Director Brillante Mendoza overwhelmed by his award for the "worst film" in Cannes

IMAGE 0


"Aba, bringing worst films in Cannes, parang hindi rin naman yata ganoon kadali! At the same time, mayroon pa rin sigurong reward. Masaya na lang ako dahil nakapagbigay naman ako ng karangalan sa mga kababayan natin," says director Brillante Mendoza.


Finally, kahit paano'y binigyan ng "hero's welcome" si Brillante "Dante" Mendoza mula nang magwagi siya ng Palme d'Or for Best Director sa nakaraang Cannes Film Festival sa France para sa pelikula niyang Kinatay (The Execution of P.). Naging posible lamang ito dahil ang nagbigay ng victory dinner for Direk Dante ay ang University of Sto. Tomas College of Fine Arts, kung saan graduate ang mahusay na filmmaker noong l982.

"Sa totoo lang, wala akong panahon man lang na mag-isip ng negative," sabi ni Direk Dante nang makapanayam siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kagabi, June 1, sa Student Center Building ng UST.

"Masayang-masaya ako. Overwhelming na may maiuwi kang karangalan sa bansa, considering na it's the 'worst' film in Cannes, sabi nga ng ibang critics at mga detractor ko!" natawa na lang ang direktor.

Parang nasanay na si Direk dahil nang ipadala ang Serbis sa Cannes ay ganoon din ang sinabi, na it was the "worst film in Cannes." Naulit na naman daw ito sa kanyang pelikulang Kinatay.

"Na-surpass na yata ng Kinatay ang pagka-worst ng Serbis!" at lalong malutong na tawa ang pinakawalan ng direktor. "Aba, bringing worst films in Cannes, parang hindi rin naman yata ganoon kadali! At the same time, mayroon pa rin sigurong reward. Masaya na lang ako dahil nakapagbigay naman ako ng karangalan sa mga kababayan natin."

Naitanong namin kay Direk Dante kung ano sa palagay niya ang mga katangian ng mga pelikula niya. Despite all the negative criticism, pumapasok pa rin ito sa pilian at mismong sa competition level pa.

"Basically, yung material, yung concept," sagot niya. "Yung original ang konsepto, the way it was written. Kung papansinin, yung Serbis, maski itong Kinatay, hindi rin naman bago ang material. Marami na rin daw nagawang movies tungkol sa filthy cinema houses gaya sa Serbis; at yung tungkol kina Lucila Lalu at Elsa Castillo na chop-chop sa Kinatay. Hindi na talaga bago.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"May nakita lang silang bago roon sa treatment. Yung presentation na mismo ng istorya, doon sila may nakitang bago. Yun ang nagustuhan nila. Yung pagiging kakaiba ng mga pelikula ko. Yung style daw, napaka-original, at bagay sa material. Yun mismo ang mga sinabi ng jurors, di ba? Yun lang siguro ang nakikita nila," sabi ni Direk Dante.

CRAB MENTALITY. Alam ni Direk at very much aware siya sa crab mentality ng maraming Pinoy.

"Yun naman kasi ang problema sa atin," banggit niya. "Kapag mayroong umaangat, kung ano-ano ang sinasabi natin. Gustung-gusto nating i-put down. Sa akin naman, kanya-kanyang opinyon lang 'yan. Naka-focus lang ako sa trabaho ko. In all honestly, kahit ano pa ang sabihin nila sa mga pelikula ko, hindi ko na lang pinapansin."

May intriga pa ngang lumabas na kaya lang daw nagwagi si Direk Dante sa Cannes ay dahil sa kanyang "French connection." Natawa ang direktor sa rumor na ito.

"Ano raw yung 'French connection'? Na may French lover ako, ganoon? Parang napakababaw naman yata niyan, kasi ibig ba nilang palabasin na yung ibang nanalo at nauna sa akin, mayroon ding ganoong connection? Bakit ko pa ba sasagutin 'yan?" napapailing si Direk Dante habang natatawa.

Dagdag niya, "Hindi naman ako sanay ng ganito. Nakaka-overwhelm, pero may mga pumapasok ng kung ano, gaya ng pulitika. Ang gusto ko lang naman ay gumawa ng pelikula. Sa akin, okey lang na hindi nila pansinin ang pelikula ko, pero magpapatuloy ako sa ginagawa kong pagbutihin sa abot ng makakaya ko ang paggawa ng pelikula."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN