfriend dahil kagagaling lang daw niya sa breakup. "Six months ago na rin po, non-showbiz. Pero, sa ngayon, ayoko na rin po munang manligaw. Ano lang po muna... actually, ngayon ko lang po naano na ganito po pala ang trabaho kapag nasa TV, halos buong week mo, nakakain. Start po kami ng umaga, tapos namin kinabukasan na ng 10:00 A.M."

Sabi nga niya, nakakapanibago raw.

"Naninibago po ako mas lalo na sa atensiyon. Pero thankful din po ako dahil sa discipline na nakuha sa indie. Kapag ina-apply ko rito, minsan, ako na mismo, nakahanda na ang damit ko, hindi na ako kailangang sabihan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN