Jake Cuenca does not believe Cristine Reyes would bad-mouth him

IMAGE 0


"You know, sa akin naman po, I have a lot of leading ladies and even Cristine could probably say na wala naman po akong problema sa ganyan. Marami na po akong leading lady na nakatrabaho sa past soaps ko, so I'm not very affected with that, kasi alam ko naman po na hindi totoo," says Jake Cuenca about the bad-breath rumor that Cristine Reyes was allegedly spreading.


Sa dinami-dami na ng nagawang soap opera ni Jake Cuenca, ang pelikulang Villa Estrella ng Star Cinema ang maituturing na first full-length movie ng young actor. Ito ang pagmamalaking ikinuwento ni Jake sa press conference ng naturang horror movie kagabi, June 11, sa 9501 restaurant ng ABS-CBN.

"Para mabigyan ng pelikula ng Star Cinema tulad nito, ang laking responsibilidad. Halos lahat ng movies ko dati, cameo lang. Aside from it's my first full-length movie, first ko rin sa Star Cinema. So, bale first time kong gumawa ng full-length movie, horror, at sa Star Cinema pa. So, talagang napakagandang blessing. Nagpapasalamat ako na naniniwala sa akin ang Star Cinema, na may faith sila sa akin," saad ni Jake sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press.

Kasama ni Jake sa Villa Estrella sina Shaina Magdayao, Maja Salvador, at Geoff Eigenmann. May pressure ba siyang nararamdaman, lalo pa't halos lahat ng mga pelikula ni Star Cinema ay naging box-office hit?

"Actually, mabigat din talaga ang pressure," sagot ni Jake. "Pero tulad nga ng sabi ni Direk Rico Ilarde, talagang nag-best effort kami for this movie. Matagal kaming nag-shoot. Ginalingan namin. Binuhos namin ang energy namin dito kaya kahit anong mangyari, we're confident we have a good movie. At talaga namang sa nakikita n'yo, trailer pa lang, nakakatakot na."

Umaasa si Jake na pagkatapos ng Villa Estrella, masundan ang paggawa niya ng movie sa Star Cinema. Aniya, "Iba po talaga ang gumawa ng movie sa Star Cinema."

Silang dalawa ni Geoff ang male leads sa Villa Estrella. May sapawan bang nangyari sa kanila?

"A, wala. Magkaibigan naman kami ni Geoff at saka magkaiba naman ang role namin dito," sagot ni Jake.

Ano ang masasabi niya sa pagbabalik ni Geoff sa Kapuso network, kung saan din galing si Jake?

"Hindi na po ako magko-comment, kasi desisyon naman po niya yun. Siyempre po, kung doon siya dinadala ng kanyang puso, siyempre po, siguro yun ang tamang gawin. Kasi, yun din naman po ang sinunod ko noong panahon na lumipat din po ako [sa ABS-CBN]," aniya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

TEAM-UP WITH SHAINA. Second team-up nina Jake at Shaina Magdayao ang Villa Estrella. Their first was in the TV series Your Song.

"Lahat ng sumuporta ng Young Song namin noon, dito n'yo kami ulit mapapanood. Honored ako na nakatrabaho ko si Shaina ulit. Kasi, masayang-masaya ako na naging leading lady ko si Shaina, at leading lady ko pa rin si Shaina," saad ni Jake.

Pero ayaw pang kumpirmahin ni Jake at nakangiti lang itong sumagot nang tanungin ng PEP kung sa next soap niya ay si Shaina uli ang isa sa magiging partner niya.

"Let's see...tingnan natin," sabi niya. "Basta, at this point in time, Tayong Dalawa muna po ang ginagawa ko. Basta may offers, maraming offers, at maraming pinagpipilian. Napakasuwerte ko na binigyan ako ng offer na ganito. Although sa ngayon, lahat ng energy ko ay ibinubuhos ko muna sa Tayong Dalawa."

Dagdag ni Jake, "Talaga namang ang daming sumusuporta. Marami kaming napapasaya."

TAYONG DALAWA. Speaking of Tayong Dalawa, may mga lumalabas na nagre-react daw ang Kimeralds fans at hindi raw nagugustuhan ng mga ito na silang dalawa ni Kim Chiu ang ikinasal sa serye, at hindi sina Kim at Gerald Anderson. Ano ang masasabi ni Jake dito?

"Siyempre, hindi ko naman intention na gumitna sa love team nila. Pero, siyempre, ito ang ikinagaganda ng soap, e. At the same time, ako, I'm just very honored to be entertaining the Kimeralds fans. Siyempre, isa rin sila sa malaking bagay sa success ng Tayong Dalawa.

"Natutuwa rin naman ako na marami rin ang naaawa kay Dave. Marami ang sumasang-ayon kay Dave sa show. But at the same time, I'm just very honored with the opportunity to entertain Kim and Gerald fans. Kasi, talagang napakalaking rason din nila sa success ng show na 'yan," pahayag ni Jake.

CRISTINE REYES. Hindi rin nakaligtas si Jake sa ilang intriga. Ito ay may kaugnayan kay Cristine Reyes at sa balitang nagkaroon daw ng hindi magandang karanasan ang production at cast ng Precious Hearts Romances Presents Bud Brothers nang mag-taping sila ng pilot episode, kung saan sina Jake at Cristine ang featured stars.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nandiyan din ang isyu na kesyo nanggagaling daw kay Cristine. Ilan na rito ang hindi raw nila pagkakasundo sa set at ang ipinamamalita raw ni Cristine na may "bad breath" daw si Jake.

Pero sa lahat ng mga intrigang ito, cool lang si Jake.

"Wala naman pong problema sa amin ni Cristine," paglilinaw niya. "I'm very honored to work with her. Wala akong masabi. Very professional naman po siya. Kami naman ni Cristine, kahit yung samahan namin, very okay. I think, that's the reason din kung bakit maraming nanood sa amin, kasi nag-reflect dun yung samahan namin. Smooth sailing naman ang relasyon namin sa set."

Ano naman ang masasabi niya sa sinabi diumano ni Cristine na may "bad breath" daw siya?

"You know, sa akin naman po, I have a lot of leading ladies and even Cristine could probably say na wala naman po akong problema sa ganyan. Marami na po akong leading lady na nakatrabaho sa past soaps ko, so I'm not very affected with that, kasi alam ko naman po na hindi totoo," sabi ni Jake.

Tuloy, biglang may mga pumansin sa hygiene ni Jake at ilan sa malapit dito ang nagsabing mabango naman daw ang young actor.

Natatawa na lang si Jake nang tanungin kung kumusta nga ba ang hygiene niya. "Very hygienic ako. Malinis po tayo palagi," aniya.

Pero may problema ba talaga sa kanilang dalawa ni Cristine para maglabasan yung mga isyung yun?

"Me and Cristine, wala po," sabi niya. "I'm happy to work with her in the past at sana po, magkatrabaho pa rin kami in the future. Talaga namang I have fun taping Bud Brothers. And until now, I'm proud of it kasi first show 'yan ni Direk Lauren Dyogi sa unit niya na drama. So, talagang proud po ako sa show na 'yan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So, matutuwa ba siya kung mananatili ngang Kapamilya si Cristine o ang bumalik na lang itong muli as Kapuso network?

"Siyempre po, desisyon niya na po 'yan. Ayoko na pong magsalita about that," sagot niya.

Nag-attempt ba siyang ligawan si Cristine at tooo ba ang balita na kinukulit daw niya ang dalaga sa pamamagitan ng text?

"Tulad nga po ng sinabi ko, I don't even have her number at saka ex po siya ng best friend ko na si Dennis Trillo. At hindi po ako tumatalo ng kaibigan," ani Jake.

Dagdag niya, "At kaibigan po ang turing ko kay Cristine. Kapag kaibigan ko ang isang tao, nasa kanya ang trust ko, nasa kanya ang pagtatanggol at suporta ko."

Tatanungin ba niya si Cristine kapag nakita niya ito kung totoong ito ang nagkakalat ng tsismis against him?

"Puwede ko po sigurong tanungin. But I think no need to do that because I believe she won't do that. Trinato ko naman po siya bilang kaibigan at alam ko pong trinato rin niya kong kaibigan."

Kung pamimiliin siya between Shaina and Cristine sa susunod niyang series, sino ang mas gugustuhin niyang makapareha?

"Ay, wala naman po sa pagkatao ko ang mamili ng makakatrabaho," maingat na sagot ni Jake. "Kaya ang sa akin, basta bigyan lang ako ng network ng isa pang soap opera, magiging masaya na ko dun. I'm comfortable to work with anyone. I'm professional when it comes to work. So, basta blessed lang ako, basta bigyan ako ng trabaho, and I'm happy with that. Tulad nga po sa mga blessing nangyayari sa akin, nagkakapatong-patong."

BEA ALONZO. Tinanong din si Jake tungkol sa usap-usapan na may video rin diumano ang na-link noon sa kanya na si Bea Alonzo with Hayden Kho.

"Hindi po ako naniniwala dahil, unang-una, wala naman po sa pagkatao ni Bea yun. Hindi ako naniwala. At noong narinig ko, sinabi ko po talaga na imposible. Kahit makipagpustahan pa ako ng kahit magkano, alam ko na wala yun," sabi ni Jake.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

What if meron, papanoorin ba niya ito?

"Basta, wala yun! Sigurado akong wala yun," mariing sabi ng young actor.

May napanood na ba siya sa kumakalat na sex videos ni Hayden Kho?

"May iba akong nasisilip dahil kumakalat," pag-amin niya. "Pero hindi ko matapos dahil siyempre, yung iba dun, mga kakilala ko. Tulad ni Katrina Halili, nakatrabaho ko sa GMA-7 before, matagal ko nang kaibigan. Si Maricar Reyes, nakatrabaho ko rin po sa ABS. So, I really don't wanna comment about anything because they are my friends. Even Hayden, I met him a few times, so I don't wanna comment about anything."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN