Marian Rivera knows who'll star with Dingdong Dantes in Stairway to Heaven... but she's not telling!

IMAGE 0


At the Jag Jeans Black Magic show, Marian Rivera (shown above wearing one of the designs) teased the press that she and Dingdong Dantes might have "his" and "hers" tattooes. Would people be able to see hers when she dons her Darna costume? "Ay, hanggang tuhod ang boots ko, hindi ninyo makikita!" laughed the superheroine's latest incarnation.


Naimbitahan ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa Black Magic: The Denim Showng Jag Jeans Philippines na part ng Fashion Week at ginawa sa Main Atrium ng Mall of Asia noong Friday. Dumalo ang mga fashionista, lifestyle editors and writers, entertainment press at fans ng mga endorsers na sina Will Devaughn at Marian Rivera.

Majority of those present ay si Marian ang hinihintay at sa three times na pagrampa ng actress, malakas na sigawan with matching palakpakan ang sumalubong sa kanya. Excited ang fans ng actress sa muli niyang paglitaw sa publiko dahil mula nang matapos ang Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang, limited sa SOP ng GMA-7 ang kanyang appearances.

After the 30-minute show, nagpaunlak ng interview si Marian at inaming ninenerbyos siya bago nagsimula ang show at kinampante siya ni Will.

"Pero ang sarap ng feeling nang rumampa ako. Bata pa ako, ginagawa ko na ito, natigil lang nang maging busy na ako sa showbiz. Kumbaga, binalikan ko lang ang nakaraan ko at masaya ako. Konti lang ang naramdaman kong takot," pahayag ni Marian.

Binanggit din ni Marian na okey sila ni Will, nagsusuportahan silang dalawa at maganda ang working experience nila nang mag-pictorial sila sa Australia. Nakatulong din para maging magkaibigan ang dalawa na magkasama sila at magkapareha sa Desperadas 1 and 2.

HIS AND HERS TATTOOES. Samantala, kung ang ibang press ay ang training ni Marian sa Darnaang inusisa, ang PEP ay ang tungkol sa tattoo ni Dingdong Dantes. Nasulat ng PEP ang tungkol doon batay sa nakitang tattoo sa likod ng right leg ng actor in a chance meeting sa EDSA Shangri-La Hotel. Sa sumunod na interview kay Dingdong, dinenay daw niya na may tattoo siya na agad ipinarating ng PEP sa isa sa publicists ng actor.

Ang sagot ng publicist, hindi deretsong itinanggi at inamin ni Dingdong ang MGD tattoo niya at ang sagot daw ay "minsan nakikita ko, minsan hindi." Tinext ng PEP si Dingdong tungkol doon at sumagot naman agad ito. Hindi lang namin puwedeng gawing public ang sagot ni Dingdong dahil personal yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Basta, ipinarating ng PEP sa kanya na hindi kami gumawa ng istorya, hindi kami nagsinungaling at pinaninindigan namin ang aming sinulat. Sa naging sagot ni Marian sa isyu ng tattoo ni Dingdong, feeling vindicated ang PEP.

Sabi nito: "Hayaan n'yo na siya. Naniniwala akong bilang tao, irespeto na lang anumang meaning at anumang personal reason kung bakit niya ginawa yun (ang pagpapa-tattoo). Sa amin na lang yun."

Siya ba ay may tattoo rin ng pangalan ni Dingdong? "Akin na lang po yun."

Ano ang naka-tattoo sa kanya, initial lang ni Dingdong o buong name nito? "Secret. Nakakatawa kayo ha!"

Paano kung ipatanggal ni Dingdong ang tattoo niya? "Never na yun matatanggal dahil ang tattoo na yun ay forever na. 'Wag na kasing pakialaman ang tattoo, sa kanya na lang yun."

Ang tattoo ba niya ay makikita pag suot niya ang costume niya sa Darna?

"Ay, hanggang tuhod kasi ang boots ko, hindi ninyo makikita," mabilis na sagot ni Marian at nag-isip tuloy ang PEP na baka sa legs din niya, sa ankle o sa tuhod nagpalagay ng tattoo.

COVER GIRL. Kasunod nito, ibinalita ni Marian na lalabas siya sa five magazines sa June, tamang-tama lang bilang paunang promo sa airing ng Darna sa July daw o baka sa August.

"Abangan ninyo at lalabas ako sa YES!, sa Preview, Statement, Youth at isa pang magazine. Nakakatuwa yung pictorial sa Preview at ginawa akong Barbie. Sino ba naman ang ayaw maging Barbie? 'Saka fan ako ni Barbie," tsika ni Marian.

Balik ang panunukso kay Marian tungkol kay Dingdong nang banggiting nasa Camarines Sur that time ang actor. Tsini-check ba niya kung nasaan ito?

"Not checking, but knowing. Nagkikita pa rin naman kami, hindi na nga lang masyado dahil pareho kaming busy," paliwanag ni Marian.

Paano pag na-link ka kay Mark Herras pag nagkasama kayo sa Darna, dahil kasama raw ang actor bukod kay Mark Anthony Fernandez?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Luma na ang isyu sa amin ni Mark. Ang bago ngayon ay Dingdong Dantes na," sagot ni Marian at inulan uli siya ng tukso ng press dahil parang inamin niyang sila na nga ni Dingdong. Kaso, hindi na ito nag-elaborate at pinabayaan at hinayaan sa kanilang conclusion ang press.

WHO'LL BE JODI? Incidentally, akala ng PEP, makaka-scoop na ito kung sino ang leading lady ni Dingdong sa Stairway to Heaven at gaganap na Jodi, kaso hindi itinuloy ni Marian ang kanyang spoiler.

Sabi nito: "May idea na ako kung sino ang makakapareha ni Dingdong, pero 80 percent sure pa lang naman. Ayaw kong pangunahan si Dingdong at ang GMA-7."

Boto ba siya sa makakapareha ni Dingdong?

"Oo naman! Sinasabi ko nga, ang artista, walang karapatang mamili kung sino ang gusto ng network na ipareha. Ganun sa kaso ni Dingdong sa STH at sa magiging leading man ko sa Darna."

Si Jennylyn Mercado na nga ba ang magiging Jodi ni Cholo (Dingdong)?

"Wala akong sinasabi, basta may idea na ako," pagtatapos ni Marian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN