Stars and Businesses: Shyr Valdez ventures into resto-bar business

IMAGE 0


Shyr Valdez explains why she chose to invest on a bar: "Ang group of friends ko, malaki, e, kung saan-saan kami nagpupunta. So it's better to have your own place, 'tapos at the same time, since I am a bar-goer, alam ko kung ano ang gusto ng mga taong nagpupunta sa bar."


Isa nang negosyante si Shyr Valdez!

Para masiguro ang kanyang future, pinasok ng character actress na si Shyr Valdez ang restaurant business.

"I cannot rely on showbiz alone, 'di ba? Kasi minsan may trabaho, minsan wala, plus I have [four] growing-up kids, so I decided to put up my own business.

"So ito kasi, mahilig kasi akong mag-bar so marami akong background sa mga bars...So, I've decided to put up something na alam kong patakbuhin," simulang kuwento ni Shyr sa PEP or Philippine Entertainment Portal.

Sa pagpapatuloy niya, "Bakit bar? Basically kasi, I love going out, I see a lot of different places, and I have a lot of ideas. And instead na gumagastos ako sa labas, dito na lang kumbaga, at least dito na lang sa bar ko."

Proud na proud si Shyr sa Queba, ang pangalan ng kanya ng bar. Ang kuwento nito sa PEP, "Maganda yung lugar, maganda yung sound system, magaling ang performers, cozy ang lugar, masarap ang pagkain, maganda ang service. So yun lahat ang in-incorporate ko dito. At mura ang drinks, mura ang pagkain."

Bagamat kasali ang bansa sa nangyayaring global financial meltdown, ang paniwala ni Shyr ay hindi pa rin naman nawawala sa hilig ng mga Pinoy ang magsaya lalo na pagkatapos ng trabaho.

Aniya, "Kasi kahit sabihin mong may economic crisis tayo ngayon, meron at meron pa ding lalabas para gumimik. So hindi naman kailangang tagain mo ang consumers mo kapag nagtayo ka ng negosyo. Kumbaga kung ano lang yung tama.

"At tsaka meron kasi akong pact, pact with God, na kung bibigyan niya ako ng sarili kong establishment, kahit na sino'ng dumaan diyan, kahit sinong humingi ng pagkain, bibigyan ko. So it's easier for me now that I have my own kitchen, para makapagbigay ako ng pagkain sa labas.

"Nangyari na yun—mga pulubi, kung sinong pulubi or nagugutom na walang pambili ang dumaan diyan-binibigyan namin ng pagkain."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bakit Queba ang naisipan niyang pangalan ng bar?

"The structure of my place is really all made of stone, walang bakal sa loob ng mga bato na 'yan. Talagang buhos talaga ang mga ito ng purong semento. So ang makikita mo lang na bakal dito, yung sa koneksyon ng kuryente, sa mga kable. Pero yung structure sa loob niyan, walang bakal."

Kung titignan ang kahulugan ng Queba sa Google, tanging ang UrbanDictionary.com ang merong itinala na kahulugan. Ang sa bi dito, "outskirts or suburbs."

Pero ibang Queba ang tinutukoy ni Shyr.

"Para mas updated naman sa bagong generation ngayon, sa panahon ngayon. Kung gagawin ko kasing KW, parang Tagalog na Tagalog, so medyo kumbaga sa pagkain nag-fusion kami ng kaunti."

Kaya ang "Kweba," na wala ring bagal sa istruktura nito at naging Queba.

Nito lang Mayo nag-soft opening ang nasabing bar. Ang ilan sa mga celebrities na dumalo ay ang mga matalik na kaibigan ni Shyr tulad nina Lovely Rivero, Alma Concepcion, Isabel Rivas at si Ms. Lorna Tolentino, na sumaglit lamang.

"Si ate LT [Lorna], hindi pa naman puwedeng mag-bar, nagluluksa pa si ate LT, but ate LT is really, really gracious and supportive and really nice. She dropped by here nung isang araw na nagkukuwenta-kuwenta ako, hapon yun, sarado pa ang bar. Sinilip niya yung lugar, she wanted to see the place.

"Then nung opening, dumaan rin siya, as in dumaan lang, kasi nga hindi pa siya puwedeng mag-bar, naka-black nga siya that night. And siyempre, ako naman, I really feel indebted, kasi alam mo yun, sino ba naman ako, Shyr Valdez lang ako, at Lorna Tolentino yung pumunta sa akin.

"Tinulungan niya ako ng walang hininging kapalit, nagbigay siya ng mga ideas, ng mga insights, ng mga advise. Napakabait niya," ang mahabang kuwento ng baguhang aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang mga pagkaing specialty ng Queba ay tuna belly, chicken inasal, pork barbecue, pasta, burgers at corn-in-a-cob. Dalawa ang chef ng naturang resto-bar, sina Chef Andrew at Chef Hardy. Kayang mag-accommodate ng Queba ng more or less 80 people, including its VIP room na may capacity na 15 persons.

"Itong mga tauhan ko, wala sila talaga dating mga trabaho, they were really looking for jobs. And I think I'm also fortunate that I landed with them kasi ang maganda sa mga trabahador ko, may malasakit sila. Hindi kami boss-employee lang, para kaming family dito. As in nakikipagbiruan ako sa kanila, they can tell me anything, ang importante lang sa akin, dedication sa trabaho, at walang inggitan," ang masayang dugtong pa niya.

Tuwing Lunes ay sarado ang naturang establishment. Sa Martes nagsisimula ang happening, kung saan may stand-up comedian na mapanood. Every Wednesday, regular na magtatanghal ang Philippine Idol (ng dating ABC 5 na TV5 na ngayon) finalist na si Paw Chavez, ka-batch nina Gian Magdangal, Jan Nieto at ng winner na si Mau Marcelo. Tuwing Huwebes, Queba highlights laid-back/jazz music, and Friday and Saturday are clubbing nights with a DJ. Sa Linggo, in-house music.

Lastly, inisa-isa ni Shyr ang mga rason kung bakit Dapat kasama sa ating list of favorite hub ang kanyang lugar.

"Well primarily, other than it's a very cozy place, the moment you go here, you don't want to go out. Kasi ang pagkain, masarap, you will have a good dining experience and you will have good company in this place.

"I call this a very intimate party place, because as you can see, it's small, and everybody here would know just about everyone. Those who come here are really mostly friends. So nag-i-interconnect lang sila lahat and yung group of friends ko, lumalaki kasi yung nagpupunta dito, nagiging magkakaibigan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And what's really good about this place, welcome ang lahat—masa, the working class, businessmen, lawyers, doctors, lahat. So, I have a wide array of customers here. Nice responsible people who simply want to have fun."

Queba, which opens from 6:00 p.m. onwards, is located at # 8 N. Domingo St., between Hemady & Gilmore, in New Manila, Quezon City. For parties and private functions, please call 09178527215.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN