Hayden Kho visits OMB Chairman Edu Manzano

IMAGE 0


Hayden Kho (main photo) met with OMB Chairman Edu Manzano (inset) earlier today, May 26, in connection with the current investigation on the spread of the cosmetic surgeon's sex videos.


Personal na nagtungo sa tanggapan ni Optical Media Board chairman Edu Manzano si Hayden Kho kanina, May 26, kaugnay ng imbestigasyon sa pagkalat ng sex videos ng doktor kasama ang ilang babae, kabilang na ang aktres na si Katrina Halili.

Ayon sa report ni Mariz Umali para sa 24 Oras ng GMA-7, inamin ni Hayden ang kanyang kasalanan ngunit sinabi rin nitong biktima siya sa pagkalat ng mga sex videos niya. Iginiit din ng cosmetic surgeon na wala siyang kinalaman dito. Personal daw ang motibo ng paninirang ito sa kanya.

"I think it's important to know, para sa akin, ha, ang main reason kung bakit siya lumabas. Hindi lang po, I don't think it's just money. I think it has something to do with my relationship with Vicki [Belo, Hayden's ex-girfriend]. And the main target here actually is me. The main prey is me," pahayag ni Hayden.

THE SUSPECTS. Lumitaw ang mga pangalan nina Erik Johnson Chua at Dr. Bistek Rosario bilang diumano'y source ng kumakalat na sex videos ni Hayden. Malalapit daw na kaibigan ni Hayden ang dalawa. Si Erik ay isang businessman samantalang si Bistek naman ay isang doktor.

Kuwento ni Hayden, "Mas ka-close ko po si Bistek ngayon. Ang nangyari po niyan, kasi Bistek is my fraternity brother. Tapos si Erik, nakilala ko lang through Bistek. Pero during the time na single ako noon, hindi ko pa nakilala si Vicks [tawag ni Hayden kay Dra. Belo], ang lagi ko pong kasama si Erik. Almost every day ko siyang kasama. And then, noong maging kami na po ni Vicks, medyo nilayuan ko si Erik. Kasi medyo bad influence po siya sa akin."

Nang tanungin kung ano ang dahilan ng paghihiwalay nila ng landas ni Erik, tumangging magbigay ng detalye si Hayden.

Tinanong ni Edu si Hayden kung sino sa mga kaibigan niyang ito ang may kakayahang mag-operate ng computer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Hayden, "Si Bistek wala, kasi he is a doctor; pediatric specialist sa isang hospital sa Makati. Si Erik naman is... Business niya is computer talaga. I think he owns nine branches ng computer store."

"Is he capable, does he have the competence?" tanong ni Edu kay Hayden.

"Ayoko pong ma-misunderstood na sinasabi kong si Erik, pero..." sabi ni Hayden.

Pero ayon kay Edu, "Hindi naman nating sinasabi na siya talaga ang gumawa, pero does he have the expertise?"

"He has the capacity, yes," sagot ni Hayden.

Naka-register daw sa OMB ang computer store ni Erik sa Quiapo, kaya gusto nilang malaman kung may kinalaman ito sa sindikato.

Ayon naman sa executive director ng OMB na si Atty. Rosendo Meneses, "The mere fact that may puwesto siya [Erik] sa Quiapo... In fact, yung nahanap naming one million number of pieces of CDs, I think they came from the same supplier as the one that from Mr. Chua is getting."

Sa statement na ipinadala ni Erik sa PEP (Philippine Entertainment Portal) kahapon, May 25, pinabulaanan niya na may kinalaman siya sa pagpapakalat ng sex videos ni Hayden. (Click here for related story.)

THE OTHER VIDEOS. Samantala, isiniwalat din ni Hayden na isang nagngangalang Chris ang tumawag diumano sa kanya noong May 16 para mangikil ng pera.

"Hindi ko po kilala si Chris personally," sabi niya. "Pero siya yung nag-a-ask sa akin before... According to him, may grupo na humihingi. Parang middleman lang siya. Hindi na ako pumayag, kasi wala nang sense. Nakakalat na rin [ang videos]."

Tinanong ni Edu kung may kinalaman si Hayden sa mga video na nasa flash drive (USB) at cellphone videos na isinumite sa OMB bilang ebidensiya. Hindi ipinakita ang mga video na ito, pero ayon kay Edu, ang mga video na ito ay tila paninilip sa mga babae. Wala si Hayden sa naturang videos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ay, wala po, wala po akong alam diyan," sagot ni Hayden sa OMB Chairman. "Yun nga po yung problema ko. Kasi parang I heard na may videos na hindi naman po nanggaling sa akin, hindi ko creation, tapos bini-blame po sa akin, na sa akin nanggaling."

Handa raw si Hayden na harapin at makipagtulungan sa mga nagsumite ng ebidensiya sa OMB.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN