Katrina Halili's manager says the actress matured abruptly out of sex-video scandal

IMAGE 0


"Suddenly, parang bigla siyang nag-grow up na. Sobrang nag-mature because of what happened. Mabut na rin yun for her... Hindi ko naman sinasabi na mabuting nangyari yung ganoon. Maski siya, marami siyang natutunang lesson about it, ever since the issue came out last December," says Rommel Gacho about his ward, Katrina Halili (in photo).


Hindi na nakatanggi sa request ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang manager ni Katrina Halili na si Rommel Gacho nang makita namin siya kahapon, May 24, sa SOP para mahingan ng ilang mensahe sa kontrobersiyang kinahaharap ng alaga niya ngayon. Tulad na ng alam ng lahat, sangkot si Katrina sa pinag-uusapan at kumakalat na sex video ni Hayden Kho.

Kay Rommel din namin nalaman na hindi nag-attend si Katrina sa press conference ng Flawless na ginanap din kahapon, tulad ng hindi pagsipot ni Katrina sa press conference na ipinatawag naman noong Friday para sa pelikula niyang Dalaw.

Sa lahat ng nangyayari sa kanyang alaga, marami nang artista, mga oridinaryong tao, ilang sector ng government at mga non-government organizations, ang nagpahayag ng kanilang reaksiyon at suporta kay Katrina.

Pero ano nga ba ang masasabi ni Rommel tungkol sa kontrobersiyang kinasasangkutan ng kanyang alaga?

"Alam naman ni Katrina yun. At saka sinabi ko naman sa kanya from the very start na kung ano yung desisyon mo, susuportahan namin siya talaga," sagot ng talent manager.

Sa ngayon, ano ang desisyon ni Katrina?

"Tuloy ang laban," sabi ni Rommel. "Sa ngayon, hindi ko pa alam yung mga gagawin niya. Ang alam ko lang, meron yatang hearing sa June 1, yun yata ang unang harap nila. Kasi ngayon, yung lawyer niya, si Attorney Raymond Palad, siya yung namamahala ngayon sa lahat.

"So, whatever he says... Kumbaga, lahat kailangan naming ipaalam sa kanya. We are giving him all the freedom to take over. Legal matters na 'yan, kaya siyempre lahat siya naman ang nakakaalam."

Ayon kay Rommel, ang mga suporta at encouragement na natatanggap ni Katrina ngayon ay hindi talaga inasahan ng alaga nang magdesisyon itong lumaban.

"Kasi noong magdesisyon siya na, 'Ito ang gusto kong gawin,' ako, 'Sige, gawin mo.' Siya naman ang na-violate, so she has the right to defend herself. 'Saka na lang dumating yung mga suporta. But before that, buo na talaga sa loob niya ang lumaban."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Yung huling beses na nakausap daw niya si Katrina ay noong Sabado ng gabi, May 23, at okey na raw ito kumpara noong una nitong na-discover ang pagkaka-upload sa Internet ng sex video nila ni Hayden.

Hindi na rin daw masyadong umiiyak ang aktres.

"Hindi naman na siya masyadong umiiyak," wika ni Rommel. "Pero hindi rin naman na yung kagaya ng dati na sobrang masayahin siya na tawa lang nang tawa. Ngayon, parang masyado siyang seryoso na. Parang yung buong atensiyon niya, doon na nakatuon. First time ko lang din siya na makitang ganun.

"Suddenly, parang bigla siyang nag-grow up na. Sobrang nag-mature because of what happened. Mabut na rin yun for her... Hindi ko naman sinasabi na mabuting nangyari yung ganoon. Maski siya, marami siyang natutunang lesson about it, ever since the issue came out last December."

KATRINA'S PARENTS. Maayos na rin naman daw si Katrina at ang kanyang mga magulang, partikular na raw ang ina nito na naka-base sa Palawan.

"Nandito na ang mommy ni Katrina, tumawag siya sa akin the other day. Sabi ko, bantayan n'yo si Katrina, samahan na lang. She needs all the support that she can get from everyone, especially sa kanila dahil family sila. Si Daddy niya, siya yung nakatutok kay Katrina simula nang mag-start sa Senado, all the way; and her brother, si Ian," lahad ng manager ni Katrina.

Nakikikita naman daw ni Rommel ang suporta ng parents ni Katrina sa anak, kesa sa galit dahil sa ginawa ng aktres noon.

"Si Daddy naman niya, ever since, malumanay naman. Si Mommy naman, siguro meron talagang ganoon, parehong babae. Kahit naman noong StarStruck, meron na silang mga ganyan, so mas petty siyempre yun as compared now. Pero kinausap ko si Mommy.

"Dapat nga noon pa sana dumating, pero hindi ko lang alam kung bakit hindi natuloy, the other day lang nakarating. So, yun, magkasama na sila ngayon. Nabanggit din naman ni Katrina noon na may problema sila ng mommy niya. Pero ngayon, okey na. Hindi na kailangang pag-usapan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SUPPORT FROM KAPUSO. Pagdating naman sa career ni Katrina, may balita na magpapahinga muna raw ito dahil sa mga nangyari. Hanggang kailan naman ang pagpapahinga ni Katrina kung saka-sakali?

"It's not my decision kung gusto niyang magpahinga, siya ang may gusto noon," sabi ni Rommel. "Merong ibinibigay ang GMA na project, so okey naman. Sabi naman niya, kung kailan daw siya kailangan.

"Ngayon naman, nataon lang na wala pa siyang ginagawa. Hinihintay lang yung project na gagawin sa GMA. So, nataon naman na wala naman kaming masyadong conflict sa schedules."

As a manager, nakausap na raw niya ang management ng Kapuso network tungkol sa patuloy na suporta ng mga ito kay Katrina. In fact, nag-release na nga ng statement ang GMA-7 hinggil sa bagay na ito.

Dagdag ni Rommel, "Before that, naupo na kami sa taas at alam na rin niya ang mga plano ng GMA sa kanya. Tuloy naman ang mga planong yun kahit na lumabas ang kontrobersiya na ito."

Ang susunod na project ni Katrina sa GMA-7 ay bilang Valentina sa Darna?

"Ay, yun ang wala pang final kung ano ang gagawin niya sa GMA. Marami na rin akong naririnig, pero wala pang final. Hangga't hindi pa naman sinasabi sa amin, ayoko rin naman na mag-assume na sa amin nga. Kung dumating, e, di okay."

Bilang manager ni Katrina, ano naman ang masasabi niya kay Hayden Kho?

"Wala, wala akong masasabi. It's in the court already, nasa Senado na nga. Hintayin na lang natin kung ano ang magiging desisyon. Basta kami, siyempre, nasa likod kami ni Kat," saad ni Rommel.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN