Carlo Maceda reveals his affair with Aleck Bovick ended a year ago

IMAGE 0


Actor-producer Carlo Maceda arrived at the premiere night of Dalaw last Monday, June 1, with a non-showbiz girl. Carlo revealed that his affair with former sexy actress Aleck Bovick (inset) ended a year ago.


Naging kapansin-pansin sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press ang pagdating ng actor-producer na si Carlo Maceda sa premiere ng Dalaw noong Lunes ng gabi, June 1, sa SM Megamall. Hindi siya part ng movie, pero bilang suporta ay nandoon daw siya para manood.

Pero imbes na si Aleck Bovick ang kasama niya, isang non-showbiz girl ang date at ka-holding hands niya nang dumating sa premiere night. When asked kung bakit iba ang ka-date niya sa premiere night, mabilis naman ang naging pag-amin niya.

"E, ano na, single blessedness," nakangiti niyang sabi.

So, open na siya ngayon na wala na nga sila ni Aleck?

"Oo, noon pa naman, June [2008] pa naman," sagot niya. "Yun nga lang ang mahirap, people get used to it na we're together. Tapos ngayon, it's hard to go back to the single life, dating..."

Ayon kay Carlo, okay naman daw sila ni Aleck.

"Nagkasakit yung papa niya. So, ngayon, naka-focus siya sa papa niya. Tapos sabi ko, mag-business siya, susuportahan ko pa rin siya. Civil naman kami. Siyempre, nanay yun ng anak ko. Hindi mo naman puwedeng pabayaan," saad ni Carlo.

Ang anak daw nila ay nasa poder niya, pero minsan ay sumasama rin daw kay Aleck.

"Ngayon, parang gusto raw niyang makasama ang bata. Hindi naman ako tumututol. Pero yun nga, give and take lang. Most of the time, I'm out of town, so wala rin akong oras."

Ayaw namang mag-elaborate ni Carlo kung ano ang naging dahilan ng hiwalayan nila ng former Pinoy Big Brother Celebrity Edition housemate, kung saan nakita pa sa loob ng Bahay ni Kuya ang pakikipaglaban nila para sa kanilang relasyon.

THIRD PARTY? May isyung lumabas na may tomboy raw na involved sa hiwalayan nila. Gaano nga ba ito katotoo?

"Ah, siya... siya na lang ang sumagot," paiwas na sagot ni Carlo. "Actually, marami ang nagsasabi. Marami ang nagkukuwento. Tapos, naaawa nga sila sa akin kung bakit daw ginagawa yung ganoon. Tapos, sabi ko, alam ko, friends sila nung tomboy. Tapos, mahilig siya sa Airsoft [combat-style game].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"No'ng nag-usap kami, tinanong ko siya, 'Wala na ano?' Sabi niya, 'Wala na.' E, may usapan kami na kapag ayaw na, sabihin lang. Huwag na naming pilitin kasi malungkot lang siya."

Pero masasabi ba niyang isa sa mga dahilan ng breakup nila yung tomboy?

"Maraming dahilan, e...busy rin ako. Palagi akong wala raw. Wala raw akong time sa kanya. Tapos, yun nga, naka-focus ako sa pagpo-produce. Nag-abroad ako saglit. Busy, e, so mahirap din i-balance. Doon ko lang din nakita na may pagkukulang din ako sa kanya, wala akong time sa kanya kaya hinayaan ko na lang din siya."

May third party ba?

"Hindi mo kasi malalaman kung kailan yung falling out. Basta mid-last year, wala na kaming communication. Probably, falling out.

"Actually, I was just working hard. When that happened, I got depressed. I stopped working for a while, e. So, na-cut ko yung ibang films. Yung Gabriela, na-sacrifice. Natamaan nang konti yung Sisa. Hindi ako masyadong nag-aalis. Pero ngayon, lumalabas na ako ulit. Trying to get in shape.

"Pero sabi nga, sayang, ang daming pinagdaanan. Pero ganoon talaga. Nagbabago ang happiness ng isang tao. Kapag inisip naman natin yun, paano ang future?" paliwanag ni Carlo.

Ang non-showbiz girl na kasama niya sa premiere night ng Dalaw na nga ba ang ipinalit niya kay Aleck?

"Dating...dating pa lang naman," sagot niya. "Siyempre, looking forward to a relationship again. Pero siyempre, kailangan ano ako, malinis. Kawawa rin naman kasi ang girl if I'm on the rebound lang. Kaya inaayos ko rin ang sarili ko."

ZUMA REMAKE. Kinumusta rin sa kanya ang involvement niya sa sinasabing remake ng pelikulang Zuma, kung saan nabanggit pa raw niya ang pangalan ni Dingdong Dantes.

"I think, napag-usapan namin ni Dingdong yun sa isang party. Tapos, naisulat nga... Tapos, tinawagan ako ni direk Wenn Deramas. I think, they are going to make it, pero ewan ko na kung ano ang nangyari."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero tila may isyu dahil naikukuwento na raw niya ang Zuma gayong ang may-ari pa rin ng rights nito ay ang M7 Productions.

"I think they sold it," sabi ni Carlo. "Ang nag-inform sa akin that they sold the rights already ay si M7 mismo, si Sir M7 [Ben Yalung], tinanong ko siya if he is willing to sell it or whatever. Kasi, gusto ko yung project, masaya, masarap gawin. E, ang sabi niya, 'I'm not gonna sell it, we're making it.' Last I heard, it was given away yata. It was sold to Solar, I guess."

So, hindi na niya magagawa ang Zuma?

"I think we have to make a new character na lang. Kasi, yun nga, may rights yun. Hindi natin puwedeng gayahin."

Sa ngayon ay may pino-produce daw siyang pelikula; ang follow-up sa indie movie na Sisa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN