Lolit Solis retorts: Hayden camp doing a demolition job on Katrina

IMAGE 0


"Kung may nagawang pagkakasala ang anak niya, pangaralan niya," Lolit Solis says to Hayden Kho's mother, Mrs. Irene Kho (inset), who accused Katrina Halili of giving prohibited drugs to Hayden.


"Nagde-demolition job sila, e."

Ito ang opinyon ng talent manager na si Lolit Solis sa panayam sa kanya ng Unang Hirit host Arnold Clavio kaninang umaga, May 26, tungkol sa mga paratang ni Mrs. Irene Kho, ina ni Dr. Hayden Kho, laban kay Katrina Halili.

Si Lolit—dating talent manager ni Hayden at nanatiling talent manager naman ni Senator Bong Revilla—ang kumondena sa mga sex video ni Hayden, kung saan kasama si Katrina.

Sa kanyang paunang pahayag, sinabi ni Lolit: "Alam mo, tuwang-tuwa ako na lumabas siya on TV kasi nakita ng lahat ng tao ngayon kung kanino nagmana si Hayden Kho. Nakita mo kung paano ang dami-daming tao ang sinisisi ang ibang tao sa nangyari sa anak niya. Parehong-pareho sila ni Hayden na lahat ng tao sa paligid niya sinisi nila sa lahat ng nangyari. Nasa-sidetrack 'yong talagang isyu. Ang isyu, 'yong si Hayden at 'yong video."

Sumunod ay nagkomento ang showbiz talent manager tungkol sa isyu ng droga na inihayag ni Mrs. Kho sa isang exclusive interview. Sa katunayan, ang kanyang paratang, "Ms. Katrina, ikaw ang naglulong sa anak ko sa droga."

Dinepensahan naman ito ni Lolit sa pagkukuwestyon, "Sino ba ang doktor? Sino ba ang may alam sa droga? Hindi ba si Hayden?"

Patuloy niya, "Kung talagang sinabi niya [Irene] na binibigyan ng drugs ang anak niya [Hayden] na isang doktor, aba, e, hindi na nga ako nagtataka na nabalita noon na may namatay na pasyente sa kamay ni Doctor Hayden. Hindi ba? Kung nagdodroga siya, ganun nga ang mangyayari. Alam mo, nagde-demolition job sila, e, lahat sinisisi nila"

Pinabulaanan din niya na scripted lamang ang mga paglabas ni Katrina sa telebisyon. Pakli ni Lolit: "Anong scripted? Puwede mo bang... Kung in-script ko 'yon, dapat, in the first place, ang in-script mo ay 'yong video. 'Yon ang dapat niyang sinabi, kasi doon nanggaling ang lahat ng problema. Kung hindi 'yon ginawa ni Hayden, wala sanang gulo ngayon, maayos sana ang buhay ng lahat."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MOTHER'S BLIND LOVE? Nagpahayag pa si Lolit ng sunud-sunod na maiinit na argumento laban sa ina ni Hayden Kho.

Sabi ng talent manager/columnist/host, "Alam mo, ang totoo, parang may mga demented na tao, di ba? Kasi 'yong mga salita na lumalabas sa bibig nila, pang-hindi na 'yon mga salita ng taong nasa right mind niya. Hindi ba kapag nanay ka, dapat ang anak mo i-guide mo sa mabuti? E, parang siya, okay lang sa kanya ang ginawa ng anak niya. E, babae siya, dapat may feelings siya sa mga kapwa niyang babae.

"Kung may nagawang pagkakasala ang anak niya, pangaralan niya. Hindi 'yong parang... Basta ito ang sinasabi ko, imbestigahan nga niya. Hindi ba niya nalaman na magmula pa October wala nang trabaho ang anak niya, pero nakatira sa Pacific Place sa The Fort? 'Tapos may bagong kotse, nakakapunta sa mga lugar na five-star hotel, naka-first class na airline, gumagasta. Ano ang ibig kong sabihin? Hindi ba niya inimbestigahan 'yan bilang ina? Saan nakukuha ni Hayden?"

Dagdag ni Lolit, "Ang ibig ko namang sabihin, ikaw lalaki ka, ang nagbabayad ng condo mo, si Dr. Vicki Belo—kuryente, tubig, lahat, ang nagbabayad noon si Dr. Vicki Belo. 'Tapos, doon mo dinadala ang mga babaeng binababoy mo, sharing the same bed that you share with Dr. Belo sa pambababoy. Anong klase kang tao? Anong klase kang lalaki?

"Hindi nga, sabi ko nga, parang bulag sa pag-ibig si Dr. Belo. Dahil bulag sa pag-ibig si Dr. Belo, papayagan ko na 'yong mga statement niya. Pero 'yong nanay, ganun pa rin ang statement?"

LOLIT'S ADVICE. Sa huli, nagbigay ng isang mahabang mensahe si Lolit sa ina ni Hayden Kho.

"Mrs. Kho, huwag kung sinu-sino ang sinisisi n'yo. Sinisisi n'yo si Senator Bong Revilla, sinisisi n'yo ako. Tandaan mo, si Bong Revilla, kapatid sa hanapbuhay ni Katrina at ng ibang babae na inapi ng anak mo. Kailangan bilang kuya, tumayo siya at ipagtanggol ang mga kapatid niyang inaapi ng anak mo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inulit din nito na dapat ay imbestigahan din niya ang kanyang sariling anak. Paalala ni Lolit, "Basta ito ang tandaan mo Mrs. Kho, isipin mo nang mabuti kung ano ang ginawa ng anak mo para malaman mo kung saan mo siya matutulungan. Kasi, may ginawang masama, 'tapos parang kinukunsinti mo pa."

Patuloy ni Lolit sa Unang Hirit host, "Alam mo ba, Arnold, noong harap-harapan kaming tatlo, tinatanong ko kay Hayden, 'Bakit mo nagawa 'to? Hindi mo ba naisip na ano 'yan, na isang masamang gawain?' Alam mo ba ang ginagawa niya habang tinatanong ko ang anak niya, iniimbestigahan ko kung bakit nagbi-video? Text siya nang text, parang common lang sa kanya. Parang common lang sa kanya na ang anak niya nang-video at nambastos ng babae, nambaboy ng babae. Okay lang, parang ganun."

Sa nasabing panayam, nabanggit ni Lolit na maaring may isa pang video na lumabas sa mga susunod na araw.

"May bago na naman siyang lalabas na video. 'Yon ang hintayin mo, 'yon ang sinasabi ni Erik Chua. Ayaw ko na magbanggit ng pangalan," natatawang sambid ni Lolit Solis.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN