John Lloyd Cruz asks press to give him time to answer questions about girlfriend Liz Uy

IMAGE 0


John Lloyd Cruz weighs in on video scandal and lauds Katrina Halili for shining light on the issue: "Nakakalungkot po dahil marami na ring ganitong nangyari in the past, pero hindi sila nakakuha ng suporta sa mga tao. Ngayon na lamang dahil siguro kilala si Katrina at naglakas siya nang loob na lumaban. Nakakaawa dahil para tayong nanonood ng soap opera sa tunay na buhay."


Feeling ni John Lloyd Cruz, pabata siya nang pabata kahit he will turn 26 years old na sa June 24. Paano raw, sa third year niya as endorser ng Biogesic, ang ini-endorse naman niya ngayon ay ang Biogesic for Kids. Nagkatawanan nang mapansin na naging tahimik ang entertainment press at parang walang gustong magtanong kay John Lloyd tungkol sa bago niyang endorsement sa launch na ginawa sa 9501 Restaurant ng ABS-CBN The Loop kahapon, May 29. Kaya si Lloydie na ang nagkuwento.

"Simula po nang i-launch namin ang 'Ingat!' campaign three years ago, hindi na nga name ko ang itinatawag ng mga nakakakita sa akin," sabi ni Lloydie. "Sabi nila, 'Oy, si Ingat, o!' Kaya sana po hanggang sa mga susunod na taon, ako pa rin ang kukunin nilang endorser ng Biogesic."

After the launch, naging opener na tanong kay Lloydie, na nagiging standard na ring tanong sa ibang artista kapag iniinterbyu, baka mayroon rin siyang sex video?

"In my thirteen years in the business, wala po akong natandaang video o nakunan ako ng video," nakangiting sagot ni Lloydie. "Inaamin ko pong napanood ko iyong dance ni Katrina (Halili) at Dr. Hayden Kho, pero after that po, nag-decide akong huwag nang panoorin ang sinasabi nilang sex video. Mahirap din pong magsalita, para sa akin napaka-sensitive topic nito at marami pang nai-involve na ibang artista. Nakakalungkot po dahil marami na ring ganitong nangyari in the past, pero hindi sila nakakuha ng suporta sa mga tao. Ngayon na lamang dahil siguro kilala si Katrina at naglakas siya nang loob na lumaban. Nakakaawa dahil para tayong nanonood ng soap opera sa tunay na buhay."

REAL SCORE WITH LIZ. And finally, tinanong na si John Lloyd ng tungkol sa kung ano ang tunay na kalagayan ng relasyon nila ng girlfriend na si Liz Uy, isang fashion editor ng isang glossy magazine. Sa issue kasi, nadamay ang pangalan ni Ruffa Gutierrez at kahit ang ka-love team sa dalawang blockbuster movies na ginawa nila, si Sarah Geronimo, na siya raw dahilan ng split-up nila ni Liz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Medyo di nakapagbigay-liwanag ang mga isinagot ni John Lloyd.

"Wala po naman akong pinagsasabihan tungkol sa misunderstanding namin ni Liz, Hihingi lamang ako ng konting panahon para sagutin ang mga tanong ninyo," sagot ni John Lloyd. "In the very near future, siguro makapagbibigay na ako ng tamang sagot."

Nabanggit namin kay John Lloyd na sa June 5 ay pabalik na ng bansa si Liz at ang mga kaibigan nitong nagbakasyon sa Europe. Makaka-expect ba ang mga kausap niya na may sagot na siyang maibibigay? Napangiti si John Lloyd. Paano raw namin nalaman na babalik na si Liz sa bansa sa June 5? Iyon kasi ang sinabi ni Anne Curtis, na kasama ni Liz sa Europe. Meaning, may communication pa rin sila talaga ni Liz.

"Dapat po ay pupunta si Liz first week of May sa New York noong nagsu-shooting kami ng In My Life nina Gov. Vi (Vilma Santos) at Luis Manzano. Pero sabi ko hindi pwede kasi magiging very busy ako sa first week, sayang naman kung hindi ko siya maaasikaso. Sabi ko sa third week of May, medyo maluwag na ang schedule ko, pero siya naman ang hindi puwede. She has to make a choice, kasi by that time naman, nasa gitna na sila ng kanilang European tour nina Anne."

Kaya ang tanong namin kay John Lloyd: kung pinapupunta niya si Liz sa New York ng third week of May, ibig sabihin, hindi pa sila talaga break nito? Pero hindi na siya sumagot.

HOTEL SIGHTING. Hindi mamatay-matay ang issue na may nakakita sa kanila ni Ruffa Gutierrez sa isang five-star hotel sa Makati; siya raw ay nasa 43rd floor at si Ruffa naman ay nasa 17th floor. May sumagot na mali ang information dahil wala raw ganoong kataas na hotel sa Makati dahil hindi raw pumapayag ang Makati government na magtayo ng ganoong kataas na hotel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nagsimula po lamang iyan nang mga later part na ng Betty La Fea na madalas kaming mag-cast party, halos every week may nagbi-birthday party, at nag-decide kaming maghanap ng isang malaking venue sa isang hotel. Ang hirap kasing mag-party kung maliit lamang ang venue tapos maraming tao.

"Dalawang beses kaming nagkaroon ng big party doon, iyong huli, noong thanksgiving party na namin ng Betty. Halos 90 percent yata ng artista, production staff at kahit ang dalawa naming direktor at executive producer, nagsi-attend sila. Kaya bakit naman na-single out kami ni Ruffa samantalang ang dami-dami namin doon sa party?

"Nahihiya po ako kay Ruffa kasi hindi naman siya ganoong klaseng babae. Mayroon siyang pamilya, may mga anak siya, at mayroon siyang iniingatang pangalan. Hindi po siya gagawa nang ganoon."

E, si Sarah Geronimo, nililigawan ba niya, at pinaghihintay siya ng limang taon?

"Hindi po ako nanliligaw kasi hindi ako naniniwala sa ganoon. Mas gusto kong magsimula ang friendship namin through our companionship, ayaw ko pong umakyat ng ligaw at ipakita ang best foot forward ko. Ayaw ko rin pong magsalita nang tapos kasi mahirap kainin ang sinabi ko," sagot ng binatang sinasabing box-office king sa ngayon.

Dagdag nito, "Ang masasabi ko lamang, hindi pa namin puwedeng magawa ni Sarah ang part three ng A Very Special Love kasi magiging available lamang ang schedule ko after Valentine 2010. Kaya kung mahihintay po ako ni Sarah, ng Star Cinema at Viva Films, next year na po lamang kami makagagawa ulit ng movie.

"Marami pa po kaming kukunang eksena dito ng In My Life, at may gagawin po kaming teleserye ni Angel (Locsin). Iyon po ay after pa ng kanyang Only You. For the first time, wala po ako rito sa birthday ko sa June 24, na pareho kami ng birthday ni Ruffa, kasi aalis po kami ng June 19, para sa Star Magic Concert Tour sa Canada and the U.S. Mga three weeks po yata kami abroad."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natawa si John Lloyd nang ikuwento namin na gagawa ng Shake, Rattle & Roll movie si Ruffa sa Regal Entertainment, at nang tanungin daw ni Mother Lily sina Annabelle Rama at Ruffa kung sino ang gusto nitong makatambal, sagot daw ni Annabelle: bakit hindi si John Lloyd, since natsitsismis nga sila. Pero sagot ni Ruffa: hindi raw pwede, tiyak na hindi ipahihiram ng Star Cinema at ABS-CBN si John Lloyd sa Regal.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN