FIRST READ ON PEP: Hayden Kho's camp to file complaint against ex-cop and mayor Abner Afuang

IMAGE 0


The camp of cosmetic surgeon Hayden Kho is scheduled to file a slander by deed complaint against former Pagsanjan, Laguna mayor and ex-Manila cop Abner Afuang tomorrow, June 2, at the Pasay City Prosecutor's Office.


Nakakuha ng impormasyon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) na magsasampa diumano ng reklamong slander by deed ang kampo ni Dr. Hayden Kho laban sa dating mayor ng Pagsanjan, Laguna, at dating Manila police officer na si Abner Afuang. Ayon sa legal counsel ni Hayden na si Atty. Lorna Kapunan, ihahain nila ang reklamo bukas, June 2, sa Pasay City prosecutor's office.

Ayon sa batasnatin.com, ang slander by deed ay: "The performance of any act which shall cast dishonor, discredit or contempt upon another person."

Nag-ugat ang reklamong ito ni Hayden nang buhusan siya ng tubig ni Afuang bago magsimula ang Senate inquiry tungkol sa sex videos ng cosmetic surgeon kasama ang iba't ibang babae, noong May 28, Huwebes. Pagkatapos ng insidente ay ipinaaresto agad si Afuang ng chariperson ng nasabing pagdinig na si Senator Jamby Madrigal.

Sinampahan si Afuang ng paglabag sa Article 144, o Disturbance of Proceedings, kung saan ayon sa Revised Penal Code ay maaaring makulong siya ng hanggang anim na buwan. Pero kinabukasan, May 29, ay pinalaya rin si Afuang dahil sa isang resolution na ginawa ng Pasay Prosecutor's Office.

Sa panayam ng GMA News kay Afuang, binuhusan niya ng tubig si Hayden dahil naaalala raw niya ang anak niyang babae, na isang nurse sa U.S. at kamukhang-kamukha raw ni Katrina Halili. Ang aktres ang isa sa mga babaeng kasama ni Hayden sa sex videos niya.

"Wala akong rule of law na gagamitin diyan. Hindi ko papayagan dumami lahi niyan... Gandang lalake, pero demonyo ang ugali? Hindi dapat dumami ang lahi ni Hayden Kho! Ibig sabihin dapat mawala 'yan, period," pahayg ni Afuang.

Sinabi rin ni Afuang na hindi scripted ang ginawa niyang pagbubuhos ng tubig kay Hayden, gaya ng akusasyon ni Senator Bong Revilla. Ayon pa sa dating mayor at pulis, inilihis ng mga senador ang totoong isyu sa kanilang imbestigasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang nangyayari, ginigisa si Katrina, hindi sa isyu ng pambababoy bilang babaeng Pilipina. Inililigaw nila ang isyu sa droga, e, another issue 'yon, e!" diin ni Afuang.

Kaugnay nito, pinabulaanan naman ni Atty. Kapunan ang report na sasampahan nila ng kasong libel ang dating talent manager ni Hayden na si Lolit Solis.

Kaninang hapon naman ay nagtungo si Dr. Kho sa tanggapan ng Philippine Medical Association (PMA) para sa isinasagawa nitong imbestigasyon kaugnay pa rin ng sex videos ng cosmetic surgeon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN