Hollywood celebrity blogger endorses "Jai Ho" performance of the dancing inmates of Cebu

IMAGE 0


Prisoners of the Cebu City Jail performing the Oscar-winning song "Jai Ho," the theme song of Slumdog Millionaire.


Ang popular Hollywood celebrity blogger na si Perez Hilton ang isa sa mga dahilan kaya dumarami ang hits sa YouTube ng mga preso sa Cebu na sumayaw sa tugtog ng "Jai Ho," theme song ng Slumdog Millionaire, ang Oscar-winning movie ng British director na si Danny Boyle.

Ang "Jai Ho" rin ang itinanghal na Best Theme Song sa Oscar Awards this year. Ito ay nilikha ng Indian composer na si A.R. Rahman, at may version din ang American all-female group na Pussycat Dolls.

"The dancing Filipino prisoners do Jai Ho" ang message na inilagay ni Perez Hilton sa kanyang Twitter account. Ang maiksing Twitter message ni Perez ang nag-udyok sa followers niya para i-search at panoorin sa YouTube ang pinag-uusapan na performance ng mga dancing inmates ng Cebu Provincial Detention and Rehabilitation Center (CPDRC).

Nakakaaliw at impressive ang "Jai Ho" production number ng mga dancing inmates ng CPDRC, na sinayaw nila noong May 30. Bago sumayaw ang mga preso, nagkaroon muna ng dramatization ng isang eksena ng pelikula, ang pagkikita nina Latika at Jamal Malik, ang lead characters sa Slumdog Millionaire na ginampanan nina Freida Pinto at Dev Patel, respectively.

Nakilala sa buong mundo ang mga dancing inmates ng CPDRC dahil sa kanilang "Thriller" production number na napapanood sa YouTube at umabot na sa 23 million views. Inaasahan na madadagdagan ang YouTube hits ng "Jai Ho" dahil sa Twitter endorsement ni Perez Hilton.

Para sa mga nagsasawa na sa mga showbiz controversy at intrigues, ang "Jai Ho" performance ng dancing inmates ng CPDRC ang inyong dapat panoorin para malibang kayo at maaliw.

(Click here to view the "Jai Ho" performance of the dancing inmates of CPDRC.)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN