Hot young stars remake 1980s blockbuster drama Kung Aagawin Mo Ang Lahat Sa Akin

IMAGE 0


(Clockwise) Glaiza de Castro, Maxene Magalona, JC Tiuseco and Patrick Garcia star in the TV remake of the 1989 Sharon Cuneta movie, Kung Aagawin Mo Ang Lahat Sa Akin. The movie is especially poignant for Maxene whose late father, Master Rapper Francis Magalona, was in the original movie.


Naganap na ang story conference para sa bagong GMA Sinenovela na Kung Aagawin Mo Ang Lahat Sa Akin noong nakaraang Thursday (May 21) sa GMA Network Studio. TV remake ito ng 1989 movie ni Sharon Cuneta sa ilalim ng Viva Films. Kasama ni Sharon noon sina Jackie Lou Blanco, Ricky Davao at Tonton Gutierrez.

Ang gaganap sa role ni Sharon bilang ampon na si Maureen ay si Maxene Magalona. Sa role naman ni Jackie Lou as Gladys ay si Glaiza de Castro. Si Patrick Garcia naman ang gaganap na Troy originally played by Ricky Davao, at si JC Tiuseco naman ang natoka sa role na Aldrin, na unang ginampanan ni Tonton Gutierrez.

Ang iba pang kasama sa cast ay sina Jackie Lou Blanco (na this time ay gagamapanan ang role ni Laurice Guillen bilang ina nina Maxene at Glaiza), Noni Buecamino, Jace Flores, Jade Lopez, Joanne Quintas, Emilio Garcia at marami pang iba.

SECOND SHARON ROLE FOR MAXENE. Natutuwa si Maxene dahil sa ikalawang pagkakataon ay gaganap siya sa role na ginampanan ni Sharon Cuneta. Una ngang Sharon Cuneta role na ginawa ni Maxene ay yung sa Una Kang Naging Akin.

"I like to thank GMA-7 for trusting me with another Sharon Cuneta role. This movie is very memorable sa amin because my late dad [Francis Magalona] was in this movie. Kahit si Mommy [Pia Arroyo-Magalona] had a small role din sa movie na ito.

"I feel so honored na binigyan nila ako ng ganitong role. Kakatapos ko lang ng SRO Cinemaserye and may kasunod na kaagad. I promise to do my best again with this new role," ngiti pa ni Maxene.

Magiging partner ni Maxene dito ang Pinoy Sole Survivor na si JC Tiuseco. Looking forward si Maxene na makilala nang husto ang makakasama niya sa naturang sinenovela.

"Dito ko lang sa story conference unang na-meet si JC. I want to know him more para magkaroon kami ng magandang rapport sa taping. Most of my scenes kasi is with him. Kaya I'm ready to work with a new leading man."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DRAMA SERIES DEBUT FOR JC. Flattered naman si JC dahil kauna-unahang drama series niya itong Kung Aagawin Mo Ang Lahat Sa Akin. Kumpara nga naman sa mga nagawa na niyang episodes for Maynila at Dear Friend, isang malaking project ito at malalaking artista ang mga kasama niya.

"Hindi nga ako makapaniwala na kasama ako sa lead cast ng show na ito," ngiti pa ni JC.

"Tapos si Maxene pa ang parati kong makakaeksena. Noong una, hindi pa ako maniwala kasi baka puwede akong mapalitan. Pero noong pinapunta na ako sa story conference, doon na ako nakampante. Nahihiya nga ako kasi puro mga kilalang artista ang nasa show.

"Nagbibiruan na lang kami ni Jace kasi kaming dalawa lang ang mga baguhan. Pero salamat sa tiwala ng GMA-7. I will do my best para hindi ako mapahiya sa kanila."

Ready na rin kaya siya sa mga magiging kissing scenes nila ni Maxene, if ever meron?

"Meron ba?" sabay tawa ni JC. "Hindi ako makasalita pa kasi hindi pa naman kami nagte-taping na magkasama. Siyempre, I want to get to know Maxene muna bago kami gumawa ng gano'ng eksena. Nakakahiya naman sa kanya. Pero bahala na kung ano ang ipagawa sa amin. Magiging gentleman naman ako kay Maxene."

VILLAIN ROLE FOR GLAIZA. First time namang gaganap bilang isang kontrabida si Glaiza. Bagong challenge ito for Glaiza dahil sa mga past roles niya ay parati siyang mabait at inaapi.

"Nakaka-excite gawin ang role na ito kasi may pagka-bad girl ako rito. First time akong gagawa ng gano'n kaya it's something different for me. Mabuti nga at kasama rin sa cast si Ms. Jackie Lou Blanco who originally played the role of Gladys. Makakahingi ako sa kanya ng mga pointers on how she played the role.

"Tapos mabubuntis pa ang character ko rito kaya maraming bago talaga akong gagawin dito. Sana nga magampanan ko nang maganda ang ipinagkatiwala sa akin na role."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ANOTHER TEAM-UP WITH PATRICK. Muli ngang magsasama sina Glaiza at Patrick after ng magandang pagtanggap sa kanila sa Dear Friend.

"Nakakatuwa namang isipin na nagustuhan nila ang team-up namin ni Patrick. Kaya sana sa bagong pagsasamahan namin, nandiyan pa rin ang suporta nila. It's fun working with Patrick and this time mas madrama ang project namin."

Si Patrick Garcia nga lang ang wala sa story conference dahil kasalukuyang nasa Europe ito, kasama ang kanyang father at nagbabakasyon. Pero babalik agad si Patrick kapag magsisimula na ang taping para sa naturang show.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN