Michelle Van Eimeren to wed her Australian fianc in November

IMAGE 0


Michelle Van Eimeren, former Miss Australia and ex-wife of Ogie Alcasid, wrote in her Facebook account that she has already bought a wedding gown. PEP discovered that she is scheduled to wed her Australian fiancé, Mark Murrow (in photo, with Michelle), this November.


Ipinarating sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang isinulat ni Michelle van Eimeren sa kanyang Facebook account, na nakabili na siya ng wedding gown. Kaya nagtanung-tanong kami tungkol dito. Nalaman namin na kaya bumili ng wedding gown ang ex-wife ni Ogie Alcasid dahil nakatakda na silang pakasal ng fiancé niyang si Mark Murrow sa darating na November.

Walang month at petsang binanggit si Michelle sa kanyang Facebook account kung kailan ang kasal nila ni Mark Murrow. Ang November ay sinabi lang ng isang source ng PEP, kaya ang aabangan namin ang exact date ng kanilang kasal na tiyak ay isusulat din ni Michelle sa kanyang Facebook account.

Nakita na ng mga Pinoy si Mark, ang mapapangasawa ni Michelle at magiging stepdad ng mga anak nila ni Ogie na sina Leila at Sarah. Isinama siya ng dating Australian beauty queen, na lumahok sa Miss Universe noong 1994, nang umuwi ito ng Pilipinas kasama ang mga anak last September 2008 para panoorin ang 20/20 concert ni Ogie sa Araneta Coliseum, kung saan isa sa guests ang girlfriend niyang si Regine Velasquez.

Napanood namin ang nasabing concert at narinig nang mag-thank you si Ogie kay Mark for "taking care of my children" dahil siya at si Michelle ang mas madalas nakakasama nina Leila at Sarah.

Sa interview naman kay Michelle sa local TV, ipinakilala niya si Mark as "my love." Mabait daw ito at minahal siya at ang mga anak nila ni Ogie.

Siguradong dadalo sina Ogie at Regine sa kasal nina Michelle at Mark dahil magkakaibigan silang apat. Pagkatapos nga ng anniversary concert ni Ogie, sama-sama silang namasyal sa Hong Kong. Dinala ni Ogie ang mga anak sa Disneyland na matagal nang request sa kanya ng mga bata.

Ngayong ikakasal na sina Michelle at Mark, kailan naman kaya haharap sa dambana sina Ogie at Regine? Hopefully, mapadali na ang annulment ng church wedding dito sa Pilipinas nina Ogie at Michelle ngayong malapit nang magpakasal uli si Michelle. Ito ay para matupad na rin ang matagal nang gusto nina Ogie at Regine na magpakasal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tuwing tatanungin na lang si Ogie o si Regine tungkol sa kasal, laging "sorry, hindi kami puwedeng magsalita" or "saka na kami magkukuwento" ang sagot nila dahil nga dinidinig pa ang annulment nina Ogie at Michelle.

Pati nga si Michelle ay nagtataka kung bakit natatagalang mapawalang-bisa ang kasal nila ni Ogie gayong matagal na silang hiwalay. Noong 1998 pa sila ikinasal, naghiwalay nang maayos, naging magkaibigan, hanggang makakita ng kani-kanilang bagong pag-ibig.

Matutuwa ang fans nina Ogie at Regine kung ang mga plano nilang magsama, na magsisimula sa pagpapakasal, ay maisakatuparan na sa malapit na hinaharap.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN