Nagbahagi ng saloobin sina Oyo Sotto at Danica Sotto tungkol sa pagkakaroon ng famous parents sa showbiz industry: sina Vic Sotto at Dina Bonnevie.
Nabanggit din ng magkapatid ang komento ng mga tao bilang tagapagmana nina Vic at Dina.
Ilan lamang ag mga ito sa naging topics sa July 17, 2026 episode ng House of D, ang YouTube channel ni Dina.
The Downside of having famous parents
Bukod sa pagkukumpara, aminado ang dalawa na nakaranas din sila ng pangungutya.
Inusisa ni Danica si Oyo kung tulad niya, ay nakakatanggap din ba ng comments na hindi na niya kailangang magtrabaho dahil sa kanilang mga magulang.
Sagot ni Oyo, marami, lalo na noong umusbong ang social media.
“May nag-comment, laro lang daw ako nang laro. Hindi na daw ako nagtatrabaho,” natatawang sabi ni Oyo.
Sinegundahan ito ni Dina: “Oo, may nag-comment, ‘Iyan si Oyo, panay asa sa tatay, di nagtatrabaho iyan.’”
Sambit naman ni Danica: “Masyado namang makapag-judge. At saka, sorry to say, pero hindi po kami pinalaking ganoon ng mommy at daddy namin.”
Dagdag ni Oyo, “Feeling ko, that’s why iniisip nila umaasa ako kay Daddy, that time, gumagawa kami ng mga sitcoms ni Daddy, dire-diretso iyon.”
Mula pagkabata, madalas kasama si Oyo sa mga sitcoms si Vic.
Ang ilan sa mga pinakahuling pinagsamahan nila ay ang Daddy’s Gurl (2018-2023), Bossing & Ai (2017-2018), Hay, Bahay! (2016-2017), at Vampire ang Daddy Ko (2013-2016), na ipinalabas sa bakuran ng GMA-7.
Pero katwiran ni Oyo, hindi siya basta binibigyan ng pera. Nagtatrabaho siya for his dad, na siyang producer ng mga nabanggit na shows.
“And I think working for your dad is the best job you can do as a son,” katwiran ni Oyo.
“I was working for my dad. Hindi nila nakikita iyon. Akala nila sinusuwelduhan lang ako ni Daddy, pero hindi nila alam na nagtatrabaho ka para sa tatay mo. You were working for your dad…”
Pagtatanggol pa ni Dina, ang pagtatrabaho ni Oyo kasama ang ama ay naging daan upang matuto siya pagdating sa TV production.
Ani Dina kay Oyo: “Kung hindi iyon ginawa ng daddy mo, ngayong nagpo-produce tayo ng Good Life Media, do you think meron ka na ng mga kaalaman mo ngayon sa production?”

Read: OFW’s “lakas ng loob” made him a restaurant owner in Canada
OYO SOTTO ON INHERITANCE FROM PARENTS
Samantala, malaking biyaya raw kung papamanahan sila ng kanilang mga magulang, subalit hindi na raw nila ito obligasyon.
Sabi ng aktor, “I don’t think na obligasyon ng bawat magulang na mag-iwan ng pera. But if you have extra, diba, sige bigyan mo.”
Napag-uusapan ba nila ni Danica ang tungkol sa mana?
Sabi ni Oyo sa ina: “Kami ni Ate, we’ve said this a lot of times na if you’re gonna bless us, thank you. As in that’s a big help, di ba, whenever you bless us, Mommy... si Daddy…
“Whenever Dad blesses us, super thank you. If not, okay lang din. Hindi kami magagalit. Hindi kami magtatampo. Why?
“Kasi, ang ultimate provider naman namin si God, e.”
Sabi pa ni Oyo sa ina, “Yes, God uses you, si Daddy, and whoever to bless people. Pero wag naman din sana isipin na obligayson, and wag din sana isipin ng mga bata na, ‘Oy, magbigay ka sa akin, ha? Oy, pamanahan…’
"Kasi alam ko may mga ganoong tao. Gusto nang mamatay ang magulang para may mana. Parang ang pangit naman.”
Wala raw problema kung hindi sila maabutan ng pera ng mga magulang.
Ani Oyo sa kanyang ina: “We know naman na you had a family of your own, si Daddy has a family of his own.
“So, kami ni Ate, kung may mabibigay, super thank you. We truly, deeply appreciate it. But if wala, hindi kami magagalit sa mga magulang.”
Sundot ni Danica, “Hindi mababawasan ang pagmamahal…”
Read: ASK MERALCO: How aircon, inverter, brand affect eletric bill
DINA’S TWO CENTS ON INHERITANCE
Paano pamamanahan ni Dina ang kanyang mga anak?
“Basta ako, yun ang stand ko. Kung anong meron ako, maglalagay na ako ng [ipapamana], at saka ine-explain ko na sa iyo ito,” aniya kay Danica.
Dugtong ni Danica, “Saka nagbibigay ka ng mga suggestions, ‘Why don’t you do this?’”
“How to invest…” pagtutuloy ni Dina.
“Kasi, sa akin, there’s nothing more fulfilling for a parent than to see your children growing up the way you raised them, as far as discipline is concerned values, beliefs, faith, and aside from that, to see them successful.”
Ayon pa kay Dina, ang pagiging successful ay hindi lang masusukat sa pera, ari-arian, o negosyo: “Successful ka rin sa family life mo.”
At ang payo ng veteran actress sa mga may "rich parents": Huwag iasa ang mga pangangailangan sa mga magulang.
"Huwag naman kayong, ‘Ah, aasa na lang ako…’ pagbibigyan ang gusto ng mga magulang na magtapos, at tapos ay maghihintay na lang ng mana.”
At kung may mamanahin naman, pagpaguran ito at palaguin.
“See your parent as somebody to provide shelter, to provide you with what you need, pero over and above that extra, grace na lang iyon,” pagtutuloy ng seasoned actress.
“That’s kindness, that’s a blessing, don’t expect na kailangan gawin ng parents niyo ito.
“Kumayod din kayo sa sarili niyo because one day kahit na ganito, kahit na may manahin kayong malaki, kung hindi niyo rin alam kung paano gamitin ang pera na iyan sa tama, kung hindi niyo rin alam i-invest, kung hindi kayo nag-aral nang mabuti para gawin iyan, o para maisip na patakbuhin ang negosyo, mawawala at mawawala rin.
“Inheritance comes with a lot of responsibilities kaya ready both sides: responsibility ng parent to educate, responsibility ng bata na pag-aralan.”
Dagdag paliwanag ng aktres, “Paano kung hindi rin alam i-invest?
“Dapat ibigay mo nang unti-unti [ang mana] with the guidance nga na, ‘Okay, i-invest mo dito, or you can even invest together, ‘O, mag-i-invest ako sa ganito inaral ko na ito maganda ito.’ Guide them. Wag ka basta magbibigay ng mana na walang guidance.”
Malaki raw kasi ang posibilidad na mauwi sa wala ang mana kapag hindi tinuruan ang mga anak na pamamanahan.
Sabi ni Danica, lumaki silang pinapaalalahan ng ina pagdating sa pera.
“’O, kayo, ha, dapat kahit na privileged kayo, nakakakain kayo, I don’t pick money from trees.' Ganoong hirit ni Mama na dapat matuto din kayo.”
Para naman kay Oyo, ang isang importanteng puwedeng maipamana ng mga magulang ay tamang values, tulad ng pagtuturo sa mga bata na maging responsable.
Sumang-ayon si Dina, ang pinakamagandang pamana talaga sa mga anak na higit pa sa pera ay magandang ugali, values, at edukasyon.
