PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Nene Tamayo: from selling suman to growing her gourmet business

"Nilalako ko siya sa bahay-bahay. Nilalagay ko yung bilao sa ulo."
by Bernie V. Franco
Published A day ago
Nene Tamayo busines
From failed businesses to gourmet success: Nene Tamayo shares her journey
PHOTO/S: Nene Prime Foods on Facebook

Kilala si Nene Tamayo bilang kauna-unahang Big Winner ng Pinoy Big Brother Season 1 noong 2005.

Binansagan siyang Kumander Nene sa Bahay ni Kuya dahil nangibabaw ang kanyang pagiging lider, na bahagi ng kanyang training noong nagsilbi siya bilang corps commander ng University of the East ROTC Unit.

Hindi tulad ng ibang former housemates na pinasok ang showbiz matapos ang PBB stint, mas pinili ni Nene ang mag-venture sa mga negosyo.

Siya ang founder ng Nene Prime Foods, na nagbebenta ng Filipino gourmet food in bottles tulad ng Spanish-style bangus, tuyo, tinapa, pickled chili, chili garlic, at iba pa.

Madalas siyang maimbitahang guest sa mga shows at mga business conferences para ibahagi ang kanyang success story.

Napakalayo na ng narating ni Nene na dati ay nagtitinda ng suman para makabili ng papel at nagbebenta ng mga manok para makabili ng damit.

Read: Pinoy designer Rhuigi Villaseñor makes it big in the U.S.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NENE’S CHILDHOOD

Si Nene ay taga-Romblon at proud probinsyana.

Simula pagkabata ay business-minded na siya.

Simple lang ang rason niya kung bakit nagbenta siya ng suman sa school: gusto niyang kumita.

“Most of the time, wala kaming cash, wala kaming pera. So, lahat ng kinakain namin, galing sa tanim namin o sa alaga naming [hayop],” kuwento niya sa ABS-CBN online show na Hello Outside World! nitong August 26, 2026.

“Yung pagbebenta ng suman, nanggaling iyon sa gusto kong magkaroon ng magandang papel.”

Ang baon daw niya noong bata siya ay five centavos na ipinambibili niya ng papel para sa school.

“Yung five centavos na papel, pangit. Gusto ko magandang papel,” pagbabalik-tanaw ni Nene.

Para magkapera at makabili ng magandang papel, nagpapaluto siya ng suman sa kanyang tiyahin at inilalako niya ito sa school.

“Actually, hindi lang sa school. Nilalako ko siya sa bahay-bahay. Nilalagay ko yung bilao sa ulo, tapos andodoon yung suman.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Siya ay pito o walong taong gulang lamang noon.

Nagbenta naman siya ng buhay na manok para may pambili siya ng damit dahil honor student siya.

“Sa probinsiya, tipikal na iyon na may alaga kaming manok, tapos may sariling alaga yung tatay ko, may sariling alaga yung nanay ko. Pero alagaan ko rin yung iba [pang hayop].”

Dahil aakyat ng entablado at masasabitan ng medalya o ribbon, dapat ay bago ang damit.

“So, bago ako makabili ng bagong damit, bebenta ko muna yung manok native, iyong buhay. May bumibili, so nakakabili na ako ng damit na pang-akyat ng stage na pangsabit ng ribbon o medal.”

Bukod sa manok, nag-alaga rin siya ng biik, na napalaki niya, ginawang inahin, at naparami.

Hindi rin daw niya pinalampas ang mga pagkakataong makasama sa pagkokopra ng kanyang lolo.

“Pag nagkokopra kami, nagkakaroon ng cash para may bagong tsinelas. Kasi noon, hindi kami bibilhan ng tsinelas hangga’t hindi pa butas [ang tsinelas].

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Kaya sobrang tuwang-tuwa ako noon pag nagkokopra yung lolo ko, sasama talaga ako kasi alam ko pag tumulong ako, may pera ako.

“Pati paggawa ng pawid ginagawa ko iyan, pati paghahakot ng graba.”

Read: How Alex Eala handles her growing earnings

JOINED PBB FOR THE PHP1M CASH PRIZE

Taong 2005, napanood ni Nene ang announcement sa TV para sa isang audition.

Hindi in-announce at that time na para sa ABS-CBN reality show ito na PBB.

Ang kanyang motivation: mapanalunan ang PHP1 million cash prize para makapagsimula ng negosyo.

Hindi raw siya interesado noon sa iba pang premyo tulad ng brand-new car at house and lot.

In the end, si Nene ang itinanghal na Big Winner, at ang nakuha niya ay PHP800,000 dahil may tax ang cash prize.

Una siyang nagtayo ng mini-convenience store sa Timog area sa Quezon City.

Kasama rin sa premyo niya sa PBB ang ink-refilling station.

Mayroon din siyang comedy bar-resto sa Rizal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tinatayang apat ang negosyo niya noon at sabay-sabay niyang pinatakbo.

Pero isa-isang nagsara ang mga ito.

“I started to take it slow because managing a business, it really takes time,” pag-amin niya.

Nag-asawa na rin siya at nagkaanak kaya hati na ang kanyang oras.

Bilang negosyante, nakaranas talaga siya ng losses.

NENE STARTS HER GOURMET BUSINESS

Taong 2010, nag-isip ng panibagong negosyo si Nene.

Nagmungkahi ang kanyang mister na magtayo ng food business.

Dahil mahilig siya sa Dagupan bangus at marunong gumawa ng Spanish-style bangus, ito ang pinagtuunan niya ng pansin.

Nasabi rin daw ni Nene sa sarili na kahit walang bumili ay hindi ito masasayang dahil kakainin niya ito.

Noong December 2010, nag-order kay Nene ang officemate ng kanyang mister ng Spanish-style bangus para gawing Christmas giveaway.

Iminungkahi rin ng kliyente na ilagay sa pakete ng container ang contact number ni Nene para ma-contact siya kung sakaling may gustong um-order.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I was hesitant at first. Maybe his friends will not like it. [But] I told myself this is an opportunity for me. So, I accepted it, I started cooking and packaging it with bayong.”

Bukod doon, nagpa-free taste din si Nene sa kanyang mga kapitbahay at kakilala.

Nakatanggap siya ng mga orders.

Noong 2011, sumali si Nene sa mga bazaars. Napansin niyang sold out agad ang mga produkto. Nabuhayan siya ng loob.

Dumalo siya sa mga libreng seminars ng Department of Trade and Industry (DTI) para sa mga nagsisimulang small-and-medium entrepreneurs (SMEs).

Maaaring bumisita sa website o kaya sa local government offices ng DTI para sa mga detalyeng dapat malaman tungkol sa free seminars.

Noong 2014, sinimulan ni Nene ang kanyang Nene Prime Foods.

At kahit growing ang kanyang business, naghangad pa rin siya ng growth.

Giit ni Nene: “Learning is a continuous process.”

Nag-aral siya ng bread and pastry, pati na rin international culinary arts sa culinary school.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa pagnenegosyo, binanggit niyang importante ang financial literacy.

“I earned it the hard way,” sabi niya.

Mahalaga rin daw ang mag-aral at pag-aralan ang negosyo, gaya ng location at market.

Pero ang mahalagang payo niya: “Know what you want. When you’re gonna start a business, you should really think about it first, if it’s really what you like to do."

Dagdag niya: "Save money and to study.”

Malaking advantage na kilala siya ng publiko. Dahil dito, ginamit niya ang social media para i-promote ang kanyang mga produkto.

Makalipas ang dalawang dekada mula nang manalo sa PBB, buhay na buhay pa rin ang negosyo ni Nene.

Hindi man siya sumikat sa showbiz, wala siyang pagsisisi.

“Showbiz is not forever. So, you have to also set aside for your business or for whatever it is that you like doing,” sabi niya.

Additional source:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
From failed businesses to gourmet success: Nene Tamayo shares her journey
PHOTO/S: Nene Prime Foods on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results