PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

'Hi, goodbye, sahod.' Money leaks you might not be aware of

"Magic din ba ang sahod mo?" Here are tips to address financial leaks.
by Bernie V. Franco
Published 1 Hour ago
Philippine money
“Ang sahod parang magic, ubos na after five minutes." Pero baka naman may ibang dahilan kaya ubos agad ng sahod? Isang posibleng dahilan ay ang money leaks. Alamin ang spending habits na puwedeng maging sanhi ng pagkaubos ng sahod mo.
PHOTO/S: Canva

Benta sa social media ang memes tungkol sa sahod tuwing papalapit na ang kinsenas at katapusan.

Kadalasan, ang memes ay tungkol sa petsa de peligro at sa pagkabigla dahil sa bilis nagagastos ang pera.

Ito ang ilan sa memes na nababasa tuwing araw ng sahod:

“Parang dumaan lang sa palad ko;”

“Ang sahod parang magic, ubos na after five minutes;”

“Di pa dumdampi sa palad mo, nakalaan na sa bayarin.”

Puwedeng isisi ito sa pagtaas ng bilihin.

Pero baka rin naman may ibang dahilan kaya ubos agad ang sahod?

Ang tawag daw dito ay financial o money leaks.

Tinalakay ito ng celebrity at financial coach na si Chinkee Tan sa kanyang YouTube video nitong October 6, 2026.

Read: Free online AI and cloud courses offered by TESDA

SILENT MONEY LEAKS

Sa simpleng paliwanag, ang money leaks ay maliliit, paulit-ulit, at unmonitored expenses na hindi mo namamalayang unti-unting umuubos sa iyong budget, ayon sa isang website.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ito rin ang tinumbok ni Chinkee: mga maliliit na expenses na hindi pansin pero kung isusuma sa katagalan ay malaking halaga na pala.

“May sweldo ka pero after two weeks parang wala na. ‘Tapos titignan mo yung sarili mo wala naman akong biniling cellphone, wala naman akong biniling bagong sapatos or luxury bag…

“Saan napunta ang pera ko?” paliwanag ni Chinkee.

Ang ganitong situwasyon ay relatable sa marami sa atin.

“Baka ang problema mo hindi malaking gastos [kundi] yung mga silent money leaks,” dagdag niya.

Pero anu-ano nga ba ang money leaks na ito na puwedeng sanhi ng agad na pagkaubos ng budget?

Subscriptions

Sa Pilipinas, napakaraming services ngayon kunsaan nagsa-subscribe ang tao. Ilan sa mga ito ay streaming video at music platforms, online apps, cloud storage, e-commerce at delivery, at iba pa.

Mayroon ding memberships na may monthly fee, pero hindi naman nama-maximize o nagagamit tulad ng gym.

May iba raw kasi na nahuhulog sa “traps” na free trial ng ilang araw at “nabubudol” na mag-subscribe sa isang app, na naniningil ng monthly fee.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Payo ni Chinkee, kailangan lang i-assess kung tunay bang nagagamit at nasusulit ang subscriptions o memberships na ito.

Are you really getting your money's worth?

Imagine ang perang matitipid buwan-buwan kung mababawasan ang ibang subscriptions na hindi naman kailangan.

Convenience spending

Isa pang cause ng money leaks ay ang convenience spending o pagbayad ng extra fee para maka-save ng time at effort.

Usong-uso these days ang delivery for convenience. Lalo na sa mga busy ang schedule at feeling kulang ang oras.

Ang siste, ayaw na nilang ma-hassle pa sa paglabas dahil abala sa trabaho, mainit sa labas, o kaya ay pagod na kaya mas convenient ang magpa-deliver.

Wala namang masama rito, ani Chinkee.

“Pero ang problema kapag convenience becomes automatic.

“Importante na tanungin ang sarili kung kailangan ba ito o default lang.”

Isang halimbawa pang ibinigay ni Chinkee ay ang pagbili ng kape sa labas.

Kung bumibili ng kapeng PHP150 limang beses sa isang linggo, ibig sabihin ay PHP750 a week ang expenses.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Aabot ito ng PHP3,000 a month at PHP36,000 sa loob ng isang taon.

PHP20 coin
May mga pagkakataon na hindi natin alintana ng binabayarang fees dahil iniisip nating "barya" lang naman ito. Pero kapag pinagsama-sama pala ang maliliit na fees na ito ay inaabot ng libo.
Photo/s: Canva

Online Shopping

Flourishing business ngayong ang online shopping. Kaliwa’t kanan ang “Add to cart,” at “check out.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakakahumaling kasi ang sale, free shipping, at vouchers.

Marami ang napapa-check out dahil ang iniisip natin ay good buy ito dahil naka-sale.

Pero sa maraming pagkakataon, ang nangyayari ay napakadaming binibili na hindi naman talaga kailangan.

At sa kakaisip na mura ang mga purchases, kapag in-add lahat ng nagastos ay malaking halaga rin pala ang inaabot.

At kung regular ang pagbili nito kada buwan, inaabot ito ng ilang libo sa loob ng isang taon.

Tanong ni Chinkee: magagamit ba ang mga binili o dala lang ng impulse buying?

Kadalasan ay nahihikayat ang buyers dahil sa iniisip na nakakamura dahil naka-sale.

Pero bago raw mag-“Add to cart” o mag-“check out” makabubuting tanungin muna ang sarili kung dala lang ba ito ng impulse buying.

Kung wala namang mangyayaring masama kung hindi ito bibilhin, bakit kailangan pa itong bilhin?

Transfer Fees

Cause rin ng money leaks ang transfer fees.

May mga pagkakataong hindi na alintana ng iba ang transfer fees dahil iniisip nilang “barya” lang naman ito.

Pero kung frequent ito gawin, ang “barya-baryang” ito ay nagiging malaking halaga rin.

Currently, marami nang bangko at e-wallet services ang nag-waive ng transfer fees, pero may mangilan-ngilan pa rin na nagcha-charge ng fee.

Ang rekomendasyon ni Chinkee, puwedeng mabawasan ang pagbabayad ng transfer fees kung may proper planning.

Self-reward System (“Deserve ko ‘to” mentality)

Relatable ang ganitong mentality para sa marami.

Ito yung iti-treat ang sarili dahil sa naging pagod at hinarap na stress dulot ng trabaho.

“Ang ganitong mentalidad kasi ay hindi lang ukol sa pera kundi may kasamang emosyon,” ani Chinkee.

Pero ano ang susunod na scenario pagkatapos i-treat ang sarili?

Pagdating ng Monday, ay "survival" mode na dahil nagastos na ang pera.

Hirit ni Chinkee, “Deserve mo ‘to.”

Paglilinaw niya, hindi niya minamasama ang pag-reward sa sarili.

Pero paalala ni Chinkee, on a bigger scale, deserve rin ang makaipon para ma-secure ang future, magkaroon ng emergency o retirement fund, at financial peace.

Payo niya, “Planuhin mo lang. Give yourself a guilt-free spending budget.”

Puwede namang mag-enjoy sa pagkain, travel, at iba pang purchases.

“Pero kailangan planuhin mo o plan spending.

“Because discipline doesn’t mean to say na hindi ka mag-e-enjoy. Discipline means to say that how much you can enjoy without hurting your future.”

MORE SAVING TIPS

Kasunod ng mga ibinigay na sanhi ng money leaks, nagbigay pa ng ilang tips si Chinkee upang mabawasan kung hindi man tuluyang maiwasan ang mga ito.

Una, gamitin ang 48-hour rule.

Tumutukoy ito sa simpleng financial habit upang i-delay ang pagbili ng non-essential items para matigil ang emotional o impulse buying.

Pangalawa, kung non-essential ang item, ipagpaliban muna ang pagbili.

Sunod ito ay tanungin muna ang sarili kung ang item ba ay “need” (essential) or “want” (non-essential).

Panlima, ang paggastos ba ay planado o impulse?

At panghuli, kung ito ay kayang bayaran o mangungutang pa.

“Walang masama bumili, pero meron bang pambili,” reminder ni Chinkee.

In short, don't live beyond your means. Wag gumastos kung walang panggastos.

Read: Will Christmas be cool amid a super El Nino?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
“Ang sahod parang magic, ubos na after five minutes." Pero baka naman may ibang dahilan kaya ubos agad ng sahod? Isang posibleng dahilan ay ang money leaks. Alamin ang spending habits na puwedeng maging sanhi ng pagkaubos ng sahod mo.
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results