Almost a year after Rudy Fernandez's death, his son Mark Anthony says, "Tanggap ko na."

IMAGE 0


Mark Anthony Fernandez clarifies that his marriage to Melissa Garcia was never on the rocks, that he was just misinterpreted in an interview. "I used my words wrongly. I didn't choose them right."


Finally, after almost one year, natanggap na ni Mark Anthony Fernandez na wala na nga ang ama niyang si Rudy Fernandez na yumao noong June 7, 2008.

"Akala ko hindi ko na masasabi yung words na 'Tanggap ko na!' Darating at darating pala talaga sa 'yo yun. Feeling ko na lahat ng tao na nagsabi na 'Tanggap ko na,' ang ibig sabihin pala nun, hindi na siya sasagot pa sa yo kapag kinausap mo," umpisang pahayag ni Mark sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Mas maluwag ba sa loob niya na tahimik na talaga ang papa niya?

"Nung una, hindi naman para sa kanya yun, para sa amin yung inaalala namin nung umalis siya, na paano pa kami matutuwa, paano, wala na si Papa?

"Actually natutuwa kami na nasa heaven na siya, yung sa amin lang, may tanong dati na, 'Ano na yung gagawin namin ngayong wala na siya?' Siyempre dependent kami sa kanya in many ways."

Pero ngayon, maluwag na maluwag na ang pakiramdam ni Mark. "May peace na within me, na biglang nawala nung nawala siya."

GETTING HIS ACT TOGETHER. Kudos kay Mark dahil naipagpapatuloy niya ang maayos na takbo ng buhay niya, personal man o propesyonal. At ito raw ay dahil na rin sa kanyang namayapang ama.

"I want to show him na kaya ko din naman, na may ibubuga din ako kahit papaano."

Mark also revealed to PEP na napakalaki ang tulong ng nagawang pagsasaayos ng ama sa buhay ni Mark bago ito pumanaw.

"Basta ako yung inalala talaga niya, e. Yung dalawa ko kasing kapatid, okay na okay na, nanay nila si Tita Lorna, e, medyo mayaman na si Tita Lorna.

"The bittersweet thing of it, para bang yumaman nga ako nang konti, dumami yung pera ko, galing sa kanya."

May naiwang pera kay Mark ang ama niya pero hindi na niya sinabi kung magkano. "Basta yumaman ako nang konti," nakangiting wika ni Mark.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod pa rito, maayos na maayos ang finances ni Mark Anthony dahil sunud-sunod ang projects niya for GMA-7. After Ako si Kim Samsoon with Regine Velasquez, sinundan naman ito ng All About Eve with Sunshine Dizon at Iza Calzado.

MARRIAGE IS FINE. Klinaro ni Mark ang isyung on the rocks ang pagsasama nila ng misis niyang si Melissa Garcia.

"Okay kami. I think lumaki lang yung issue kasi I used my words wrongly. I didn't choose them right."

May mga salita siyang ginamit sa isang interview na na-misinterpret lang raw, kaya may mga nag-akala na hindi maayos ang pagsasama nila ng kanyang misis.

"Going stronger kami."

Ang tungkol naman sa napabalitang kakakasal pa lang ng mommy niyang si Alma Moreno kay Marawi City Mayor Sultan Fahad Salic ay hiwalay na agad ang mga ito.

"Talagang walang katotohanan 'yan. Kasi siguro nagha-honeymoon pa sila tapos hindi sila ma-contact, yun lang ang tantiya ko."

Ayon pa kay Mark, hindi rin daw totoong nagalit ang Mayor sa paglabas sa telebisyon ng video ng wedding nila. "Hindi, may communication nila yun."

ADVICE TO STEPFATHER. Gaano ka-close si Mark Anthony kay Mayor? "Alam mo yung magkaibigan na hindi kayo nagkikita pero kapag nagkita kayo magkaibigan pa din? Ganun kami. Hindi kami madalas nagkikita o nag-uusap pero nandun yung bonding."

Minsan ay sinabihan niya ang Mayor na alagaan nitong mabuti ang mommy niya. "Sinabi ko... nag-advise ako sa kanya na, 'Ganito si mama, ganyan si mama'... more of na, 'Magmahalan kayo,' and lahat yun in good vibe nung sinabi ko."

Ang kasamahan niya dating Guwapings na si Jomari Yllana ay isa na ngayong successful concert producer. Isa si Jomari sa mga nag-produce ng David Cook/David Archuleta concert sa Mall Of Asia kamakailan. Wala bang plano si Mark Anthony na maging isang producer rin balang araw?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro with his (Jomari) guidance, pero sa ngayon, hindi ko pa naiisip yun. Nagte-text-an kami, more than words yung sinabi ko sa kanya. Hindi na ako nag-congratulate sa kanya pero alam niya na happy ako para sa kanya at talagang ina-uplift ko yung spirits niya hindi pa man nagso-show, bago pa man yung concert. May sinasabi akong mga words sa kanya na ikinakatuwa niya. Mga words of wisdom para sa isang kaibigan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN