PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rodjun Cruz feels no insecurity over Dianne Medina's earnings

Rodjun: "Ang maganda sa amin ni Dianne, team kaming dalawa."
by Melba R. Llanera
Published Apr 3, 2026
Rodjun Cruz feels no insecurity over Dianne Medina's earnings
Rodjun Cruz on wife Dianne Medina: "Never akong nagkaroon ng insecurities kay Dianne, dahil sa awa ng Diyos, magmula nang maging kami ni Dianne, tuluy-tuloy ang trabaho ko."
PHOTO/S: @rodjuncruz / @dianne_medina Instagram

Hindi isyu kay Rodjun Cruz kung may impression man ang iba na mas lamang ang misis niyang si Dianne Medina pagdating sa mga pinagkakakitaan.

Read: Dianne Medina and Rodjun Cruz love story

Si Dianne ay abala sa pagiging content creator, host, entrepreneur, at actress, habang si Rodjun ay pagiging actor, dancer, at content creator ang bread and butter.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rodjun sa launch ng Dianne Medina Studios, na ginanap sa V.S. Hotel ballroom noong March 21, 2026.

At dito niya nilinaw na wala siyang insecurity sa kanyang misis, at hindi niya kailangang ipangalandakan ang kontribusyon niya sa finances ng kanilang pamilya.

Lahad ni Rodjun: "Never akong nagkaroon ng insecurities kay Dianne, dahil sa awa ng Diyos, magmula nang maging kami ni Dianne, tuluy-tuloy ang trabaho ko.

"Halos lahat ng istasyon nalipatan ko na, halos lahat ng parte Luzon, Visayas at Mindanao, naikot ko na.

"Ngayon kasi nagpo-post tayo sa social media, di naman nila alam lahat ng pino-post.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Talagang bliness tayo ni Lord na parehas kami lagi na may ginagawang work."

Lahad pa ni Rodjun, magkatuwang sila ni Dianne sa lahat ng aspeto ng pagpapamilya.

"Ang maganda sa amin ni Dianne nag-start kami na may dream, may pangarap.

"Kaya nga di kami kinasal agad kasi ako mismo gusto ko bago ko pakasalan si Dianne, may enough savings na rin ako."

Twelve years silang magkasintahan bago nagpakasal noong December 21, 2019.

Ayon pa kay Rodjun, maayos ang set-up nila ni Dianne pagdating sa finances at sapat iyon para sa kanilang pamilya.

"Siyempre mayroon din kaming joint account na pag may kinikita kami, sine-save namin dun.

"Yun nga yung sobrang thankful ako kay Lord. Di naman kailangan maging bilyonaryo ako, hindi.

"Kasi ang tunay na kayamanan yung kasama mo ang pamilya mo, nakakapag-spend time ka, nakaka-travel kayo together."

Sabi pa ni Rodjun: "Ako, walang insecurities talaga. Grabe na nga yung blessing sa akin ni Lord. Magrereklamo pa ba ako kung ano ang ibibigay ng Panginoon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Saka sobrang team kami ni Dianne, tulungan talaga kami."

Naiiling na lang si Rodjun kapag may ilang netizens ang nanghuhusga sa kanya na kesyo si Dianne ay abala sa trabaho habang siya ay busy sa pagpapalaki ng katawan.

Aniya: "Oo, may mga nagsasabi sa akin ng ganun. May nagsabi nga sa akin na, 'Buti pa ito pa-gym-gym lang, pero yung asawa niya...'

"Ako kasi, di nila alam yung trabaho natin as artista. Akala kasi nila minsan, 'Uy si Rodjun, nandito lang sa bahay nila, nagdyi-gym.'

"Di nila alam minsan pag nagpo-post ka, endorsement yun, paid tayo para gawin yun.

"Di ko gusto na maging mayabang, 'Ikaw namba-bash ka diyan, pero ako nakapag-post na ako, nagawa ko na ang trabaho ko, kumita na ako.' Di nila alam yan."

Read: Ria Atayde talks about the joys and challenges of being a mom

RODJUN CRUZ ON WORKING SINCE HE WAS 11

Alam din daw ni Rodjun sa sarili niya kung gaano siya kasipag magtrabaho, lalo pa't pareho raw sila ng kapatid niyang si Rayver Cruz na maagang nag-showbiz.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Ako, proud ako sa asawa ko kahit sabihin nila si Dianne magaling, madiskarte...

"Pero kami ni Rayver, eleven pa lang ako, si Rayver nine, nagtatrabaho na kami. Alam namin ang hard work. And hindi biro na maabot namin kung nasaan kami ni Rayver ngayon.

"Alam natin sa industry na hindi forever yan, e. Minsan nasa taas ka, minsan nasa baba ka."

Pero sa kaso niya, hindi raw siya tumigil sa paghanap ng paraan para patuloy na magtrabaho.

"Sa industry natin, pag di ka na masyadong visible, nag-age ka na, hindi lagi kang may work.

"Yun ang maganda sa amin ni Rayver, na-all around kami, bukod sa pag-aartista, bukod sa pag-arte, may mga out-of-town shows kami.

"Mabuti na rin na mayroon tayong mga followers, naging influencer tayo, nagpo-promote tayo ng mga brands din.

"Marami naman tayong kayang gawin, ginagawa. Pero di ko naman kayang sabihin sa ibang tao kasi ako hangga't maari, bina-balance ko ang lahat."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag ni Rodjun: "Thankful na lang ako kay Lord na continuous yung blessings.

"Di ko pinapatulan ang mga ganun kasi ang mga bashers, wala naman silang ginagawa pero sila yung masyadong perfect na, 'O, walang ginagawa.'

"Sobrang proud ako sa aming mag-asawa. Kunwari, mas lumaki ang kinikita sa akin ni Dianne, okay lang sa akin yun, asawa ko naman yun.

"Ang maganda sa amin ni Dianne, team kaming dalawa."

Read: Did you know: There are only two Filipino-born saints?

RODJUN CRUZ SAYS HE AND DIANNE MEDINA ARE PARTNERS

Pagdating sa dynamics nilang mag-asawa, inilarawan din ni Rodjun na siya ang tumatayong haligi at si Dianne ang ilaw ng tahanan.

Ayon kay Rodjun: "Di dominante si Dianne. Di man ako masalita, pero ako yung king sa bahay.

"Si Dianne strong personality, well-trained yan, pero siyempre asawa pa rin siya, babae pa rin siya.

"Pagdating sa bahay, ako ang nakakakita, pag may doubt siya. 'Honey, kaya ba natin ito?' Ako yung katabi niya na nagpapalakas ng loob niya, 'I believe in you. Kaya mo yan.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasi kung wala ka ring support na ganyan, hindi pa rin lalakas ang loob to do this. Pati sa mga anak, decision ko pa rin.

"Kaya sobrang love ko si Dianne kasi yung respect niya sa akin [nandun]."

Diin din ni Rodjun: "Pero ayoko namang sabihin na ako ang king at susunod [lang] sa akin si Dianne kasi relationship yan, it takes two to tango.

"Team kayo and ina-allow ninyo ang bawat isa na mag-shine."

Read: How Dianne Medina, Rodjun Cruz share household expenses

RODJUN CRUZ ON DIANNE MEDINA STUDIOS

Bilang patunay ng suporta niya, si Rodjun ang tumatayong vice-president for marketing at si Dianne ang CEO at President ng Dianne Medina Studios.

Ito ang bagong tatag na negosyo ni Dianne na may kinalaman sa live selling, at magsisilbing conduit sa brands at influencers para sa marketing campaigns.

"DM Studios and Agency, focus yan on content creativity and live selling. So content-driven live selling siya, so yun ang marketing performance to connect with our viewers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Gagawa tayo ng campaigns so we can attract viewers also, and eventually yun ang magiging loyal costumers natin.

"Live selling agency siya, yung e-commerce. Siyempre may mga platforms yan, live commerce siya. So yung mga audience mo makikita ka, mae-experience yung binebenta mo, kung anong products. Sila mismo mae-engage sila to buy your product."

"Yun ang maganda sa DM Studios kasi we will help branch grow and siyempre makakatulong din tayo sa mga creators, sa mga live sellers at the same time."

Proud si Rodjun na sabihing si Dianne ang may konsepto ng bago nilang negosyo.

"Yang DM Studios, vision niya yan. Sabi ko gamitin mo ang DM Studios. Wag mong ilagay ang pangalan ko kasi vision mo yan, support ako sa iyo all the way.

"Ganyan din siya sa business namin na Cruz Fit, nakasuporta din sa akin si Dianne. Ganun kaming mag-asawa, we support each other, team kaming dalawa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa ngayon ay may ilan na ring artista at content creators na miyembro na ng DM Studios, kabilang sina Jan Marini, Nadine Samonte, CJ Ramos, at Team Mochi.

Posible rin daw na i-request nila sina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose kapag may big brands sila na kliyente.

Ani Rodjun: "Pero bago naman namin makuha si Julie and si Rayver, dadaan talaga sa GMA and Sparkle para at least dumadaan tayo sa proseso.

"Kung mag live sell sila, okay ang lahat, plantsado ang lahat."

Read: 15 beautiful churches and chapels across the Philippines

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rodjun Cruz on wife Dianne Medina: "Never akong nagkaroon ng insecurities kay Dianne, dahil sa awa ng Diyos, magmula nang maging kami ni Dianne, tuluy-tuloy ang trabaho ko."
PHOTO/S: @rodjuncruz / @dianne_medina Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results