Ina Feleo follows footsteps of mom Laurice Guillen in film directing

IMAGE 0


Actress Ina Feleo returns to Cinemalaya via the indie film Sanglaan. "Yun ang masarap sa indie, kasi iba-iba yung grupo, yung team. Matatantiya mo, iba-iba yung spirit at istilo ng mga kasamahan mo," she says.


After two years, award-winning actress Ina Feleo is making a "comeback" of sorts in the movies through the digital indie Sanglaan by debuting director Milo Sogueco. Entry sa Cinemalaya Filmfest '09 ang pelikulang nagtatampok kay Ina.

Ano nga bang nangyari at medyo natagalan ang muling paggawa ni Ina ng pelikula?

"Naligaw ako...at naligaw [uli] ako ngayon," natatawang sambit ng young actress in a recent interview with PEP (Philippine Entertainment Portal). Tinutukoy ni Ina ang pagiging abala niya last year sa panghapong teleseryeng Ligaw na Bulaklak sa ABS-CBN at sa isang seryeng hindi pa maipalalabas.

Sa Cinemalaya Filmfest uli mapapanood ng publiko ang bago niyang pelikula. Matatandaang si Ina ang nagwaging Best Actress noong 2007, para sa Endo ni director Jade Castro.

May mga sumunod na offer to do movies, pero sabi ni Ina, "Hindi tumugma sa schedule, dahil sa Ligaw [at isa pang drama series]. So, parang na-block off yung schedule."

At dahil wala uli siyang ginagawang TV drama series, nagdesisyon ang anak nina Johnny Delgado at Laurice Guillen na tanggapin ang dumating na alok para gawin ang nasabing digital film for the forthcoming Cinemalaya filmfest sa July.

ON ENDO AND SANGLAAN. Kumpara sa Endo, na dalawa lang sila ni Jason Abalos bilang pangunahing tauhan ng kuwento, sa Sanglaan ay nasubukan ni Ina na gumanap with an ensemble cast: Neil Ryan Sese, Joem Bascon, Jess Evardone, and Ms. Tessie Tomas.

Of her role, bilang empleyada sa isang pawnshop, sabi ni Ina, "Yung character ko dito, sobrang simple at soft-spoken. Na meron siyang minamahal, pero unrequited."

Happy naman si Ina sa pangalawa niyang full-length role in a digital movie.

"Yun ang masarap sa indie, kasi iba-iba yung grupo, yung team. Matatantiya mo, iba-iba yung spirit at istilo ng mga kasamahan mo," saad niya.

Sa aling character niya sa dalawang pelikula mas nag-identify si Ina?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mas action-driven ako sa Endo," aniya. "Dito [sa Sanglaan], mas tahimik. Sa Endo, mas ako yun. Hindi naman siya liberated, pero yung pagkabiba [vibrant o lively], mas ako yun."

At nanalo nga siyang Best Actress sa Cinemalaya '07 para sa una niyang full-length role sa pelikula.

"I was so happy!" sambit ni Ina. "Ang laking ano nun, parang tsamba!"

Ina admits that acting in any medium is her passion.

"Gusto ko maka-arte. In fact, kahit nga sa theater, meron dapat. Pero ano nga rin, nagkakasabay. Pag may nauna nang commitment, hindi ko na rin matatanggap ang offer," sabi ni Ina, na napanood sa Tennessee Williams play, The Glass Menagerie, staged at the Ateneo de Manila University Theater, also in 2007.

FILM DIRECTING. Sa nasabing dula ay nakipagtagisan sa husay si Ina sa kanyang ina na si Laurice Guillen. Sa local showbiz ay kilala rin si Laurice bilang isang mahusay na direktor sa pelikula at dramang pantelebisyon.

Bilang aktres ay masasabing may pinagmanahan si Ina, na ngayon ay tinutungo rin ang career path ng kanyang premyadong ina.

"Nag-aaral ako ng filmmaking, sa school ni Direk Marilou [Diaz-Abaya], sa Antipolo. Two year-course, na intensive... Sobra akong enjoy!"

At the time of this interview, nasabi ni Ina na she's about to direct a short film, bilang final project niya sa nasabing kurso. It's a 20-minute short film titled Labing-Labing, and who would star in it but her mom and dad (Johnny Delgado).

Balak ni Ina na i-present for a possible Cinemalaya '09 screening ang kanyang short film, na ang kuwento ay tungkol sa mag-asawang nasa punto ng isang pagsubok sa kanilang pagsasama; ito'y nang madiskubre ng husband ang isang di pa kumpirmadong karamdaman.

"Ang simula ng pelikula, masasalat ni Daddy na meron siyang parang bukol sa ano niya!" natatawang banggit ni Ina. "Parang gano'n. So, medyo comedy, humorous. Pero ang tina-tackle, yun nga, cancer."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At kung paano nagku-cope ang mag-asawa sa mga pagsubok na nararanasan.

"Very true-to-life," sambit ng young actress, na buo ang pamilyang kinagisnan. "Naglagay ako ng parang fictitious na anak, na hindi makikita sa buong film."

Sa kanyang enthusiasm na matuto ng mahusay na pagdidirek ng pelikula, hindi nga malayong mag-achieve din si Ina, tulad ni Direk Laurice. Mas mabuti raw na ngayon na siya magsimula.

"Feeling ko, dapat magsimula ako nang maaga. Kasi mataas ang respeto ko sa mga direktor, so kailangan kong ma-earn yung experience," sabi ni Ina bilang pangwakas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN