Lolit Solis says Hayden Kho still enjoys being center of attention

IMAGE 0


Startalk co-host Lolit Solis said she wanted no part of "Team Hayden" after her meeting with the group revealed his lack of remorse. They allegedly said she gave Hayden tips on how to conduct himself in public, and they have it on tape. Her response: "Dine-dare ko sila, bakit hindi nila ilabas ang buong tape?"


Dahil isa si Lolit Solis sa co-host ng Startalk (kasama sina Joey de Leon, Ricky Lo, at Butch Francisco), live na nakapanayam at nagbigay ng kanyang mga pahayag ang talent manager na nasasangkot sa isyu ng sex-video scandal ni Hayden Kho.

Ang latest nga ay ang pagpapakalat na raw ng audiotape kunsaan nandoon ang pag-uusap ni Lolit with Hayden, his mother, Vicki Belo, and others.

Kaya ang unang tanong kay Lolit ay kung narinig na ba niya ang sinasabing tape?

"Alam mo, hanggang ngayon, naiinis pa 'ko. Bakit kay Doctor Hayden, pang-audiotape lang ako? Hindi ba ako puwede sa video? Puwede naman, di ba? At bakit, masarap din naman akong kainin, di ba?"


Mukhang sa takot na ma-censor sila, maagap na sinundan ni Ricky Lo ang pahayag ni Lolit, masarap daw kasi itong magluto ng pagkain, yun daw ang ibig nitong sabihin.

ALL ON TAPE. Paano nga ba nai-record ang conversation nila?

"Hindi... in fairness sa kanila, kasi, ang unang dumating doon sa nanay ni Vicki, ako, si Vicki at saka yung dalawang abogado na assistant ni Attorney [Lorna] Kapunan. Tapos, dumating na si Hayden at saka nanay niya, si Reli German at si Attorney Kapunan.

"Noong dumating si Hayden, nilabas no'ng assistant niyang attorney yung tape. Nagandahan pa nga ako. Balak ko pa nga sanang nakawin, e. Para siyang iPod. Ay, ang ganda, tape pala yan!

"Kaya nga dine-dare ko sila, bakit hindi nila ilabas ang buong tape? Wala naman akong itinatago, inaamin ko naman talaga."

Dugtong pa ni Lolit, "Basta, kung sinuman ang naglabas ng tape na ito, kung may masama man siyang balak, kung may malisya siya, bahala siya!"

DEMOLITION JOB. Ano nga ba sa tingin niya ang motibo kung bakit inilabas ang audiotape na yun?

"E, siguro para siraan ang credibility ko. Kasi, may demolition job, e. Sinisira yung credibility ni Senator Bong Revilla. Sinisira yung credibility ni Katrina. Sinisira rin ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tanong naman ni Joey de Leon, para raw maging mas malinaw, ano raw ang kaibahan ng buo at edited version ng audiotape?

"E, di para naririnig din nila yung tanong ng kabilang panig na sinasagot. Kasi, ang lumalabas lang yung sagot ko, e. Yung talagang honest, sabi ko talaga kay Hayden. Alam mo, noong scam, sabi ko, lahat ng tao galit sa akin.

"Pero noong humingi ako ng sorry, tinanggap naman nila. Natanggap naman nila 'ko. Siguro, kapag humingi ka ng sorry, tatanggapin ka rin ng mga tao. Tapos sa nanay mo, lalo na siyempre kapag nanay mo ang humingi ng sorry for you at sinabi niyang kawawa naman ang anak ko, kung anuman ang nagawa niyang kasalanan, sana patawarin n'yo na.

"Kasi, at this point, ang bida, ang heroine na lumalabas talaga, si Katrina. Mahirap natin siyang banggain. Lahat ng advice ko... dahil akala ko, kasama na 'ko sa team nila."

Anong pangalan ng team? "Team Hayden! Team Hayden, oh!"

NO REMORSE. "Kaya nga ako nairita, kaya nga maaga akong umalis sa meeting kasi nga, nakita ko na walang remorse si Hayden. Alam mo ba, sasabihin ko sa 'yo, Butch, itong lahat ng ito, natutuwa si Hayden.

"Kasi di ba, noong isang araw nandoon daw 'yan sa Rockwell, talagang kumakaway-kaway, ngumingiti-ngiti. Ako, hindi ako magtataka kung magpapa-pictorial pa 'yan kay Jun de Leon para ipamigay sa diyaryo."

Ah, enjoy siya sa lahat ng ito? tanong ni Ricky Lo.

"Yeah, he's enjoying this. Gustong-gusto niyang nasa lahat siya ng diyaryo, nasa TV siya, radio siya. Nag-e-enjoy siya. E, di ba, noong eklay-eklay na nag-suicide siya, paggising niya raw, ang unang tinanong, 'Am I all over the papers'? Na-disappoint pa siya nang malaman niyang hindi, dahil sinikreto nga ni Vicki ang eklay niyang pagpapakamatay."

Ibig mong sabihin, hindi niya alam ang damage na nagagawa niya sa buhay ng iba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nakita mo ba ang mukha ni Hayden? Fresh na fresh! Talagang parang walang dinamdam. Nakakatulog siya nang mahimbing sa Pacific Plaza. Talagang nag-e-enjoy siya!"

MASTERMIND. Sino sa palagay niya ang nagpapakalat ng audio?

"Kung sinuman ang nagpapakalat nito, may masamang motibo. Kung talagang ano, sana nga ay makuha niya kung anumang resultang gusto niya."

Sa palagay niya nga sino, ang tanong muli ni Joey de Leon?

"Si Hayden! O kaya si Reli German. Kasi si Reli German ang PR man," tahasang pahayag nga ni Lolit.

"Ang makakaisip nito, PR man. Ang laki-laki ng ano ko, ng paggalang ko pati respeto ko kay Attorney Lorna Kapunan, kaya hindi ako makakaisip na siya ang nagpalabas nito.

"Siguro, idea yun ni Hayden na, naku, let's come out with the tape, chuvaness. Para malaman nila na siya [Lolit] ang nag-a-advise."

Chuvaness talaga ang ginamit? natatawang tanong ni Joey.

"Oo, chuvaness," natatawa ring sagot ni Lolit. "Naku, kung alam ko nga e, di sana ginandahan ko ang boses ko ro'n. Nag-voice acting sana ko."

NO REGRETS. Tanong naman ni Butch kay Lolit, nagsisisi ba siya na sumama pa sa meeting?

"Hindi! You know why, doon ko nakilala ang totoong Hayden. Siguro kung naniwala lang ako sa sinabi ni Vicki na talagang sad siya sa nangyari, nagsisi, baka napaniwala pa 'ko ni Vicki.

"Pero ang nakita ko, talagang hindi. Kaya natutuwa pa 'ko na pumunta 'ko sa meeting na yun."

IGNORING OSANG. Sumunod naman na tanong ni Ricky ay tungkol kay Rosanna Roces. Nag-react daw ang aktres sa isyung kinasangkutan ni Lolit at ang sabi, "Belat!" sa harap ng kamera.

Lolit: "Sino?! Sino yun?! Ano pangalan?"

Inulit ni Ricky pero hindi kinilala ni Lolit: "Sino nga...? Huh! Bakit ko papatulan?"

Si Joey na ang nagsabing, nagbelat siya, nagbelat ka rin, di ba? Biro tuloy ni Joey, di raw kaya si Vicki, gawin na ring 'Vicki Belat' dahil silang tatlo ang magkakaibigan noon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"E, kasi, pinapatulan pa ba naman, Joey, ang has-been? Alam mo, lahat talaga ng mga kaibigan ni Butch, mga obnoxious character! My god!" natatawang sabi ni Lolit.

STICK TO THE ISSUE. Seryosong tanong muli ni Joey, ano raw ang masasabi niyang orchestrated daw niyang lahat ang kaguluhang ito sa buhay ni Hayden?

"Alam n'yo, huwag nating iliko yung isyu. Ang isyu, yung video na kinunan ni Hayden. Inamin na niya yun. Bago natin hanapin kung sino nag-upload, kung sino ang nagbigay ng drugs, yun muna ang i-resolve natin. Kailangan muna nating mapatunayan na may magagawa ang batas sa isyu ni Hayden. Yun muna!

"Ginawa na niya yun, tinanggap na niya yung kababuyan na yun, kailangan maparusahan siya dun. Tapos, saka na natin harapin ang ibang isyu. Kailangan munang ma-resolve ang isyu sa kanya," pahayag ni Lolit.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN