StarStruck alumnus Tyron Perez marries non-showbiz girlfriend

IMAGE 0


StarStruck 1 Avenger Tyron Perez admits to PEP that he is already a married man. He tied the knot with his non-showbiz girlfriend Liv Espino last May 27 in a simple civil wedding.


Hindi nawala sa burol ni Douglas Quijano ang isa sa pinakahuling inalagaan niya na si Tyron Perez. Dito nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang isa sa original StarStruck Avengers.

Kinumpirma ni Tyrone sa PEP na ikinasal na siya sa kanyang non-showbiz na girlfriend, si Liv Espino, isang flight attendant, noong May 27. Naganap ang kanilang simpleng civil wedding sa isang restaurant sa Las PiƱas City.

Nakaplano naman daw next year ang church wedding nina Tyron at Liv. Puro mga kamag-anak at malalapit na kaibigan ang naging saksi sa simpleng civil wedding nila.

Ayon kay Tyron, wala raw siyang pinagsisisihan sa kanyang ginawang pagpapakasal dahil mahal na mahal niya ang kanyang girlfriend. Hindi pa naman daw niya tinatalikuran ang showbiz, pero wala raw talagang offer dahil matagal na raw siyang walang kontrata sa GMA Artist Center.

Gaya ng nabanggit, produkto ng artista-search reality show na StarStruck si Tyron. Kabilang siya sa original batch na kinabibilangan din nina Mark Herras, Jennylyn Mercado, Yasmien Kurdi, Rainier Castillo, Nadine Samonte, Dion Ignacio, Katrina Halili, Cristine Reyes, at Sheena Halili.

Nagbida si Tyron sa pelikulang Twilight Dancers, kung saan nagkaroon siya ng butt exposure. Gumawa rin siya ng mga indie films na Metlogs at Room 213. Sa TV naman ay huli siyang napanood sa mga series na Bakekang, Kung Mahawi Man Ang Ulap, Lupin, at Joaquin Bordado.

Huling balita kay Tyron ay pumunta raw siya sa Macau para magtrabaho roon, kasama ng ilang sexy actors dito na walang trabaho. Pero walang kinumpirma si Tyron tungkol sa balitang ito.

Na-link noon si Tyron sa ka-love team niya na si Nadine Samonte. Nagkatambal sila sa mga pelikulang Happily Ever After at Say That You Love Me sa ilalim ng Regal Entertainment. Naging girlfriend naman niya ang young actress na si Charee Pineda at two years ago pa sila naghiwalay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN