Hayden Kho pleads for the public to spare his parents from sex-video controversy

IMAGE 0


"I am aware, especially now that yun ang ginawa ko, mali talaga. I've been telling my Mom whenever I talk to her about this, na alam mo yung meron tayong mga kasalanan na we are very, very, very ashamed of that and we don't want to tell anyone. Na minsan alam nating mali, pero ginagawa pa rin natin. Tapos, kapag nagdadasal tayo, parang ayaw man lang nating banggitin sa Panginoon na meron tayong ganoong ginagawa, kasi kunyari na lang, hindi siya nag-e-exist," sa


Isang araw bago siya humarap sa Senado kaugnay ng kanyang sex-video—na ayon sa legal counsel ni Dra. Vicki Belo na si Atty. Adel Tamano ay umaabot daw sa "40 videos"—nagpaunlak ng exclusive sit-down interview si Hayden Kho sa primetime newscast ng GMA-7 na 24 Oras kagabi, May 27.

Sa panayam ni Mariz Umali kay Hayden, bagama't aminado siyang kasalanan niya ang pagbi-video ng pakikipagtalik niya sa iba't ibang babae, hindi masagot nang diretso ng cosmetic surgeon kung bakit niya nagawa ito.

"Honestly, believe it or not, I also don't know the answer. It has been the topic of our conversation, yung discussion namin ng psychologist ko since December [2008], I've been undergoing psychotherapy.

"This is one of the issues na medyo difficult for us. And like I've said, I don't know, maybe it has something to do with childhood trauma or any traumatic experience in my life."

Pero ayon kay Hayden, hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay siya lamang daw ang nakakaalam ng nagaganap na pagbi-video.

"May mga times na alam nila. May mga times na hindi nila alam. During the act itself and the camera is right there. By 'okay lang', I mean, at that time, okay lang dun sa partner ko or whoever that party involved is na nandiyan yung camera. By 'okay lang', I don't mean na okay lang, na tama 'to, na this is more correct," paliwanag niya.

Matagal na naman daw pinagsisihan ni Hayden ang ganitong gawain.

"I am aware, especially now that yun ang ginawa ko, mali talaga," sabi niya. "I've been telling my Mom whenever I talk to her about this, na alam mo yung meron tayong mga kasalanan na we are very, very, very ashamed of that and we don't want to tell anyone. Na minsan alam nating mali, pero ginagawa pa rin natin. Tapos, kapag nagdadasal tayo, parang ayaw man lang nating banggitin sa Panginoon na meron tayong ganoong ginagawa, kasi kunyari na lang, hindi siya nag-e-exist."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi naman nag-elaborate pa si Hayden kung bakit sila nagkalayo ng mga dating matatalik niyang kaibigan tulad nina Erik Johnston Chua at Dr. Bistek Rosario. Si Erik ang itinuturo ni OMB Chairman Edu Manzano at ng ina ni Hayden na si Mrs. Irene Kho na siya diumanong nagpakalat ng sex videos, pero itinanggi na ito ni Erik.

"I'd rather not comment on that," ang maikling sagot ni Hayden nang tanungin tungkol sa kanyang mga dating kaibigan.

SPARE MY PARENTS. Umapela naman si Hayden sa publiko na kung maaari raw, huwag nang isangkot ang kanyang mga magulang sa isyung ito.

"Sana po, huwag n'yo na pong i-involve yung parents ko dito. Huwag na po yung Mommy ko, huwag na po yung Dad ko. I already brought so much pain and humiliation to my own family. Yun na lang pong ibinigay ko sa kanilang disappointment is too hard for them to bear, especially for a dad who used to be so proud of me and a mom na nakita niya akong lumaki. That's really painful po for them. And now, it's as if the whole Philippines is, alam mo yun, nagtutulung-tulong, everyone is clamoring for my head, everyone wants me punished," saad niya.

Humingi rin ng paumanhin si Hayden sa mga nasabi ng kanyang ina na si Irene Kho sa interview nito noong Lunes, March 25, sa TV Patrol World. (Click here to read related story.)

"Humihingi lang po ako ng paumanhin o kapatawaran dahil yung Mom ko po naging emotional during the time na lumabas siya sa TV. I can't blame her, she's a mother, she's just doing her job. I guess, she just loves me so much, and because she can see na parang wala akong kakampi."

Sa kabila naman ng mga patama ng kanyang dating talent manager na si Lolit Solis kay Hayden, itinuturing pa rin daw niya itong kaibigan na mapagmahal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, hindi naman naniniwala si Hayden na may kinalaman ang dati niyang girlfriend na si Dra. Vicki Belo sa gulo na kinasasangkutan niya ngayon, taliwas sa pahayag ni Lolit na si Dra. Belo raw ang ituturo ni Erik na siyang nagpakalat ng video. Ito ay base na rin daw sa phone conversation nila noong hapon ng May 26, Martes. Itinanggi naman ni Dra. Belo na may kinalaman siya rito.

Ayon kay Hayden, "She's [Dra. Belo] a good friend. She's a very special person and I've never met someone like her. Very accepting, very forgiving... Kung meron man isang tao na pinaka-nasaktan dito, pinaka-nahirapan, pinaka-biktima dito, I think it's Vicki. Kasi wala naman siyang ginawang masama kundi nagmahal."

PERSONA NON GRATA. Kaugnay pa rin sa kumakalat na sex videos ni Hayden, ini-report ng 24 Oras kagabi na ilang lalawigan na sa Pilipinas ang nagdeklara kay Hayden bilang "persona non grata" ("unwelcome person" sa English). Kabilang na rito ang mga lalawigan ng Bohol, Iloilo, at Palawan. Sa Palawan lumaki si Katrina Halili, na isa sa mga babaeng kasama ni Hayden sa kumakalat na sex videos.

Bilang propesyunal, hindi raw kasi katanggap-tanggap ang asal ni Hayden, na tinawag nilang "unethical" at "dishonorable."

At kung si Senator Allan Peter Cayetano naman ang tatanungin, kahit saang sulok ng Pilipinas ay dapat daw na ideklara na si Hayden na persona non grata. "Kasi mawawala ang isyu na ito sooner or later, pero hindi dapat mawala ang stigma na yun sa isang gumawa ng ganito," saad niya.

Hindi rin daw makakatuntong si Hayden sa opisina ni Senator Bong Revilla, na siyang unang nagsapubliko ng sex videos ng cosmetic surgeon.

"Kung sa Senado siguro, medyo welcome siya. Pero sa opisina ko, hindi siya welcome," ayon sa senador, na isa sa mga tumutulong kay Katrina na maisulong ang kaso laban kay Hayden.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa parte naman ni Hayden, iginagalang daw niya ang mga resolusyon na inilabas ng ilang mga lalawigan laban sa kanya. Muli rin niyang iginiit na inaako niya ang mga kasalanan na nagawa niya, pero biktima rin daw siya sa gulong ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN