Shaina Magdayao and John Prats are still strong despite limited time for each other

IMAGE 0


"Yun nga, hindi kami nagkikita at kahit pamilya ko nga po, hindi ko nakikita ngayon, siya pa po kaya? Pero the communication will always be there. It has to be there para maging strong yung relationship," says Shaina Mahdayao about boyfriend John Prats.


First movie together nina Shaina Magdayao at Jake Cuenca ang Villa Estrella although nagkasama na sila sa isang show ng ABS-CBN, kaya kahit paano ay kumportable na raw si Shaina na katrabaho ang kapareha sa bagong horror film ng Star Cinema na ipalalabas na sa July 1.

Natawa si Shaina nang tanungin siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung totoong sa susunod niyang soap opera ay si Jake pa rin ang ka-partner niya.

"Abangan na lang po natin yun," sabi niya.

JAKE'S HYGIENE. Speaking of Jake, nagkakaroon ng isyu dahil sinabi diumano ni Cristine Reyes na may "halitosis" o "bad breath" daw ang young actor. Ano ang masasabi ni Shaina rito?

"Unang-una, parang sa kanilang dalawa na lang po yun. Pero kung sa experience ko po with Jake, wala po. Kasi kung meron naman, sasabihan mo naman yung tao. Hindi ko ipagsasabi sa ibang tao. I mean, sa kanya mismo. Ididiretso ko mismo sa kanya. And with my experience, wala naman.

"At sa almost every day naming magkasama, wala naman. Nagtu-toothbrush naman yung tao. Ako rin naman, nagtu-toothbrush at mouthwash. Kailangan naman talaga. Parang hygiene naman yun. Kawawa naman ang ka-kissing scene mo, di ba, at biglang mahilo!" natatawang sabi ni Shaina.

TITA SHAINA. Dahil sa sobrang busy raw ni Shaina, matagal na raw niyang hindi nakikita ang pamangkin niya sa elder sister niyang si Vina Morales.

"Mga three weeks ko na siyang hindi nakikita," banggit ni Shaina. "Kasi, hindi na ako halos umuuwi ng bahay. Mga tatlong oras lang ako, natutulog, tapos diretso na agad sa trabaho. Although, it's a good thing na very blessed ako ngayon.

"Pero yun, nakikita ko na nga lang sa picture. Katulad noong mag-one month yung pamangkin ko, nag-send ang ate ko ng mga iba't ibang pose ni Ceana at saka iba-ibang damit, piniktoryal niya. Nagulat ako, kasi mga 11 pictures yata yun. Kaya makikita mo kung gaano niya kamahal ang bata."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ilan na ba ang pamangkin niya?

"Pito na po...magastos!" natatawa niyang sabi.

Bakit magastos?

"Kasi po, kapag may nakikita akong gamit, binibili ko. So yun, parang ano ko sila, e... Parang pampawala ng stress kaya palagi ko silang kasama. Sobrang spoiled ang mga pamangkin ko, sobra talaga! At saka sanay na sanay na sila sa ABS dahil palagi ko silang kasama. Alam n'yo naman yun, nakikita n'yo naman sila. Para hindi ako masyadong ma-stress. Kahit masyadong stressful ang mga nasa paligid mo, nakakatuwa kasi kapag may bata talaga sa bahay."

Pero kung sariling anak na raw niya ang aalagaan niya, yun daw ang matagal pa.

"Parang makuntento muna ko sa pito kong gastusin!" natatawa niyang sabi.

JOHN PRATS. Ayaw namang sabihin ni Shaina kung gaano na katagal exactly ang relasyon nila ni John Prats. Aniya, sa kanila na lang 'yon but they are still okay.

Paano nga ba nila napapanatiling matatag ang relasyon nila?

"Yun nga, hindi kami nagkikita at kahit pamilya ko nga po, hindi ko nakikita ngayon, siya pa po kaya? Pero the communication will always be there. It has to be there para maging strong yung relationship."

So, mas okey ba yung hindi sila madalas magkita?

"Wala naman sa ganoon... Sa pag-handle n'yo lang yun [ng relastionship]. Parang dapat, tanggapin namin, e. May trabaho kami pareho and we have to work, like ako, for my family and for the businesses."

Nag-aaway ba sila?

"Ayaw na po kasi niya ng away, e!" natatawa niyang sabi. "Wala... Kailan ba ang last? Parang waste of time kasi kung mag-aaway pa kayo. Sa init ng ulo n'yo sa trabaho, wala na kayong tulog, mag-aaway pa ba kayo?"

Naiintindihan ba ni John ang pagiging sobrang busy ngayon ni Shaina?

"Siya rin, e. Paalis ako ng bahay, sasabihin naman niya, pauwi pa lang daw siya. But it's good, at least, di ba?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Open na sa pamilya ni John ang relasyon nila ni Shaina. Welcome at love siya ng mga ito. What about on her side, kumusta naman ang pagtanggap ng pamilya niya kay John?

"So far, okey naman po siya sa pamilya ko. Huwag lang siyang magkamali at baka maipasok ko siya sa Villa Estrella!" biro niya.

May mga bago ba siyang na-discover kay John?

"Ang alam ko, palagi naman siyang very good in treating women. Yun naman ang ever since alam ko about him. Huwag lang siyang magkamali mangaliwa!" tawa niya ulit.

Sino ang mas nagseselos sa kanila?

"Ako kasi, selosa ako pagdating sa pamilya ko. Grabe akong makaprotekta sa pamilya ko dahil sobra kong nahe-hurt. With John, wala pa naman akong nae-encounter na... Ay, wait lang ha! Kasi nga, I mean, parang this is part of our work. Nakikita naman niyang marami naman akong kasamang magtrabaho. Marami rin naman siyang iba-ibang klase ng taong nakakatrabaho, di ba?"

ABS-CBN PRINCESS. During the Q&A, naging very proud si Jake sa pagsasabing masaya ito to have worked with ABS-CBN's "two princesses." Nararamdaman nga ba ni Shaina na isa siya sa itinuturing na prinsesa ng Kapamilya network?

"Ayoko pong ipasok sa utak ko at ramdamin yun nang bonggang-bongga," sabi ni Shaina. "Parang pangit naman. I think, dapat yung mga tao around me ang magsabi nun. Well, kung yun nga po ang sinasabi nila, nagpapasalamat po ako. At least, yun ang tingin nila."

Pero napi-feel rin ba niya na marami talaga silang magkakakumpitensiya sa ABS-CBN?

"Opo," sagot ni Shaina. "But other than that, palagi ko nga pong sinasabi na hindi po ako nakikipagkumpitensiya with other actors. I compete with myself at, yun, every time may project, nahihigitan ko pa po yung last project ko.

"At sa panahon ngayon, hindi lahat ng tao may trabaho. I think, I just have to be thankful na meron po akong trabaho ngayon at hindi ako pinapabayaan ng ABS-CBN."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa part nila ni Maja, wala bang sapawan na nangyari sa kanila habang ginagawa nila ang Villa Estrella?

"Wala! Baklaan meron!" tawa niya. "Kasi, yung mga makeup artist namin, magkakaibigan din. Tapos, puro mga bading. Super love ko kasi yung ganoon na parang palaging masaya sa set, walang problema. So, yun, nakakatuwa."

Pero seryoso si Shaina bilang artista, at hindi raw dapat maging kampante sa kanyang career.

"Dapat yata hindi maging satisfied ever. Yun nga po yung talagang ipinapasok ko sa utak ko na kailangan, magtrabaho ako nang magtrabaho. At sana nga po, may halong dasal na may mapuntahan itong ginagawa ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN