Raymond Gutierrez learned about his twin brother Richard's car accident when he was in Italy

IMAGE 0


"Nakausap ko si Chard and yung first conversation namin, okey naman sa kanya. I think he was still in a state of shock and trauma noong sandaling yun kaya hindi pa siya masyadong nakakapagsalita," relates Raymond Gutierrez (right) about twin brother Richard (left).


Kasalukuyang nagbabakasyon sa ibang bansa si Raymond Gutierrez nang makausap siya ng co-host niya sa Showbiz Central na si John "Sweet" Lapus kahapon, May 24, kaugnay ng aksidenteng nangyari sa kakambal nitong si Richard. Nasa Prague, Czech Republic, si Raymond nang makausap siya ni Sweet.

Matatandaang naaksidente si Richard noong Biyernes ng madaling-araw, May 22, sa Silang, Cavite, kung saan namatay ang personal assistant niya na si Nomar Prado. (Click here to read related story.)

Ang unang tanong ni Sweet kay Raymond ay kung ano ang pakiramdam niya na habang nagbabakasyon siya ay naaksidente naman ang kanyang kakambal?

"Actually, noong malaman ko yung aksidente, nandoon pa ako sa Italy noon," simula ng TV host. "Nagdi-dinner ako, nakatanggap ako ng text na naaksidente nga raw si Chard, and Nomar was unlucky during that accident. Siyempre, naging emotional agad ako...at tinawagan ko agad ang mommy ko [Annabelle Rama]. And my mom was also very emotional at that time. Kaagad din namang ibinalita sa akin na okey naman daw si Chard. Pero yun nga lang, Nomar passed away because of the accident."

Dagdag niya, "Gusto ko lang din malaman ng mga tao na yung area na yun sa Tagaytay ay talagang accident prone and, I think, Chard is the seventh accident dun sa area na yun. At alam ko, blind curve yung area na yun."

Ayon kay Sweet, may kasabihan daw na sa kambal, kapag may nangyayaring hindi maganda sa isa, may kakaibang nararamdaman ang kakambal nito. May ganoon bang naramdaman si Raymond?

"Wala, wala naman akong nararamdamang ganoon," sagot ni Raymond. "I was informed about it. Siyempre, tinawagan ko agad yung sister ko [Ruffa Gutierrez], si Mommy, and they told me what happened."

Nakausap na ba niya si Richard, at ano naman ang kuwento nito sa kanya?

"Nakausap ko si Chard and yung first conversation namin, okey naman sa kanya. I think he was still in a state of shock and trauma noong sandaling yun kaya hindi pa siya masyadong nakakapagsalita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero I think, tonight, lalabas na siya ng hospital. I think he doesn't want to stay in the hospital for too long. But I think, kailangan niyang gawin yung mga check-up sa kanya and make sure na yung eyes niya walang bubog and make sure that internally, everything is okay," saad ni Raymond.

Ipinaalala rin ni Sweet kay Raymond na noong ang daddy naman nila na si Eddie Gutierrez ang nagkasakit at naoperahan last year ay nasa ibang bansa rin siya at nagbabakasyon. Hindi kaya madadala na siyang magbakasyon ngayon?

"Actually, yun nga, e!" medyo natawang sabi ni Raymond. "Pero each time naman na may dumarating na ganyan, you know, I'm always in touch with my family. I always know what is happening. Palagi nila akong binabalitaan at pagdating ko diyan sa Thursday [May 28], sila agad ang makakasama ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN