“Sold Out: This product is currently unavailable”
Ito ang mga katagang mababasa kapag bumisita sa official website ng Nike, kilalang international sports apparel brand, sa section ng Alex Eala T-shirt.
Patunay lamang ito kung gaano katanyag ang Filipina tennis player sa international tennis scene.
Hindi pa kasi nagtatagal matapos i-launch ang T-shirt in honor of Alex, sold out na agad ang items.
Minuto lamang daw ang itinagal ng post bago ito maging sold out ang merchandise, report ng American celebrity tabloid site na TMZ.
Ang T-shirt na ipinangalan sa Pinay tennis star ay tinawag na NikeCourt “Alex Eala” at nagkakahalaga ng $42 (PHP2,589.93).
Post pa ni Alex sa kanyang Instagram story: "I have my own shirt!! You know what to do."
Mukhang naging masunurin naman ang kanyang fans dahil sold out agad ang items.
Ang disenyo ng soft cotton T-shirt ay kulay black na may floral emblem at logo ng brand sa harap. Mas elaborate ang floral design sa likod, na nakalagay ang pangalan ni Alex, at taglay din ang tagline ng brand na, “Just do it.”
Samantala, bukod sa T-shirt, sa website ay model din si Alex ng blue women’s tennis dress.
Available ang item at nagkakahalaga ito ng $140 (PHP8,633.10).
Patuloy ang pag-akyat ng popularidad ng Filipina tennis player, lalo nan ang talunin niya ngayong Agosto ang American tennis player na si Jessica Pegula sa Washington Open.
Read: Who is Alex Eala, Pinoy tennis player at 2025 Miami Open?

