Paloma thanks Dr. Vicki Belo for her FHM-worthy figure

IMAGE 0


The UP Advertising grad's friends called her "Dolby," as in, "ang lakas ng dating!" Director Gil Portes was happy to harness her vaunted aggressiveness for his indie film Pitik Bulag, especially in the love scenes which, though she was as new at it as her co-star Marco Alcaraz, she said she orchestrated.


In terms of people's awareness of Paloma, masasabing sa FHM men's magazine unang nag-start na maging cover girl ang sexy star. Hanggang sa maging isa nga siya sa cast ng GMA-7's primetime series na Zorro.

Pero prior to that, naging lead actress sa isang indie film ang baguhang star sa pelikulang Pitik Bulag kunsaan unang nagpamalas ng pagiging agresibo ang UP Advertising graduate.

Paloma is Paloma Esmeria in real life. Both her parents are professionals. Her mom is a UP professor while her dad works in government. Ayon sa kanya, wala naman daw naging problema with both her parents ang pinili niyang propesyon kaysa sa mismong kursong tinapos niya.

"Well, kahit naman sa FHM, tanggap naman nila. In fact, nagustuhan nila at nagandahan sila sa nakita nila sa FHM. Itong movie na ito na directed by Gil Portes, talagang malaki ang tiwala ko kaya yung parents ko rin, sobrang suporta sila."

Wala naman daw siyang dapat panghinayangan sa tinapos niya dahil in some ways ay nagagamit din daw niya ito, especially since she actually started naman daw sa modeling.

"Hindi po ako nanghihinayang kasi ang alam ko, tapos na naman po ako ro'n. At kahit bali-baligtarin ko pa po, graduate na naman po ako. Nagagamit ko pa rin naman po siya kahit nasa acting ako. Nandoon pa rin ang creativity ko, hindi mo pa rin matatanggal. Sa acting, may bago naman akong natutuhan."

Nakatulong daw siguro nang malaki na ever since, she has learned to be independent kaya naging madali rin for her parents na payagan siya sa gusto niyang mangyari.

"Noong una, siyempre, parang hindi pa nila tanggap, pero yun nga, dahil independent ako, hindi na ako nakatira sa parents ko, so, I'm on my own. Bale, yung mga desisyon ko, sabi nga ng mommy ko, as long as it won't affect me as a person, they will support me. And as long as hindi naman ako nakakaapak ng ibang tao, hindi naman masama ang ipinapakita ko. Trabaho naman 'to at kahit naman sa States, meron din namang mga nagseseksi ro'n at mas grabe pang maghubad sa akin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THEY CALL HER "DOLBY." Supportive rin daw sa kanya ang kanyang non-showbiz friends.

"Tuwang-tuwa nga sila sa akin. Sa Fine Arts, sila pa nga ang nagsasabi na sila yung nag-a-upload ng mga trailers. Sila yung naglalagay. Kaya sabi ko, salamat! Sila naman yung, kapag dumating yung point na nandoon ka na, huwag mo kaming kakalimutan. Kasi, taga-UP sila, so nae-excite sila."

Saan nanggaling ang aggressiveness niya? "Dati pa siguro akong aggressive. Kasi, kahit mga kaibigan ko, ang tawag sa akin, 'Dolby'! Tipong, kapag sinabi mong 'Dolby', ang lakas ng dating! Yung ganoon," nakangiti niyang sabi.

Dugtong pa niya, "I speak my mind. Kung ano ang gusto ko, sinasabi ko talaga. Walang kiyeme. Kapag sinabi sa akin ng director kung ano ang dapat kong gawin, sige, pag-aaralan ko, ilalabas ko kung ano ang best ko."

Sa pelikulang Pitik Bulag, mag-asawa ang role nila ni Marco Alcaraz. Ayon kay Paloma, nag-audition daw siya to get the role.

"Pumunta po ako sa office nila, tinanong po ako ni Direk Gil. 'Are you willing to be daring? How daring can you be'? So, yun, sinabi ko sa kanila na I can be daring."

THE NEW SEX GODDESS. She's being called the new sex goddess based on the press release of the movie. Sa naturang title, si Ara Mina ang nakilala rito. Siya na ba ang kapalit?

"Siguro yun ang gusto nilang gawin ko, pero, hindi ko naman ini-impose na ako yung tawagin nilang ganoon. Kung ano ang ginawa ni Ara Mina, magaling siya ro'n. Ang sa akin naman, iba naman. Hindi ko naman sinasabing hihigitan ko siya, pero, gagawin ko ang best ko."

Sa movie, top lang daw ang ipinakita niya, but more than being sexy and daring, she can attest na maganda raw ang kuwento ng movie.

Pero bakit maging si Marco, sinasabing mas kinabahan pa ito kaysa sa kanya? Natawa si Paloma when asked kung bakit nga ba siya gano'n kapalaban?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko rin alam, eh. Yung nangyari kasi, parang siguro, first time rin niya, so, ako kasi, palaban talaga ako. Lalo na sa work, ako mismo, tsina-challenge ko yung sarili ko. So, sa mga love scenes namin ni Marco, ako na yung nag-o-orchestrate."

Walang takot din na inamin ni Paloma na may ipinagawa na siya sa body parts niya at ito nga raw ay ang kanyang boobs.

Katwiran niya, "Siyempre, sexy star ka, kailangan meron kang hinaharap. Nagte-thank you nga ako kay Dra. Vicki Belo," buong ningning ngang pahayag niya, na ang body figure raw niya ay 34"-24"-34".


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN