Bukod sa kanyang showbiz projects, isa sa mga pinagtutuunan ng pansin ni Candy Pangilinan ay ang pagbebenta ng kanyang perfume line via TikTok.
“Keeping me busy is actually my QsensebyC business, perfume business, skin care…” ang bungad niya sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa GCash Stories: Kasama Mo Mangarap event nitong July 14, 2026.
Katuparan ng kanyang pangarap ang pagkaka-launch ng kanyang perfume line noong nakaraang taon.
Ang negosyo ay mula sa "beautiful and unique bond between me and Quentin," aniya sa isang past interview.
Maituturing niya itong "love letter to connection, family, and authenticity.”
Dagdag niya: “Saka I remember scents from memories or time frame ng buhay ko.
"This scent smells like college or events that I remember. It can either make one smile, grateful, or hope for better days forward.”
Read: Perfume line nina Candy at Quentin, nabuo dahil sa unique bond
CANDY PANGILINAN'S BUSINESS
Bukod sa pabango, may isa pang product si Candy.
“We have the perfume collection. We also have essential oils.
"The essential oils actually are for the mothers, the revitalizing. And for the kids, the calming.
"So, it's natural essential oil. Yun talaga yung unang product. I did that para sa mga parents na katulad ko.
“Pero now na na-try ng iba, sabi nila, ‘Ay, we can use this pag nahilo kami,’ and all that.
Mabibili ang kanyang products sa TikTok Shop.
Nagko-conduct din siya ng live-selling, at ayon sa kanya, “It's doing pretty well."

Sa tanong kung bakit pabango ang negosyong napili niya, “Hilig ko talaga,” ani Candy.
“I didn't have to study, but mahilig akong maghalu-halo. Tapos, sabi ko, ‘Ganoon din ang scent na gusto ko.’
“So, dadalhin nila sa akin, sagot ko, ‘No, no, it's not that. It's not that. I want this scent.’
“Kasi mahilig ako sa pabango ever since.”
Malaking tulong daw ang kanyang negosyo sa expenses nilang mag-ina, lalo pa’t single mom siya.
Ani Candy, “I budget everything. Siyempre, ang priority mo, yung mga kailangan ni Quentin. Yung mga therapy niya, education niya, gamit niya. Yun…”
Bagama’t may investments siya, aminado si Candy na mas pinagtutuunan niya ang pag-iipon kesa sa investments.
“Siyempre, I'm a single mom, kasi ang daming gastos ng anak ko, di ba?
“Para akong nagpapaaral ng ano, ng... para akong may anak na may dalawang doktor [na pinapa-aral]. Yung ganun. Saka lawyer…
“So, kasi continuous ang… 22 na, pero parang di siya natapos mag-aral, di ba? So, it's like that.”
Pangarap daw ni Candy na maging nationwide ang reach ng kanyang negosyo.
“Mas makilala siya at maging household name,” sundot ni Candy.
Bakas sa aktres ang kanyang determinasyon na maabot ang goal na ito.
“Pupunta tayo do'n. Hindi ako bibitiw,” pagdeklara niya. “And, eventually, kasi the dream is for Quentin to have it.”
Read: IN FOCUS: Meet "Mr. Freeze" and his ice empire
Bukod sa pagnenegosyo, may iba pang pinagkakaabalahan si Candy.
“Of course, my son," referring to Quentin, 22, na may Attention Deficit Hyperactivity Disorder (ADHD) and Autism Spectrum Disorder (ASD).
Advocacy rin ni Candy, isang single mom, ang pag-raise ng awareness pagdating sa ASD at ADHD.
Sa pagtatapos ng komedyana, "I'm writing a new script. I'm writing two scripts, actually. I'm writing a stand-up also.”
