Jennylyn Mercado comments on fellow StarStruck graduates who are also in the news

IMAGE 0


"Kami din naman ang magdadala ng sarili naming posisyon sa buhay. Kumbaga, kung ano yung ginagawa mo, yung gusto mong mangyari sa buhay mo, yun yung path na dadaanan mo," says Jennylyn Mercado about her fellow StarStruck graduates who are now involved in various issues.


Ayon sa obserbasyon ng iba, tila sunud-sunod ang malulungkot na kaganapan sa mga alumni ng StarStruck, ang artista search ng GMA-7.

Nagsimula ito sa pagkamatay ng Marky Cielo (Batch 3 Ultimate Sole Survivor) last December 2008. Sumunod ang sex-video scandal ni Katrina Halili (Batch 1, Avenger), ang sexual harassment issue ni Yasmien Kurdi (Batch 1, First Princess) against Baron Geisler, at humabol pa ang reklamong lascivious acts kay Aljur Abrenica (Batch 3, Ultimate Hunk).

Sa kaso naman ng kauna-unahang StarStruck Ultimate Female Survivor na si Jennylyn Mercado, ang pagkakaroon niya ng anak out of wedlock. Kaya naman nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Jennylyn ay tungkol sa kaganapan ng mga kapwa niya StarStruck graduates ang isa sa mga napag-usapan namin.

"Kami din naman ang magdadala ng sarili naming posisyon sa buhay," sabi ni Jennylyn. "Kumbaga, kung ano yung ginagawa mo, yung gusto mong mangyari sa buhay mo, yun yung path na dadaanan mo.

"Pero minsan kasi, dumadating yung time na may nangyayari na hindi mo ine-expect; tulad nung kay Marky. Yung parang nakakagulat. Parang yung kay Katrina, yung kay Yasmien, yung sa akin, hindi mo talaga maiiwasan. Nasa pagha-handle na lang talaga ng kanya-kanyang ano, ng bawat tao, ganun."

Kumusta na si Jennylyn ngayon?

"Okay naman siya. Sa ngayon, focused talaga ako sa anak ko," banggit ni Jennylyn tungkol sa anak nila ng ex-boyfriend niyang si Patrick Garcia—si Alex Jazz, na nine months na ngayon.

JENNYLYN AS MOM. Kumusta naman si Jennylyn bilang isang ina?

"Protective, overprotective!" pag-amin niya. "Sobrang protective ako sa anak ko. Ayoko ng kunwari galing sa labas o galing sa kalsada, tapos pumasok sa kuwarto... Siyempre, yung germs. Kahit ako kapag galing sa taping, hanggang silip lang ako. Maliligo muna ako bago ko siya hawakan, ganun ako ka-protective."

Dagdag ni Jennylyn, "Kasi ang hirap magkasakit e, hindi biro. Ako, lagi akong nagkakasakit, alam ko yung pakiramdam. Lalo na kapag baby, hindi mo alam kung ano masakit sa kanya. Mahirap, mahirap talaga. Kahit nga sinisipon lang siya, nagpa-panic na ako, e, dinadala ko agad sa doktor. Sipon lang yun, paano pa kaya kung lagnatin!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngayong active ulit si Jennylyn sa showbiz—with back-to back GMA-7 shows na Paano Ba ang Mangarap? and SRO CinemaSerye Presents Suspetsa—paano niya nakakaya na wala siya madalas sa bahay?

"Kasi ang alis ko, tulog siya. Pagdating ko, gising siya. Kasi kapag dadating ako kunwari 3 a.m., 3 a.m. gising niya; 3 to 8 a.m., gising 'yan. Kapag aalis ako ng mga 9 o 8:30 ng umaga, tulog na 'yan. Pagdating ko 3 a.m. o 4 a.m., gising na 'yan. So, maabutan ko siya na gising siya hanggang 8 a.m. bago ako umalis," kuwento ng dalagang ina.

Proud si Jennylyn na kahit isa siyang single parent ay naitataguyod niya si Alex Jazz.

"Kahit sino sigurong single mom o single parent maka-experience ng ganito, na kayanin ko mag-isa hanggang sa paglaki. I think kaya ko naman hanggang sa lumaki si AJ. Hanggang tumanda si AJ, sisiguraduhin kong nasa mabuting kamay siya, na mapapalaki siya nang maayos na maayos. Ayokong ma-experience niya kung ano yung na-experience ko sa buhay."

ANDREI FELIX & MARK HERRAS. Kinuha na rin namin ang pagkakataon upang tanungin si Jennylyn tungkol sa hindi matapus-tapos na issue na may relasyon diumano sila ng video jockey na si Andrei Felix.

"Ay naku, kaibigan ko lang yun!" giit ni Jennylyn. "Siguro kung lumabas kami ni Mark [Herras, Jennylyn's ex-boyfriend], sasabihin ninyo, boyfriend ko si Mark."

Speaking of Mark, sa tingin ba ni Jennylyn ay may pag-asa na magkabalikan sila? Naniniwala ba siya na "love is lovelier the second time around"?

"I don't think so!" tawa ng aktres. "Hindi, hindi... Depende sa sitwasyon. Kasi kami ni Mark, good breakup tapos maganda naman yung pinagsamahan namin. Well, naghiwalay kami for some reason, pero naayos din namin. Kami rin mismo ang nagdesisyon na maging magkaibigan muna tayo dahil kung tayo, tayo talaga, ganun. Depende sa sitwasyon, iba-iba, e. 'Yan siya, maayos naman yung naging relationship namin, so I think wala namang masama."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kailan ulit mai-in love si Jennylyn?

"Hindi ko pa alam. Ayoko din namang bigyan ng date, basta na lang siguro dadating 'yan," sagot niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN