Meryll Soriano allows ex-husband Bernard Palanca to "borrow" their son

IMAGE 0


"As much as possible, gusto ko rin silang magkita palagi....Wala namang schedules, kung kailan niya gusto. So, ako naman, sinabi ko sa kanya noong nag-usap kami na anytime na gusto niyang hiramin, that's for him also," says Meryll Soriano about her agreement with Bernard Palanca for him to spend time with their toddler Elijah whenever he's free.


Kitang-kita ang kaseksihan ng aktres na si Meryll Soriano nang dumating siya sa screening ng Kamoteng Kahoy, ang ikalawa sa huling entry for Sine Direk na kasalukuyan nang napapanood sa mga sinehan. Ginanap ang screening last Tuesday, June 9, sa Cine Adarna ng University of the Philippines, Diliman, Quezon City.

Character ng isang inang namatayaan ng anak dahil sa pagkalason sa kamoteng kahoy ang ginampanang role ni Meryll sa pelikula. Hindi raw niya ginamit ang pagiging ina niya in real life sa pag-i-internalize sa character niya dahil malayo naman daw ang totoong character niya sa role.

Meryll is a happy mom to Elijah, ang anak nila ng dati niyang asawang si Bernard Palanca. Very proud nga ang aktres kapag ang anak na ang kinumusta sa kanya.

"Ay, naku, napakadaldal! Napakaputi at napaka-guwapo!" bulalas ni Meryll. "Magtu-two [years old] na siya sa August. Nagsasalita na! At parang kailan lang, pinoproblema ko ang [first] birthday niya, poproblemahin ko na naman ang [second] birthday niya. Ang bilis, ano?"

FATHER'S RIGHT. Ayon kay Meryll, sobrang nag-iba ang priorities niya mula nang maging ina siya. Hindi rin daw niya ipinagkakait kay Bernard ang karapatan nito sa anak. Matatandaang naghiwalay sina Meryll at Bernard bago pa man isilang ng aktres si Elijah.

"As much as possible, gusto ko rin silang magkita palagi," sabi niya. "Kasi, ang pangit naman na lumaki si Elijah na...di ba? Okey naman kami ni Bernard, civil. Like, 'Puwede ko ba siyang hiramin?' Ganun. Wala namang schedules, kung kailan niya gusto. So, ako naman, sinabi ko sa kanya noong nag-usap kami na any time na gusto niyang hiramin, that's for him also.

"Ayoko namang ma-miss out niya. Kapag matagal na nga siyang hindi nagte-text, ako yung, 'Ano kaya, balak ba niyang dalawin? Ang laki na, o nagsasalita na.' Kasi, para sa kanya yun, e."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero hindi pa nga lang daw sila umaabot sa puntong puwedeng mag-sleepover ang anak kay Bernard.

"Wala pa kami dun. Dun muna tayo sa hiram. Anong oras tayo uuwi? Saka na yun!" natatawang sabi ni Meryll.

Nakikita naman daw niyang grateful din si Bernard sa pagiging welcome niya bilang ama ng anak nila.

"Oo naman, lahat naman kami sa pamilya. Kasi, kahit bali-baligtarin ko ang mundo, siya pa rin ang tatay. I don't think it will work kung sobrang galit ako at pagkatapos, mararamdaman din ng anak ko.

"Hindi naman ako pinalaki ng nanay ko na ganoon. Never kong narinig ang nanay ko na nagsalita ng masama tungkol sa tatay ko, ever. So, that is a good example for me na i-impart ko rin sa anak ko. Kasi, hindi naman talaga tamang mag-away."

(Si Meryll ay anak ng kapatid ni Maricel Soriano na si Bec-Bec Soriano sa TV host na si Willie Revillame.)

Naibibigay naman ba ni Bernard ang responsibilidad niya sa anak in terms of financial support?

"Nagbibigay siya ng supplies. Mga diapers...ganoon. Pero basically, ako talaga. At saka siyempre, si Papa ko," sabi ni Meryll.

Pero hindi naman daw nai-spoil ni Willie ang apo nito. Mas ang mama pa nga raw niya ang may tendency na mag-spoil sa apo.

"E, siyempre, araw-araw kasama, di ba?" paliwanag naman ni Meryll.

WILLIE'S POLITICAL PLAN. When it comes to Meryll's father, Willie Revillame, kung papakinggan daw siya ng ama at kung totoo ang lumalabas sa balita na may plano itong tumakbo bilang senator, mas gusto ng aktres na huwag na lang itong tumakbo.

"As much as possible, my point of view on this is that I don't really want him to run. Alam naman niya yun. I don't want him to run because he's doing so much already for the people. I think, kung yun talaga ang pakay niya, he can help otherwise without being a politician. If he's is running, then I really can't do anything about it," saad ni Meryll.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Susuportahan naman niya ang ama kung sakali?

"Hindi ko alam!" natatawang sabi ni Meryll. "I mean, I'll support him like he's my dad, but you know..."

Pero siya ba yung tipong pinapakinggan ng papa niya? Napag-usapan na ba nila ang bagay na ito?

"Hindi naman, e. Alam n'yo, parehas kami ng tatay ko, matigas ang ulo namin parehas, di ba? Magkakalahi kami. Sana, kung dumating man yung time na yun, I know, sana I can say a piece of my mind. Sana, kahit papaano, makinig siya. Kahit hindi makinig sa desisyon ko for him, makinig pa rin siya, kasi that's a different ball game altogether. I don't go for it. I really don't go for it."

Since naging open book naman na hindi sapat ang pagbibigay ng sustento ng papa niya sa kanya noong araw, ngayon na hindi naman kaila sa lahat kung gaano na ito kayaman, napunuan na ba ni Willie kung anumang pagkukulang nito noon sa kanya?

"Oo naman," mabilis na sagot ni Meryll. "Hindi naman sa nagbibilang ka, pero I know, he tries... He gave me naman yung first house niya. At saka, hindi rin naman ako humihingi. Hangga't kaya kong hindi, hindi e. Ang aga ko namang nagtrabaho, di ba? So, I think, I owe it to myself not to ask for it. Unless, kailangang-kailangan ko na talaga, or kaya para sa apo niya. Hindi naman para sa akin, kasi may work din naman ako."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN