PEP EXCLUSIVE Katrina Halili's legal counsel reacts to Mrs. Irene Kho's allegations against the actress

IMAGE 0


"Ang kagandahang-asal, nagsisimula sa bahay. Sabi niya, maganda niyang pinalaki ang anak. Nakita natin kung paano magsalita si Nanay. Ngayon, siguro, kayo na ang humusga kung bakit ganoon si Hayden. Something must be wrong sa kanila. Kami, we will concentrate on issue at mai-prosecute ang mga isyu na isinampa," says Atty. Raymund Palad, legal counsel of Katrina Halili (in photo), about the allegations of Hayden Kho's mother.


Kagagaling lang mula sa isang hearing ng legal counsel ni Katrina Halili na si Atty. Raymund Palad kaninang umaga, May 26, nang paunlakan niya ang panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa telepono.

Hiningan namin ng reaksiyon si Atty. Palad hinggil sa panayam ng ina ni Hayden Kho na si Mrs. Irene Kho sa TV Patrol World kagabi, May 25. Inakusahan ni Mrs. Kho si Katrina na siya diumanong nagtulak kay Hayden para gumamit ng illegal drugs. (Click here to read related story.)

DRUG ISSUE. Diretso nang tinanong ng PEP kay Atty. Palad ang tungkol sa bintang ni Mrs. Kho na si Katrina diumano ang naglulong kay Hayden sa droga.

"Yung issue ng drugs, definitely, itinatanggi namin yun," sabi ng abogado ni Katrina. "Yung allegation ng drug na sinabi ng mommy ni Hayden, na si Katrina pa ang nagbigay. Pangalawa, may admission ang mommy na lulong sa droga ang anak niya.

"Let's go sa age factor. Hayden just celebrated his 29th birthday. Katrina is, I think, 22 years old. Tingnan natin sa age factor... Kung lulong sa droga si Hayden, palagay nating nag-start noong college—huwag nang high school—so he was around 16 years old. Kung 16 years old, onwards, for the last 13 years... Kung si Hayden ay 16 noon, si Katrina naman, nine years old. Analysis ko lang, ibig sabihin nito, baka naglalaro pa ng Chinese garter si Katrina, lulong na sa drugs ang anak niya.

"At yung admission na lulong sa droga," patuloy niya, "ang interpretation ko diyan, adik sa drugs. With the admission na lulong sa droga—Dr. Kho is a doctor na kasama sa clinic ni Dra. Belo since 2007—bakit ina-allow na mag-practice ng medical profession niya sa clinic? Bakit siya nakakapag-practice from that point hanggang ngayon? Kung alam ng nanay na lulong sa droga, bakit hindi nila ginawang ipa-rehab?

"Now, they are saying that Dr. Kho is undergoing counseling for physical, mental, emotional, and spiritual. Opinion ko lang, parang walang epekto ang counseling na sinasabing ginagawa nito since December. Kung healed ka, hindi ka magsasalita ng bagay para bumaba ang moral ng kababaihan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi siya nagsasalita ng ganoong statement in front of the television. Kung sana, naisip ng mother, ni Aling Irene, na meron ding ina si Kat na nasasaktan since lumabas yung isyu. Pero yung ina ni Katrina, nananatiling tahimik dahil may legal na prosesong sinusunod."

Ayon pa kay Atty. Palad, kung mapapansin, sa bawat interview or statements nila, hindi raw sila nagpo-focus sa personal, kundi nakasentro lang sila sa totoong isyu.

"If you will note, hindi kami uma-attack ng personal," sabi niya. "Ang isyu rito, dalawa ang klarong isyu: ang exploitation ng kababaihan at ang isinampa sa PRC [Professional Regulations Commission]. Ang revocation of professional license at reklamo sa RA 9262 [Anti-Violence Against Women And Their Children]. Pero ang ibinato sa amin ni Hayden at abogado at ang nanay niya, isang truck ng basura.

"Ang posisyon namin is that, we will not go down to their level na maging baboy sa mata ng lipunan. Masyado nang sumisikat ang word na 'yan. Anyway, nakita natin kung paano binaboy ni Hayden ang tatlong babae sa sex video. As if hindi pa enough yun, ang mother ni Hayden, inalipusta pa si Katrina sa telebisyon."

Dagdag ni Atty. Palad, "Ang kagandahang-asal, nagsisimula sa bahay. Sabi niya, maganda niyang pinalaki ang anak. Nakita natin kung paano magsalita si nanay. Ngayon, siguro, kayo na ang humusga kung bakit ganoon si Hayden. Something must be wrong sa kanila. Kami, we will concentrate on issue at mai-prosecute ang mga isyu na isinampa."

Tinanong din ng PEP ang abogado ni Katrina kung posible bang gawing depensa ng kampo ni Hayden na "under the influence of drugs" ito nang mangyari ang videotaping.

"Malaking kalokohan yun," sagot niya. "Tingnan natin na meron siyang propensity to make sex video at i-compile sa kanyang library. Yung ginagawa niya, hindi mo puwedeng i-justify, then idadahilan mo na naka-drugs. You cannot justify a wrong to say na naka-drugs ka.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang pananaw namin sa batas, ang allegation ni Hayden sa drugs ay baka, it might aggravate the penalty para ma-impose sa maximum ang penalty. Yung sinasabi ni Aling Irene, yung issue ng drugs, not in defense, not in mitigating circumstances. Ang sabi ko nga, the worst, it might aggravate yung kaso niya. At kung iisipin, ang sex video was taken in between August to September of 2007. Siguro, baka 20 years old lang si Katrina noon at si Hayden naman ay 27 years old."

LOLIT SOLIS. Isa pang itinanong ng PEP kay Atty. Palad ay ang pagdadawit ng ina ni Hayden sa pangalan ng talent manager na si Lolit Solis. Ayon kay Mrs. Kho, si Lolit diumano ang "nag-orchestrate" ng mga interview ni Katrina at "scripted" daw ang lahat.

"Actually, si Lolit, sa mga interview niya, galit siya," sabi ng abogado ni Katrina. "Kasi, never naming nakausap si Lolit when we filed. Lahat yun, legal matters. Yung appearance ni Kat, hindi naman yun appearance sa talk show. Yung appearance niya, una sa senator's office, kay Senator Bong Revilla, noong May 20. Same day rin, appearance naman niya sa NBI [National Bureau of Investigation]. Then, sa DOJ [Department of Justice] on the same day.

"Noong May 21, nagreklamo sa PRC, then we went back to NBI. Yung mga appearances ni Kat na nakikita nila, una't huli, yun ang pagpa-file ng kaso. After that, never ko na siyang in-allow na mag-appear. Kaya very unfair kay Ms. Lolit Solis na naa-accuse siya na siya ang nag-orchestrate ng lahat."

Dagdag niya, "Actually, ang script, ang magaling gumawa ng script, ang anak niya. Yung pages-set-up ng video, yun ang script."

KATRINA'S CONDITION. Sa huli, kinumusta namin kay Atty. Palad ang kalagayan ngayon ni Katrina, especially pagkatapos nitong mapanood o malaman ang mga pahayag ng nanay ni Hayden laban sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si Katrina, actually, na-shock," sagot niya. "Shocked siya sa interview ng nanay [ni Hayden]. Hindi namin akalain na ganoon ang family background. Lumitaw ang ugali ng family. Pero si Katrina, kumbaga, hayaan na lang ang publiko ang humusga.

"Sa ngayon, ang intention namin, baka mag-file ng another case against the mother involving the defamatory remarks. Gayundin ang handler ni Katrina na si Omar Sortijas against sa mga pinagsasabi ng nanay."

Sa kasalukuyan, nasa bahay lang daw si Katrina at nagpapahinga. Medyo matatagalan pa raw siguro bago ito lumabas muli. Pero sa May 28, tuloy ang Senate hearing kaugnay ng sex-video scandal ni Hayden Kho.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN