Dr. Vicki Belo's counsel on Hayden Kho sex videos: "Sana naman, huwag masyadong sakyan ito ng iba't-ibang pulitiko."

IMAGE 0


Director Quark Henares (left), son of Dr. Vicki Belo, and Atty. Adel Tamano (right), legal counsel of Dra. Belo, spoke to Showbiz Central about various issues arising from the sex videos of Hayden Kho.


Sa sex video scandal ni Hayden Kho kasama ang iba't ibang babae, hindi maikakailang apektado rin nang husto ang pamilya ng mga nasangkot sa kontrobersiyang ito.

Kahapon, May 24, ay nakausap ng Showbiz Central ang panganay na anak ni Dra. Vicki Belo na si Direk Quark Henares. Balita kasing nagkabalikan na sina Hayden at Dra. Belo kaya tinanong nila si Direk Quark kung ano ang saloobin niya sa kontrobersiyang kinasasangkutan ng (dating) boyfriend ng kanyang ina. Lalo na't inamin na ng legal counsel ni Dra. Belo, si Atty. Adel Tamano, na meron ding sex video ang beauty doctor at si Hayden. (Click here to read related article.)

"Ayaw namin ni Cristalle [Quark's sister] na mag-judge," iwas ni Quark. "This is not our fight. The best we can do is to support our mother. And then again, we don't really want na lumabas yung video. As we all know, may ongoing relationship pa rin sila ni Hayden.

"I told her before, 'I hate Hayden and I don't want him to be a part of my life. But I love you so much that I will support you and I will understand. But you cannot expect me to like him, but you can expect me not to interfere.'"

Hindi man nagbanggit ng pangalan si Quark, sinabi niya na alam niya kung sino ang nagpakalat ng sex videos.

"Alam ko more or less na siya yung kumuha... Medyo may pag-amin. Hindi naman outright, pero noong mga 'Careless Whisper' days pa, sinabi na niyan, 'Sinubukan ko itong ibenta sa ABS-CBN.' So, parang ako, malamang siya yun."

VICKI BELO'S LEGAL COUNSEL. After the VTR interview with Direk Quark, live naman na nakapanayam ni Mo Twister ang legal counsel ni Dra. Belo na si Atty. Adel Tamano. Tinanong ni Mo si Atty. Tamano kung may attempt ba noon na i-blackmail si Dra. Belo upang magbigay ng pera sa mga taong nag-a-upload ng sex video sa Internet para tigilan na ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, the blackmail attempt—in law, it's called grave coercion—they attempted to extort siguro mga four million pesos. Not from Dr. Belo, but from Dr. Kho," banggit ni Atty. Tamano.

May pangalan na ba sila ng suspect?

"Yung sa extortion, I don't think we can divulge it yet," sagot ng legal counsel ni Dra. Belo. "But in regard the uploading, meron na kaming mga lead dito and people na malaki ang probability na sila ang nag-upload nun."

Kailan nangyari yung communication kay Hayden na kailangang magbayad siya ng four million pesos para hindi ma-upload ang mga video na yun sa Internet?

"I'm sorry, that part of the information I should not give yet because we are preparing for an affidavit. We will file it before Wednesday. 'Yan ang commitment namin sa NBI [National Bureau of Investigation]... Other people will give affidavits, we also don't want them na parang maghanda sila [suspected culprits]. We just want the truth to come out."

Ano ang nasa utak ngayon ni Dra. Belo?

"From what I can see, this is a very painful thing for her," sabi ni Atty. Tamano. "May halong galit din, may halong sama ng loob. Because kung pag-iisipan n'yo talaga, kung merong victim dito... Alam ko, maraming magsasabi na the victim is Katrina [Halili], et cetera, et cetera. But one of the biggest victims is also Dra. Belo.

"Isipin mo, 'yang videos na 'yan, was with someone na napakahaba ng relationship niya. Plus the fact na may na-receive kaming information na lumabas, na merong videos din siya [Vicki]. So, she's with that group na meron din video, and iba yung situation niya. Dra. Belo has grown kids. She's in a business she's worked hard."

Was there a time na sinabi ni Dra. Belo kay Hayden, bayaran mo na lang ang four million para maiwasan natin ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Well, ang usapan namin ni Dra. Belo dito is, mahirap din naman. Halimbawa, magpapa-extort ka, magbibigay ka ng four million pesos, they'll give you a copy. But, how sure are you, 100 percent sure, na walang other copy?"

Ano naman ang plano nila kapag nalaman na nila kung sino ang nag-upload ng video?

"You know, once we find out who uploaded it... At hindi lang yun, kasi ngayon, nagbebenta na sila ng mga video sa Quiapo, et cetera, and once we find out who are you, we will run after you dahil pambababoy ito sa babae. And essentially, this is making money out of people's misery. That's why nga makikiusap kami sa publiko. Alam ko na marami ang napaka... They are also curious about these videos, gusto nilang bumili, i-download. Siguro puwede nang ipagpaliban nila. Lahat naman tayo may nanay, may kapatid, or baka may anak kayo.

"And these videos, whatever you think of the video, hindi naman intention ng mga party na maging public. So, if you want to watch adult films, there are many places you can buy this. Pero maawa naman kayo sa mga tao rito."

As a lawyer, does he think Hayden did something illegal without the moral implications?

"Let me rephrase what I'm going to say, merong investigation ngayon, so this is not pre-judging or preempting the investigation. For me, the real criminal act here is the uploading and the dissemination-distribution of these videos.

"And honestly, ako, my personal opinion, I seriously doubt if it's Dr. Kho who did that. I don't see the motive. Why would you release it in this period ngayong magkaibigan na po sila ulit ni Dr. Belo, when they are on good terms now? Perhaps, when they have broken up, that could be the better time. But to do it now, it doesn't make any sense to me and he won't gain anything."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Since Vicki's legal counsel is also into politics, ano ang masasabi niya na maging ang mga politician are also into this controversy? For one, tinawag ni Senator Bong Revilla si Doc Hayden na "pervert of the highest kind." Ano ang palagay ni Atty. Tamano sa mga senator na nai-involve na rito, specifically Bong Revilla?

"Honestly, ayokong maliitin lang ang issues dito because there are lot of important issues here like women's rights. Pero kung ako lang, I would have preferred someone else who can speak on this, someone perhaps who is more identifiable, with more credibility on women's rights. Someone like Pia Cayetano, for example.

"Sana naman, huwag masyadong sakyan ito ng iba't ibang pulitiko. Alam naman natin that they have other things to do that are a bit more important. I guess I didn't want to say that directly, kasi importante din naman ito, because I think we have to come up with a law to penalize this certain thing.

"But in the whole scheme of things, sa hirap ng buhay natin, do we really want our senators and our congressmen to focus on this? Ako hindi, I'd rather they focus on more important things."

Sa huling tanong ni Mo, diretso na niyang tinanong si Atty. Tamano kung sinusuportahan pa rin ba ni Dra. Vicki si Hayden in his own fight?

"Yeah, I think as a friend and, you know Vicki very well, I guess, better than me. She's the type of person, if she's your friend, she's your friend. And I'm sure, she doesn't condone anything that has been done, it's really some kind of a liability. But as a friend, I think she still supports Dr. Kho and I don't see anything wrong with that," pahayag ni Atty. Tamano.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN