Maryo J. delos Reyes knows that Yasmien Kurdi is a fighter

IMAGE 0


Direk Maryo gave Baron Geisler a good talking-to after the young actor was charged with sexual harassment by SRO co-star Yasmien Kurdi: "I told him to think things over... I believe so much in his talent at nanghihinayang ako because everything will go to waste because of his impulsive actions. I told him that he should learn to control his behavior."


Inspired na inspired ang award-winning film director na si Maryo J. delos Reyes sa magandang resulta sa ratings ng kanyang idinidirek na GMA-7 afternoon soap na Dapat Ka Bang Mahalin?

Nagtala ng mataas na ratings ang naturang drama series na pinagbibidahan nina Aljur Abrenica at Kris Bernal. Kaya nga bukod sa inspired si Direk Maryo, pressured din siya dahil kailangang i-maintain ang magandang ratings ng show na hawak niya.

"Sulit ang mga pagod namin sa set because the televiewers can't get enough of the show. Marami silang gustong makita at abangan sa show. But most importantly, yung mga real-life situations ng story ang inaabangan nila. I get text messages from friends saying na totoong-totoo ang mga eksena sa Dapat Ka Bang Mahalin? May mga na-experience na raw silang gano'n minsan sa buhay nila.

"Ako naman, I try to inject real situations of life sa soap drama na ito. Maganda ang structure ng istorya and many people can relate to it. Mapalalake, babae, bading or tomboy ka, there is something for everybody in Dapat Ka Bang Mahalin?" pahayag ni Direk Maryo sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

PRIMETIME SERIES. Dahil nga sa magandang track record ni Direk Maryo kaya binigay sa kanya ang pamamahala ng bagong primetime series na inaabangan sa GMA-7 na Rosalinda kunsaan bida sila Carla Abellana at Geoff Eigenmann.

Kinuwento ni Direk Maryo na pinakiusapan talaga siya na idirek ang Rosalinda. Kahit na nga kumportable na si Direk Maryo sa kinalalagyan niya ngayon sa GMA-7, tinanggap pa rin niya ang challenge to once again direk a primetime show.

"Na-tense tuloy ako sa pinapagawa nila sa akin. Kasi pressure nga ito on my part as a director because may malaking expectations. I've directed primetime series for GMA-7 before. I did Habang Kapiling Ka in 2002 and Impostora in 2007.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Noong gumawa ako ng mga afternoon dramas beginning with Magdusa Ka tapos Saan Darating Ang Umaga? and then Dapat Ka Bang Mahalin?, I found a comfort zone. Kumbaga, dito na ako kumportable, e. Pero they still want me to do a primetime series. Mga kaibigan ko kasi ang mga nandito sa GMA-7 and I cannot just say no.

"Kaya in preparation for Rosalinda, I am currently watching the series on DVD. Nangangalahati pa lang ako sa 80 episodes ng Rosalinda and so far it's a very entertaining series. May mga adjustments lang tayong gagawin para bumagay sa local setting natin."

NEW ACTING GENERATION. Natutuwa nga si Direk Maryo dahil sa new set of stars na naman ang kanyang hahawakan sa katauhan nina Carla Abellana and Geoff Eigenmann.

"I am very proud to still be around and having to direct another generation of stars. I've been around showbiz since the '70s and ilang henerasyon na ng mga artista ang nakatrabaho ko na.

"I'm always excited to direct new actors kasi you help mold them to what they will become in the future. Carla for example is such a beautiful girl. I've directed her father, Rey 'PJ' Abellana, in the movies and her lola, Delia Razon, is one of my idols during her heyday. Si Geoff naman, very, very handsome. I've worked with his parents Gina Alajar and Michael de Mesa in many movies before. So it's a joy to work naman with their kids now."

HOW'S BARON? Kinumusta naman namin kay Direk Maryo ang kalagayan ni Baron Geisler ngayon, especially after sa nangyaring problema with Yasmien Kurdi sa set ng SRO Cinemaserye.

"Baron is doing okey naman. Kinausap ko naman siya nang masinsinan and I told him to think things over. Isipin niya kung saan siya nagkamali, sino ang mga naagrabyado niya and simply keep quiet na lang. Kung anuman ang sasabihin niya, let his lawyer do the talking. After all of this naman, he will have his time to talk and explain his side.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman ako yung tipo na pinapamihasa or pinapabayaan na lang si Baron sa mga ginagawa niyang pagkakamali. I believe so much in his talent at nanghihinayang ako because everything will go to waste because of his impulsive actions.

"I told him that he should learn to control his behavior. Nobody can do that for him, siya lang ang makakagawa no'n. Hindi kasi lahat ng tao ay naiintindihan siya. I understand him kasi kilala ko siya. Pero paano na ang ibang tao na una pa lang niyang makakatrabaho? Natural na they will act according to what they think about him kasi nga may hindi na siya magandang reputasyon.

"Kaya nga I want Baron to assess himself. No amount of rehabilitation or consulting with a doctor can cure him kung siya mismo ay ayaw niyang magpakatino. Sayang lang ang talent niya if he continues on doing this."

Sa balitang tatanggalin na si Baron sa SRO Cinemaserye, ani Direk Maryo ay wala pa naman silang natatanggap na balita tungkol doon mula sa GMA-7.

"Si Baron naman, guest lang talaga siya sa SRO. He will only appear for just three or four weeks lang sa SRO. Yun ang naging usapan namin kasi hiniram lang siya sa ABS-CBN 2.

"But because of what happened with Yasmien, Baron naman is ready to face whatever consequence na meron. Ready na siyang matsugi sa SRO if it's necessary. Pero habang wala namang sinasabi sa amin, continue pa rin ang work niya."

HOW'S YASMIEN? Hindi ba naapektuhan ang pagiging magkaibigan nila ni Yasmien dahil sa nangyaring ito with Baron?

"No, walang naapektuhan sa amin ni Yasmien. Hindi ako galit kay Yasmien because I treat her like one of my kids. More than a friend, she's like a daughter to me.

"Hindi naman ako ang nagkaatraso kay Yasmien, e. Nagkataon lang that may koneksyon ako kay Baron but nothing has changed between me and Yasmien. Fresh out of StarStruck pa lang si Yasmien ay nakatrabaho ko na siya in the movie Happily Ever After. Then I worked with her sa Saan Darating Ang Umaga? which was a top-rater.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, hindi itong nangyari sa kanila ni Baron ang makakasira sa nabuo na naming pagkakaibigan ni Yasmien. I am happy that she is fighting her own battles. Bilib ako sa babaeng 'yan kasi noon ko pa nakikita sa kanya na kaya niyang harapin ang anumang problemang dumating sa buhay niya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN