MTRCB calls attention of Pokwang for wearing gloves with Philippine-flag design

IMAGE 0


"Nag-apologize naman si Pokwang (main photo) sa MTRCB. I think may iba pa silang gagawin just to prove to the public at sa buong bayan na siya ay talagang sorry sa ginawa niya. Dahil ang Philippine flag, dapat respectful tayo sa treatment natin dun dahil 'yan ang simbolo ng Pilipinas," says Chairman Consoliza Laguardia (inset).


Last June 15, Monday, personal na nagtungo sa opisina ng Movie Television Review and Classification Board (MTRCB) ang comedienne na si Pokwang, ang program manager ng Wowowee na si Alou Almaden, at ang costume designer ng komedyana. Ito ay kaugnay sa complaint ng MTRCB sa pagsusuot ni Pokwang ng gloves na may disenyong Philippine flag sa noontime show ng ABS-CBN last Independence Day, June 12.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay MTRCB Chairman Consoliza Laguardia, ipinaliwanag niya kung bakit ipinatawag niya sina Pokwang.

"Nag-monitor yung agent namin at may mga complaints kaming natanggap na yung gloves niya [Pokwang], may nakalagay na Philippine flag. E, against the flag law yun. Kaya ko naman siya ipinatawag, pati yung program producer ng Wowowee 'saka designer niya, para at least malaman ko kung bakit nila ginawa yun. Mukhang hindi yata nila alam na may violation. In-explain naman ito together with our lawyer.

"Nag-apologize naman si Pokwang sa MTRCB. I think may iba pa silang gagawin just to prove to the public at sa buong bayan na siya ay talagang sorry sa ginawa niya. Dahil ang Philippine flag, dapat respectful tayo sa treatment natin dun dahil 'yan ang simbolo ng Pilipinas," lahad ni Chariman Laguardia.

Bukod sa ginawang pagbisita nina Pokwang sa MTRCB, may letter din na ipapadala ang ABS-CBN tungkol sa nasabing insidente.

"Ang ABS ay susulat sa MTRCB apologizing for what happened. Ewan ko kung ano pa ang iba nilang isusulat dun, baka may ia-undertake pa sila para at least ipakita na remorseful sila."

Ang nasabing gloves ay nabili lang daw ni Pokwang sa Divisoria.

"Tulad ng sinabi ni Willie [Revillame, main host ng Wowowee], nabili niya lang daw yun sa Divisoria. Dapat din siguro yung mga PNP din, i-explain din sa mga nagtitinda na huwag magtinda ng mga ganung produkto," sabi ng chairman ng MTRCB.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Chairman Laguardia, malaking tulong ang pagtanggap nina Pokwang ng kanilang pagkakamali para huwag nang lumaki pa ang reklamong ito sa kanila.

"Yung humility factor, nakaka-count din yun," sabi niya. "Kung in-admit mo na mali ka, hindi naman sa pagbibigay, but intindihin mo rin. Nagkamali siya, tinaggap niya yung pagkakamali niya, bakit kailangan pang pahabain yung proseso?

"Nag-sorry nga siya. Natatawa nga ako kasi nakakatawa nga siya. Ang sabi ng mga kasama niya, ganyan talaga siya na akala mo nagbibiro, pero seryoso na siya. Magaan yung pag-uusap namin. Yung humility niya, ipinakita naman niya.

"Usually sa ganyan, warning o reprimand muna; pangalawa, suspension. Kaya lang kasi, yung sa Wowowee, ang nagkamali lang ay siya [Pokwang]. So, depende sa producer kung ano ang gagawin nila for Pokwang.

"Ngayon, pumunta naman sila dito. Mukhang very humble at in-admit ang kanilang pagkakamali at hanggang dito nga nagso-sorry sila. So I guess maging leksiyon din ito sa kanila at hindi na nila uulitin pa."

Hindi man pinangalanan, pero kinumpirma ni Chairman Laguardia na may isa pang show na may ganito ring kaso. Nagbigay rin ng mensahe ang MTRCB chairman sa ibang hosts na nakakalimot sa ipinapatupad nilang batas pagdating sa watawat ng Pilipinas.

"Mayroon pang show na may ganyan ding case, ongoing yung kaso. Sa mga hosts, dapat treat outmost respect yung flag natin because yung flag natin, that represents our country, our culture, our heritage. Sana huwag ninyong ipagwalang-bahala ang Philippine flag natin. Not just because it's June 12, pero sa lahat ng araw ng taon. Kailangang bigyang halaga yun," pagtatapos ni Chairman Laguardia.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN