PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Former actress Ingrid dela Paz opens up about life in Canada

Ingrid dela Paz opens up about her heartache over a role in an ABS-CBN serye.
by Bernie V. Franco
Published 3 days ago
Ingrid dela Paz
Former actress Ingrid dela Paz is now living with her family in Canada and is into content creation. It was Charo Santos-Concio who discovered Ingrid, who eventually became part of Star Magic Circle Batch 2013 together with Julia Barretto and Liza Soberano.
PHOTO/S: ABS-CBN Entertainment / Ingrid dela Paz on FB

Dating Kapamilya actress si Ingrid dela Paz, 32, na ngayon ay homemaker at content creator sa Canada.

Nakilala siya sa kanyang supporting roles sa mga teleseryeng tulad ng Got to Believe (2013-2014), Tubig at Langis (2016), at Wildflower (2017-2018).

Pero bakit tinalikuran ni Ingrid ang showbiz at nagpunta sa Canada?

INGRID’S SHOWBIZ LIFE

Si Ingrid ay isang dekada ring naging parte ng Star Magic, ang talent arm ang ABS-CBN.

Bilang bahagi ng Star Magic Circle 2013, batchmates niya sina Liza Soberano, Julia Barretto, Janella Salvador, Khalil Ramos, Kit Thompson, Jerome Ponce, at iba pa.

Si Charo Santos ang mismong nakadiskubre kay Ingrid.

Noong 2016, mabibigyan dapat ng big break si Ingrid.

Siya ang napiling gumanap na Clara sa Tubig at Langis na pinagbidahan noon nina Cristine Reyes at Zanjoe Marudo.

Napaulat na rin sa media na siya ang gaganap na kabit sa love triangle nila nina Cristine at Zanjoe.

Subalit sa pagsisimula ng teleserye, ang role na dapat ay kanya ay ibinigay kay Isabelle Daza.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ito dapat ang big break ni Ingrid.

Ingrid dela Paz, Julia Barretto, Liza Soberano, Michelle Vito
Ingrid dela Paz (front row, left) with her fellow Star Magic Circle Batch 13 artists: Julia Barretto (front row right) and Liza Soberano (second row, left) and Michelle Vito
Photo/s: ABS-CBN Entertainment

Naging parte pa rin si Ingrid ng serye bilang si Emma.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa isang 2025 video, inamin ni Ingrid na nasaktan siya nang bawiin sa kanya ang role.

Pero tanggap niyang nangyayari iyon sa showbiz.

“Normal sa showbiz kahit hindi pa ineere, kahit sabihin mong nag-taping na talaga, tapos di inere, wala pang assurance, unless napapanood na. Dun masisigurado,” paliwanag niya.

Nagpatuloy si Ingrid sa paggawa ng mga proyekto sa ABS-CBN, subalit nagdesisyon siyang iwan ang buhay sa Pilipinas at manirahan sa Canada.

Ingrid dela Paz, Ejay Falcon
Ingrid with Ejay Falcon in "Passion de Amor."
Photo/s: ABS-CBN Entertainment
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

WHY INGRID DECIDED TO LEAVE FOR CANADA

Masalimuot ang mga pinagdaanan ni Ingrid.

Ang mga detalyeng ito, ibinahagi niya sa kanyang social media accounts bilang isang content creator.

Noong panahon ng pandemic, matindi ang pinagdaanan ni Ingrid.

Matapos lamang ang isang taon, naghiwalay sila ng kanyang pinakasalan.

Gumuho ang mundo ni Ingrid. Hindi niya alam kung ano ang gagawin at paano magsisimula.

“Hiyang-hiya talaga ako sa buhay ko dahil isang taon lang, e, naghiwalay nga kami nung ex ko,” lahad niya.

May mga banta at nanggugulo sa kanya sa social media.

Kaya nag-detach siya sa social media. Itinigil niya ang kanyang pagba-vlog.

Dahil walang peace of mind, isinugal ni Ingrid ang lahat at nagtungo sa Canada para makapagsimula ulit. Handa siyang makipagsapalaran.

Habang nasa Canada, nag-file siya ng annulment case. Nagbayad siya ng higit PHP400,000 para maproseso ito. Pero dahil nasa ibang bansa, hindi siya nakarating sa hearing at hindi umusad ang kaso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gayunpaman, nag-file siya ng divorce sa Canada. Kumuha siya ng abogado para asikasuhin ito.

Nakakuha siya ng divorce certificate at gumastos siya ng kabuuang 2,825 Canadian dollars (PHP123,318).

Pero paliwanag ni Ingrid, ang kanyang divorce certificate ay kinikilala lamang sa Canada at sa iba pang bansa, pero hindi sa Pilipinas.

Pero para saan ang divorcer certificate na kinuha niya?

“Iniisip ko na lang na kahit papano ay may kaunting progress na rin kesa sa wala,” sabi niya.

“At least, dito sa Canada alam kong malaya ako, malayang maging masaya ulit.”

Sinimulan uli ni Ingrid ang content creation. Kabilang sa mga content niya ay ang pagbabahagi ng kanyang mapapait na karanasan.

“Dati kinahihiya ko yung nangyari sa akin. Ngayon shini-share ko para sa mga tulad ko na akalang wala nang pag-asa pa.

“Hindi pa tapos ang lahat. Dadating ang panahon na sasabihin mong worth it lahat ng pinagdaanan mo. Dahil iyon ang bubuo sa iyo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naibahagi rin niya na nang dumating siya ng Canada, nakakaramdam siya noon ng trauma sa tuwing may makikilala siyang Pilipino.

“Iniisip kong pagtsitsismisan nila ako kahit hindi naman talaga.”

BEGINNING ANEW IN CANADA

Noong nakaraang taon, nakapagtapos si Ingrid ng Culinary Management at may Highest Honours, mula sa Centennial College sa Ontario.

Subalit nabuntis si Ingrid pagka-graduate.

Ito pala ang magbibigay sa kanya ng panibagong misyon sa buhay.

“Naging nanay ako at unti-unti kong nakita kung ano’ng purpose ko sa buhay,” kwento niya.

“Yung galit at poot na naramdaman ko noon, ngayon naiintindihan ko na kung bakit nangyari sa akin lahat ng hirap na dinanas ko.

“Pinatatag pala ako ng panahon kasi kailangan ng mga anak ko ng matatag na ina.”

Bukod sa kanyang panganay na girl toddler, eight months pregnant ngayon si Ingrid sa kanyang pangalawang anak.

Ingrid dela Paz, Ingrid family
Ingrid graduated with Highest Honours when she took up a culinary course in Centennial College in Ontario. Right photo shows the former actress with her partner and their toddler daughter.
Photo/s: Ingrid dela Paz on FB
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang kanyang partner ngayon ay isang seaman. Dati itong kabarkada ni Ingrid noong high school at nakarelasyon noong college.

Naghiwalay sila ng landas, subalit nagkabalikan makalipas ang walong taon. Sila pala ang magkakatuluyan.

Ani Ingrid tungkol sa kanyang partner, “We spent eight years apart, growing into better versions of ourselves.

“Looking back, maybe we needed that time apart so we could become the people our future family would need us to be.”

Ang kanyang partner ang nagtatrabaho, habang si Ingrid ay homemaker at gumagawa ng video contents.

Sa ngayon, naghahabol sila ng residency sa Canada at pinaghahandaan ang paglabas ng kanilang baby boy.

Nagsimula man sila from scratch sa Canada, unti-unting nabubuo ang pamilya ni Ingrid.

Napagtanto rin niya na may dahilan ang lahat ng nangyari sa kanya noon.

Sabi niya, “Hindi ibig sabihin na [kapag] may hindi magandang nangyari sa buhay natin ay doon na tayo habang-buhay.

“Minsan, ang setback ay paraan lang ni Lord para ire-direct tayo sa mas magandang plano Niya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

INTERVIEW WITH INGRID

Sa pamamagitan ng direct messaging, nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ingrid ng Biyernes, August 21, 2026.

Tuluyan na ba niyang iiwan ang showbiz?

“No, not at all. I actually really miss acting,” sagot niya.

“Right now, we’re just focused on working on our residency here in Canada, but if there’s a chance someday and may offer, I would still love to act again.

“Since I became a mom, inuuna ko lang talaga yung future ng mga kids ko. For now, sila muna.”

Wala rin daw siyang pinagsisisihan sa lahat ng pinagdaanan niya sa showbiz.

“I believe everything happens for a reason. Good or bad, every shaped who I am today.

“Siguro one thing I would do differently is mas makisama with my co-artists, because I was really young and shy back then.

“I remember Kathryn once invited me to play badminton, but I didn’t go kasi pinili ko ang lovelife na wala naman akong napala. Haha!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Looking back, I realized how important ang pakikisama, especially in showbiz. You build relationships with people you work with, and those connections become part of your journey.”

Ingrid dela Paz pregnant
Ingrid is now eight-months pregnant with her second child, a baby boy.
Photo/s: Ingrid dela Paz on FB

Nawala man siya sa showbiz, ikinatutuwa ni Ingrid na nagawa niyang maging content creator hindi lang para maging outlet kundi para maipamalas ang kanyang creative side.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Akala ko nung umalis ako ng Pilipinas, tapos na yung career ko sa limelight. When I became a mom, ang gusto ko lang talaga was to earn while staying at home and taking care of my first baby because I couldn’t work.

“I never expected that my videos would blow up and open so many opportunities for me, even though I’m now here in Canada.

“I’m still able to work while taking care of my toddler and being pregnant with my second baby.

“For now, I want to focus on creating content, continue growing as a creator, and hopefully become an even bigger creator who can open more opportunities for me and my family.

“And of course, if acting comes along again someday, I’d definitely be open to it.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former actress Ingrid dela Paz is now living with her family in Canada and is into content creation. It was Charo Santos-Concio who discovered Ingrid, who eventually became part of Star Magic Circle Batch 2013 together with Julia Barretto and Liza Soberano.
PHOTO/S: ABS-CBN Entertainment / Ingrid dela Paz on FB
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results