Sunshine Dizon says she didn't take Unang Hirit hosting job from Jolina Magdangal

IMAGE 0


Sunshine Dizon debunks another rumor, that her series All About Eve will be ending in June due to poor ratings. "Di na ako naniniwala sa ratings, nabibili naman yun," the young actress firmly asserted.


Mismong si Sunshine Dizon ang nagkumpirma sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na till June na lang mapapanood ang All About Eve where she plays the role of Ericka.

Di maiiwasang malagyan ng intriga na ngayong kumpirmado ding na-extend ang nasabing show for another season ay maaaring isipin ng marami na hindi kasi maganda ang ratings ng All About Eve kaya nagdesisyon ang management na tapusin na agad ito, bagay na agad namang klinaro sa amin ni Sunshine.

"Lahat naman ng shows ngayon, ganun ang running time lang talaga, depende kung mae-extend or what, but I think ganun, kasi so many shows line up, ang daming bubuksang shows na one season lang para din di magsawa ang audience.

"Regarding sa ratings, actually ngayon di na ako naniniwala sa ratings, nabibili naman yun. Basta ako kuntento na ako sa mga naririnig ko sa mga tao na they're happy with the show. Mapapanood kami till June."

Kinumpirma sa amin ni Sunshine na isang drama show ang sunod niyang gagawin under GMA-7.

"Mayroon nang sinabi sa akin pero di ko pa puwedeng sabihin kung ano. May nakalinya na, drama uli but I cannot divulge at the moment kasi pinagbawal."

HOSTING INTRIGUE. Sa ngayon ay regular na napapanood siya sa Unang Hirit kung saan nalalagyan na ng intriga na pinalitan o sinulot niya kay Jolina Magdangal ang pagho-host ng nasabing morning show.

"Ay walang ganun. Actually si Jolens ang nagkuwento sa akin na may ganun nga raw na balita, nagulat ako. Siguro nagkamali ang mga tao sa pagkakaintindi pero I'm temporarily replacing Lyn Ching and before Lyn Ching asked for a vacation, they cleared up in Unang Hirit na walang papalitan or inalis.

"Jolens naman is happy that I'm also part of Unang Hirit, she's very supportive, so sana 'wag naman lagyan ng intriga."

Right now Sunshine is enjoying her job in Unang Hirit since hosting is her first love. Nang tanungin namin kung tatanggapin ba niya kung saka-sakaling alukin siyang maging regular host ng UH, oo ang sinagot sa amin ng aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I'm very happy doing it. It's not easy to wake up at three in the morning every day plus all tapings. Minsan natutulog nga ako sa GMA, naliligo lang ako, diretso na ako uli sa taping, pero okey lang.

"If you're happy doing something, you're able to do sacrifices for that, I really don't mind. Di naman lahat nabibigyan ng oportunidad na ganung klase and I'm glad that GMA News Department gave me that chance coz di naman lahat ng artista nabibigyan ng opportunity ng News Department.

GOOD FEEDBACK. "[Ang] News Department and the Entertainment Department of GMA are different entities, magkaiba 'yan. I think masaya naman sila sa performance ko. When they extended me for another week, sila pa nagtanong kung okey daw ba sa akin coz maganda ang feedback. Di nila alam na sobrang ligaya ako dahil masaya ako sa ginagawa ko.

"Hangga't kaya, hangga't kaya ng mag-give way ng soap na ginagawa at gagawin ko, I will still do UH wholeheartedly kasi it's very rare for a show to encourage people to speak your mind and show your own personality kasi sa UH, yes, they have scripts that we followed for the spiels but then they encourage us to give inputs na galing sa amin.

"Nade-develop yung personality mo and for a change nakikita ka ng mga tao bilang ikaw talaga. Ngayon na I'm temporarily part of UH, I'm really praying na sana makita nila ang potential ko eventually kung mamarapatin. If given the chance, I would to do it permanently."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN