Katrina Halili wants other women victims to know they are not alone

IMAGE 0


Katrina Halili, who's been understandably elusive these days, has been busy not only pursuing her case against Hayden Kho and those who released their sex video on the Internet, but also sharing with other women whose right to privacy has been similarly violated. "At least, okay, nakakatulong sa akin at sa kanila. Yung mga ganoong victim, feeling nila mag-isa lang. Lahat ng tao, nakatingin. At least, meron silang nakakausap."


Matagal na hindi humaharap sa media ang controversial young actress na si Katrina Halili sa gitna ng eskandalong kinasasangkutan niya ngayon tungkol sa sex video niyang lumabas with Hayden Kho.

Madalas, ang kanyang legal counsel lang ang nakakausap ng media hinggil sa kalagayan ng aktres at kung ano na nga ba ang development ng kasong kinasusuungan niya ngayon.

Pero nagawa ng Startalk kahapon, June 6, na makausap at kamustahin ang young actress. Aniya, nagpapasalamat siya sa suportang natatanggap niya.

"Siyempre, thankful ako, unang-una na kay Senator Bong Revilla dahil tinulungan niya 'ko. Pangalawa sa NBI, para mapabilis ang pag-iimbestiga at sana, tuloy-tuloy po. At siyempre, Gabriela [women's coalition] at sa lahat ng tumutulong sa akin."

CASE UPDATE. Ayon kay National Bureau of Investigation Director Nestor Mantaring, ang maaaring maging kaparusahan kay Hayden Kho, oras na mapatunayang guilty nga ang doctor, ay six years and one day to 12 years at maaari ring magbigay ng kaukulang multa, depende raw sa magiging discretion ng judge.

Nabanggit din sa tanggapan ng NBI na maaaring madawit si Dra. Vicki Belo bilang accessory to the crime dahil siya ang nagbigay kay Eric Johnston Chua ng master copy ng sex video.

Pero ayon kay Katrina, "Wala akong alam d'yan, e. Si Attorney lang yung puwedeng magsalita tungkol sa kaso. Hindi po ako nakikialam sa kaso. Pinapaubaya ko na sa NBI lahat at saka sa attorney ko."

On the other hand, sa Senado naman daw ay isinusuong na ngang maipasa ang Anti-Voyeurism Bill.

SHARING WITH OTHER VICTIMS. Pagkatapos ni Katrina sa NBI, dumiretso raw siya sa tanggapan ng Gabriela upang lumahok sa ginanap na sharing tungkol sa mga kababaihang nilabag din ang kanilang karapatan dahil sa walang pahintulot na pagkuha ng video.

"At least, okay, nakakatulong sa akin at sa kanila. At least, siyempre, yung mga ganoong victim, feeling nila mag-isa lang sila. Lahat ng tao, nakatingin sa kanila. At least, meron silang nakakausap."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tila natatawang wika rin ni Katrina, "Ito na yung next na magiging trabaho ko. Parang siyempre, nag-e-enjoy rin naman ako rito sa Gabriela and dun kanina nga, sa sharing ng mga victims, gusto ko rin i-comfort sila at matulungan sila, di ba?"

NO SUICIDE ATTEMPT. Masaya naman daw si Katrina sa mga natatanggap niyang suporta, lalo na nang kumalat ang text message na diumano'y nagpakamatay raw siya.

"Hindi ko lang po talaga alam kung saan galing ang isyung yun. Almost every day, may nagte-text sa akin or tumatawag talaga. Kanina lang, may nag-text na naman. Yung driver ko, kapatid niya, kung totoong patay na raw ako. Hindi ko alam kung saan nanggagaling."

May mga kaibigan pa nga raw si Katrina na bumili ng mga pirated sex videos niya upang sunugin.

"Oo nga, e... sobrang thankful ko nga. Sobrang busy nun kaya hindi kami nagkikita. Pero yun nga ang sabi niya, binibili niya ang mga DVD at pagkatapos sinusunog niya. At kinakausap niya yung mga pulis na hulihin yun... sobrang happy ako na nandiyan ang suporta ng mga kaibigan ko sa akin."

GMA-7 SUPPORT. Nagpasalamat din nga si Katrina sa suportang ibinibigay sa kanya ng kanyang Kapuso network.

"Sobrang happy naman ako sa suportang ibinibigay sa akin ng GMA. Yun nga, nandiyan lang sila kapag ready na akong magtrabaho. Sa lahat po ng taong sumusuporta sa akin, maraming-maraming salamat po.

"At saka, sana , ipagdasal n'yo pa po na sana, magtuloy-tuloy ang kaso at sana matapos ko."

Hindi naman daw akalain ni Katrina na maging ang kanyang publicist na si Lolit Solis ay madadamay sa sex video issue na ito at sabihang scripted at drama niya lang ang mga pag-iyak-iyak at mga sinabi niya patungkol kay Hayden.

"Ang hirap naman iskrip [script] nung mga... at saka kung nangyari sa 'yo yung mga eskandalong yun, hindi mo na iiskrip ang mga gagawin mo. At saka, sabi ko nga, kaninang na-interview ako sa Fanatext, noong makita ko ang video, kausap ko ang tatay ko, si Nanay Omar at dalawang attorney ko, nag-decide na talaga 'ko na pumunta ng NBI at PRC [Professional Regulation Commission] nang walang media.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nagkataon na bigla kong nakita si Senator Bong na nagsalita sa TV at pagkatapos, nag-usap kami nina Nanay Lolit, ganyan-ganyan... tapos, nagpunta na rin ako ro'n."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN