Dra. Vicki Belo denies allegation that she is the source of Hayden Kho's sex videos

IMAGE 0


"Never kong gagawin yun because I've been trying to help him. And I know na pag lumabas ang videos na ito, talagang makakasama for him. So I will never do that," says Dra. Vick Belo about the accusation that she is responsible for the spread of the sex videos of Hayden Kho.


Sa kontrobersiyang kinahaharap ngayon ni Hayden Kho dahil sa paglabas ng sex videos niya kasama ang iba't ibang babae, hindi maiwasang madamay ang pangalan ng ex-girlfriend niyang si Dra. Vicki Belo. Sa katunayan, kinumpirma na ng legal counsel ng doktora, na si Atty. Adel Tamano, na meron ding sex video ang kanyang kliyente kasama si Hayden.

Ngayon ay isa rin sa napagbibintangan si Dra. Belo na siya raw nagpakalat ng sex videos ni Hayden. Pero agad naman niya itong pinabulaanan sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) bago siya umalis ng bansa papuntang Paris last Tuesday, May 26.

"I find it crazy kasi, number one, I'm a friend of Hayden," simula ni Dra. Belo. "I've been trying to build him up. December [2008] pa 'yan nangyari, dumaan na kami sa sigawan... Kaya nga ako ganito kakalmante kasi tapos na yun.

"And the last six months, he's really trying to change. I can see he's very sincere, talagang bumait na siya. Ibang klase tao na siya ngayon, napakalapit niya sa Diyos. So, it's so sad na saka lumabas yung ganito. Parang bumabait na yung tao, tapos ida-drag siya sa ganito, parang balik sa dati.

Dagdag niya, "Never kong gagawin yun because I've been trying to help him. And I know na pag lumabas ang videos na ito, talagang makakasama for him. So I will never do that."

OTHER VIDEOS. Itinanggi rin ni Dra. Belo ang usap-usapan na may iba pa raw sex videos na lalabas si Hayden kasama ang iba pang sikat na personalities. Ito ay sa kabila ng pahayag ng abogado niyang si Atty. Tamano na meron daw "40 sex videos" si Hayden, kung saan kasama raw nito ang tatlo o apat na babae.

"Hindi totoo 'yan," sabi ni Dra. Belo. "I don't think that's true kasi matagal ko nang alam kung ano ang laman nun. Nakita ko na, wala nang iba pa. Two days ago, nasa OMB [Optical Media Board] office si Hayden, may ipinakitang video sa kanya si Edu [Manzano, OMB chairman], supposedly siya and other star. Pero hindi niya kamay yun, kamukha lang din nung star. Hindi din yung star na yun. Naubos na kasi yung kuwento, tapos na, lumabas na. Nagdadagdag na lang yung ibang mga tao, pero hindi totoo yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagsalita na si Erik Johnston Chua, ang dating kaibigan ni Hayden na sinasabing nagpakalat ng sex videos. Pero mariin nitong pinabulaanan na hindi raw siya ang gumawa nito kundi ibang tao. (Click here to read related story.)

Ano ang masasabi ni Dra. Belo rito?

"I think Erik also knows what the truth is. I know it will come out. I don't want to say anything anymore. Pero sana naman, people will just admit yung totoo," saad niya.

Sa kumpirmasyon na may sex videos din sila ni Dr. Hayden, maikli lang ang ibinigay na pahayag ng doktora ukol dito.

"I hope it will not come out, I don't know," aniya.

Bukod kina Hayden, Katrina, at Erik, ipinapatawag din ng National Bureau of Investigation (NBI) at ng Senado si Dra. Belo kaugnay ng imbestigasyon sa sex-video scandal. Sa pag-alis ng cosmetic surgeon ng bansa, ang abogado na raw niya ang bahala sa mga isinasagawang imbestigasyon.

"I'm going to Paris, ite-tape namin ang TV show naming Belo 101. Kasama ko ang mga anak ko, magre-rest kami. Bonding na rin kasi masyadong stressful dito. Talaga kasing nakaplano na ito. Mayroon na kaming crew doon [sa Paris], so hindi ko puwedeng i-cancel. Pero pupunta dun si Atty. Adel Tamano."

IRENE KHO & LOLIT SOLIS. Kinuha rin ng PEP ang reaksiyon ni Dra. Belo tungkol sa mga naging pahayag ng ina ni Hayden na si Mrs. Irene Kho sa interview nito sa TV Patrol World. (Click here to read related story.)

"Alam mo yung nanay ni Hayden, matagal na niya gustong magsalita. Siyempre, as a mother, sobrang nasaktan siya sa mga nangyari. Alam niya kung gaano kabait ang anak niya, nakatapos ng medisina... Just because of one incident, yung buhay ni Hayden, na-judge na, nagbago.

"She's been wanting to talk. We've been stopping her. Then finally, hindi na siya naawat, hindi na namin siya napigilan. Every mother has the right to protect her son," pahayag ni Dra. Belo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagsalita rin ang dating talent manager ni Hayden na si Lolit Solis na binibigyan daw ng pera ni Dra. Belo si Hayden at isang condo raw ang iniregalo nito sa dating boyfriend. Pero agad naman itong nilinaw ni Dra. Belo.

"Hindi totoo 'yan, napaka-unfair naman," sabi niya. "Hindi ko alam kung saan nakukuha 'yan, nakakahiya sa parents ni Hayden. Number one, hindi nakatira sa akin si Hayden. Dun pa rin siya sa Kanlaon, pumunta kayo dun, nakatira pa rin sa kanila si Hayden.

"Wala naman akong ibinibigay na pera. Nandito lang ako as a friend. Moral support, yun lang ang maibibigay ko. Sinabi ko nga, kaibigan ko si Hayden, kaibigan ko rin si Manay [Lolit]. Basta nandito lang ako for him," pagtatapos ni Dra. Belo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN