PART II: Hayden Kho's camp points to Erik Chua as likely sex-video source

IMAGE 0


A one-night stand with the fiancée of a good friend turned out to be costly for Hayden Kho, says his lawyer, Atty. Lorna Kapunan, to PEP.


Paghihiganti at inggit diumano ang ugat sa pagkalat ng controversial sex videos ni Hayden Kho.

Ito ang naging salaysay ni Atty. Lorna Kapunan—na siyang tumatayong abogado ni Hayden—kay PEP (Philippine Entertainment Portal) editor-in-chief Jo-Ann Maglipon nang magkausap ang dalawa kahapon, May 26, sa isang telephone interview.

"The fact of the matter is the sex videos were done when Vicki [Belo] and Hayden were an item, going out together. In other words, Hayden was cheating on Vicki and so are these other girls. They know that they were cheating on Vicki," diretsang pahayag ni Atty. Kapunan.

Nagsimula raw ang problema matapos ang one-night stand sa pagitan nina Hayden at ang girlfriend ng isa niyang matalik na kaibigan, na pinangalanan ng abogado na si Dr. Bistek Rosario.

"Bistek had a girlfriend, and I understand they were supposed to be getting married soon. It happened that one day or one night, Hayden and this fiancée of Bistek had one drink too many they ended up in bed. They had sex.

"Now Hayden was so shocked in having done this to a best friend, so he told the girl 'This cannot continue,' but left it to the girl, by saying bahala na what she wants to tell Bistek. This girl naman, feeling rejected, goes to Bistek and said, 'Nilasing ako. Nilasing ako and ginahasa ako.'"

BETRAYAL AND BREAKUP. Dahil sa pag-amin ng girlfriend ni Bistek sa diumano'y naging brief affair nito ay nagalit si Bistek. Nagalit din ang iba pang very close friends ni Hayden sa huli.

Nakarating daw kay Vicki ang balita matapos magsumbong ang mismong mga kaibigan ni Hayden, at ito nga ang dahilan upang maghiwalay ang dalawa.

"In breaking up with Hayden, well she [Vicki] knows that si Hayden is a computer techie. Ang explanation nga ni Hayden sa akin is, he keeps a diary. He keeps a diary of things they want to remember, and a diary is usually locked in and kept in a private place, which is the same way he treated his computer and the videos inside his computer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So breakup, solian yan, solian ng kandila, solian ng whatever, and Vicki said solian nga, 'I want my pictures back." Without telling Hayden she now instructed Erik..."

"Erik?" tanong ng PEP.

"Chua," sagot ni Atty. Kapunan.

ENTER ERIK CHUA. Unang lumabas ang pangalang Erik Johnson Chua ilang araw matapos kumalat ang sex videos ni Hayden sa Internet. Sinasabing si Erik ay isang businessman na kabarkada ni Hayden, na nagalit matapos malaman ang naging kaugnayan ng kasintahan ni Bistek sa duktor.

Si Erik—na isang Ateneo management engineering graduate of batch 2001—ang itinuturo ngayon ni Optical Media Board chairman Edu Manzano na maaaring nagpakalat ng videos. Itinanggi naman ni Erik ang akusasyon sa pamamagitan ng isang text message na ipinadala nito sa PEP noong May 25.

"I have no participation in the uploading and attempt to sell the Hayden Kho sex videos. All allegations relating thereto are false and will be dealt with by my family in the appropriate forum and at the proper time," paliwanag nito sa PEP.

Ayon naman kay Atty. Kapunan, si Erik mismo ang nilapitan ni Vicki matapos ang breakup nila ni Hayden para kopyahin ang ilang files na nasa computer ng dating kasintahan.

"Because Erik is a computer guy, and Vicki doesn't know anything about the computer, so she talked to this Erik guy and said, 'So, i-download mo lahat ng nasa computer na 'yan, bigay mo sa 'kin.' But Vicki said, "Don't make a copy.'

"So this Erik guy now gets the computer, download everything, and gave the downloaded material to Vicki, and then returned the computer to Vicki, who gave it back to Hayden."

ENVY INVOLVED. Naniniwala si Atty. Kapunan na isa sa mga dahilan kung bakit lumabas ang sinasabing two-year-old sex videos ay dahil sa balitang nagkabalikan si Hayden at Vicki matapos ang kanilang much-publicized breakup bago matapos ang 2008.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"In fact, si Erik told Vicki that somebody wanted to buy the video for half-a-million [pesos], but he said he would not daw betray his friendship for half a million. But if somebody [will] give him two million, kita na raw yon. That's the full story."

Idinagdag din ni Atty. Kapunan na posibleng may halong inggit kaya ginigipit ng ilan niyang kaibigan si Hayden.

"Hayden, of course, was getting all the break. He got into showbiz. I don't know why, but those are possible, a very likely blackmail angle because they've [Hayden's family] been receiving calls [from anonymous persons] saying they have a copy of your tape [containing the sex videos], and we will give it to you in exchange for four million [pesos]."

Maging ang ama raw ni Hayden ay nakakatanggap ng blackmail calls kaugnay sa sex videos.

"Sabi ni Hayden there were two attempts," kuwento ng abogado niya. "There were two separate attempts. One was made by somebody, who they now know as Erik Chua, and there was another group that was doing it to the father and selling it for four million or something."

Nakausap pa raw ni Hayden sa telepono ang isa sa mga sinasabing blackmailers, at inamin daw ng blackmailer na isang grupo lang ang tumatawag sa kanya at sa kanyang ama. Iyon na rin daw ang una't huling pagkakataon na nakausap ni Hayden ang hinihinalaan niyang nasa likod ng pagpapakalat ng kanyang videos.

Tinanong ng PEP kung kailan nangyari ang pag-uusap. "Post-reconciliation [of Vicki and Hayden] na 'to," sagot ni Atty. Kapunan. "Probably December o early this year. I'm not familiar, but I understand there were already murmurs in December, but there were no hard evidence to back it up."

Click here to read Part III


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN