Award-winning actor Emilio Garcia finally gets the recognition he deserves

IMAGE 0


"May pressure na. May mga nakaka-recognize na sa ginagawa ko kaya alam kong tinututukan pa nila ako, at kailangang paghusayan ko pa," says Emilio Garcia about his maturity as an actor.


Ito ang panahong nirerespeto na sa industriya ang estado na naabot ng aktor na si Emilio Garcia. He has been reaping accolades and nominations left and right for his work in indie films.

Kasama siya sa Bente, sa direksyon ni Mel Chionglo, as part of Sine Direk. Uumpisahan na rin niya ang Sagrado Familia; at tinatapos na niya ang human-rights film na Dukot, na parehong si Joel Lamangan ang nagdidirek.

"Alam ko, tumaas ang expectations ng mga tao," sabi ni Emilio nang matiyempuhan siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa unang araw ng pagpapalabas ng Tutok sa Robinson's Galleria.

Patuloy niya, "Kaya ang gusto ko, advance na ipadala ang script sa akin para natututukan ko, napapagaralan kong mabuti. Hangga't maaari, ang gusto ko, mahabang panahon na nasa akin ang script para napapagaralan ko kung ano na namang klaseng diskarte ang gagawin ko.

"Hindi katulad noon, on the set lang kadalasan, o ilang araw bago mag-shoot. Doon ko naramdaman na parang nag-grow na ako. Kasi, hinihimay-himay ko na yung character. Nag-iba na, kasi nga may pressure na. May mga nakaka-recognize na sa ginagawa ko kaya alam kong tinututukan pa nila ako, at kailangang paghusayan ko pa."

THE CHANGES. Professionally, ano pa ba ang nabago kay Emilio?

"Dati na akong professional, ayokong nale-late ng dating sa shooting," sabi niya. "Mas naging malalim lang ngayon. Mas iniintindi ko pang mabuti yung laman ng project. Yung sa oras, pagdating sa set, wala namang nabago sa akin. Ganoon pa rin ako kung magtrabaho.

"Mas totoo yung ginagawa kong pag-arte, kailangang maramdaman ko. Yung hangga't maaari, walang halong pandaraya na ang lahat. May eksena nga sa Tutok na papatayin ako, nandoon talaga ang takot ko. Umiiyak ako na nagmamakaawa.

"Natawa sila nang sinu-shoot ko yun, kasi noong papatayin na ako, bigla na lang akong nagdasal. Wala raw sa character, at nagtawanan yung mga tao sa set. E, parang ganoon ang nararamdaman ko kung sa tunay na buhay papatayin na ako, magdarasal na lang ako ng 'Ama Namin'.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Na-cut yun, akala nila, nagpapatawa ako. Yung sa eksenang yun, lahat ay kinakausap ko na, nagmamakaawa na ako sa mga Abu Sayyaf. Tuluy-tuloy yun na hindi na nila ako pinapakinggan. Kapag ganoon, in real life, sino pa ba ang babalingan mo? Wala nang nakikinig sa 'yo," saad ni Emilio.

SHOWBIZ, A WAY OF LIFE. Sa nangyayari, alam na ni Emilio na ngayon pa lang, sa industriyang ito na siya tatanda. Basta, stick lang siya sa pagiging professional.

"Lagi lang naman ako sa isang tabi," aniya. "Sa showbiz functions, kung pumupunta ako, nasa isang tabi lang ako at nag-o-observe. Yun lang naman ang gusto ko. So far, hindi ko na pinapansin kung ano ang nabago sa trato ng mga taga-showbiz sa akin. Pero ever since naman, may respeto sa akin, kasi marunong din akong rumespeto sa iba."

Wala naman din siyang alam na ibang trabaho dahil ginugol na niya ang nakaraang labing-limang taon sa pag-aartista.

"Nakaisip akong magnegosyo on the side, pero ang masasabi ko lang, nakasuporta ako ng pamilya ko dahil sa pag-aartista. Umabot sa puntong sineryoso ko na talaga ito. Kaya hangga't gusto ako ng mga tao at may mga naniniwala sa akin, naririto lang naman ako," sabi niya.

NEW SOAP. Kasama si Emilio sa upcoming afternoon soap ng GMA-7 na Kung Aagawin Mo ang Lahat sa Akin. Makakasama niya rito ang young stars na sina Maxene Magalona, Glaiza de Castro, Patrick Garcia, at JC Tiuseco. Puro nga raw mga baguhan ang iba pang makakasama niya sa teleseryeng ito.

"Gaganap ako riyan bilang father ni Patrick Garcia. Tipong maprinsipyo. Nanggaling ako riyan sa probinsya at nagsumikap. Nagkaroon ng kaya sa buhay. May contrast at conflict agad kami ni Patrick diyan dahil laking-Maynila ang character niya riyan. Very much against ako sa ways niya dahil naging responsible family man ako," paglalarawan ni Emilio sa bago niyang assignment sa Kapuso network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN