Patrick Garcia: "I still don't know how to be like a dad."

IMAGE 0


"Regrets? Siguro I can live with any regret. Siguro I won't regret it na lang. But I'll just take it as a part of my life na lang that I have to experience, and that is to know more about myself and about other people, and to give myself a sense of responsibility also. And all you have to do is not to regret about it but to embrace it and handle the challenges and responsibilities," says Patrick Garcia.


Kulang-kulang isang taon ay naging inactive ang young actor na si Patrick Garcia sa showbiz. Pero napag-uusapan pa rin siya dahil sa kinahinatnan ng relationship nila ni Jennylyn Mercado, ang ina ng kanyang anak na hanggang ngayon ay hindi pa niya nakikita nang personal.

Sa kanyang paglitaw muli, Patrick has realized na ang pag-aartista pala ang talagang buhay niya.

"I've been doing it for so long at saka, matagal ko na itong ginagawa. At saka, kailangan ko rin ng trabaho and this is what I know," sabi ni Patrick sa interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Kung Aagawin Mo ang Lahat Sa Akin last Wednesday, June 17.

Nang pansamantala siyang mawala ay nag-aral at nagtrabaho rin daw siya.

"Nag-aral ako abroad. Nag-work ako sa daddy ko. Pero hindi para sa akin ang desk job. Nabu-bore ako, e. Although I tried it, yun nga lang, nakaka-bore lang!" natatawang pag-amin ni Patrick.

Aminado rin ang young actor na ang naging mga isyu sa kanila ni Jennylyn ang dahilan kung bakit kinailangan niyang mag-lie low muna noon.

"That's one reason why I kinda left for a while, to make some issues die down. Kasi sometimes, it's hard that people think of you this way at naniniwala sila sa kung anong sinabi sa 'yo. Just to make it stop lang.

"But for me naman, how I feel within, I'm strong and confident naman. I know myself. I know what's true and what's important for me is what my family believes. My close friends, alam nila kung ano ang totoo."

ABSENTEE FATHER. Father's Day na sa Linggo, June 21. How can he feel how it is to be a dad kung hindi pa niya nakikita nang personal ang anak niya?

"Oo nga, e, hindi ko pa nakikita ang anak ko. So, I still don't know how to be like a dad. Hindi ko pa rin nararamdaman. Siguro, when I see my son. Paano ko mararamdaman yun?" pag-amin niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

But is there an urge for him to see his son, Alex Jazz?

"Oo naman, may urge," sagot ng binatang ama. "But of course, no matter what urge I have, or kung anuman ang effort na gusto kong gawin, pinipigilan ko ang sarili ko dahil ayokong mabalewala or ipagtulakan lang ako. Baka yung effort ko, e, balewalain lang.

"Gusto ko na 100 percent na okey sa kanya [Jennylyn] na makita ko ang anak ko. Para pagpunta ko dun, wala nang diskusyunan, wala nang away. Iwas-intriga, whatever it is, di ba? The important thing is, it's not about me anymore or about her, it's about our son."

May dating na ba sa kanya ang Father's Day?

"First Father's Day ko nga," nangiting sabi niya.

Will he be surprised kung sa Linggo ay bigla siyang tawagan ni Jennylyn at pumayag na makita na niya ang anak nila?

"Well, that would be a great thing, pero alam ko na hindi mangyayari yun. Of course, the effort pa rin... Knowing her, she'd want the effort coming from me and doing the first move dapat. Sa tingin ko naman, dapat sa akin manggaling.

"Now, I've been hearing na okay na raw sa kanya. I don't know if it's true. Pero siguro, I'll start with a text. If ever she will reply, then I'll start from there. Then, slowly, papaalam ko kung puwede ko nang makita."

Kung papayag daw si Jennylyn, he is more willing to share responsibilities with their son, lalo na pagdating sa financial aspect.

NO REGRETS. Tinanong din ng PEP si Patrick kung may regrets ba siyang nararamdaman na naging sila ni Jennylyn at humantong sa hindi pagkakaunawaan ang relasyon nila.

"Regrets? Siguro I can live with any regret," sagot niya. "Siguro I won't regret it na lang. But I'll just take it as a part of my life na lang that I have to experience, and that is to know more about myself and about other people, and to give myself a sense of responsibility also. And all you have to do is not to regret about it but to embrace it and handle the challenges and responsibilities."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakita na raw ni Patrick ang picture ng kanyang anak sa magazine.

"Pogi!" may pagmamalaking sabi niya. "I can't wait to meet him."

Hindi ba siya naiyak o naging emosyunal nang makita niya ito?

"Hindi naman... Sa picture kasi, mahirap din, hindi mo pa rin makita ang mata."

Nakita ba niyang kamukhang-kamukha niya ang anak?

"Oo naman, may similarities. Pero mas okey sana kung in person. I'll wait for that day," asam niya.

Naging proud ba siya nang makita ang litrato ng kanyang anak?

"Oo naman," sagot ni Patrick. "But I could have been more proud of myself when, you know, if I was there when Jen was pregnant. Kahit paano, may contribution sa pregnancy niya. It's hard to say that you'll proud of it, di ba? But no matter, you know, I did my effort when she was pregnant. Pero kung ayaw niyang talaga, ayaw e. I can't force myself."

Aware naman daw si Patrick na ang naging judgment sa kanya ng publiko ay iresponsable siyang lalaki at wala siyang ginawang anumang effort.

"No, I did my effort," pagtutuwid niya. "I even told her [Jennylyn] na, 'Kahit na sa pre-natal mo. Kahit na dun lang ay makasama ako. Para to have an update on the baby on to know how the baby is doing, kahit na doon lang.' Kaso, ayaw niya."

PEP asked Patrick hindi kaya naghihintay lang din si Jennylyn na i-insist niyang talaga ang anumang puwede niyang gawin?

"No, no... I'm very sure of it," sabi ng aktor.

Posible ba na kapag pumunta sa bahay nila Jen na uninvited ay may pagtatabuyan na maganap?

"Hindi naman pagtatabuyan... Kumbaga, I don't know, e. Jen is not naman that bad. But you don't know if you'll catch her in a bad mood, e. Maybe if she's in a bad mood, baka you know... But Jen is not a bad person naman. She has her certain moods lang," sagot ni Patrick.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MOM'S INTERVIEWS. During those times na hindi siya nagpapa-interview, ang mommy niya na si Mrs. Bing Garcia ang madalas na lumalabas sa telebisyon at nagtatanggol kay Patrick. Nagkakaroon tuloy ng impression na baka mama's boy siya dahil to his defense daw palagi ang mommy niya.

Ano ang masasabi niya rito?

"Well, sometimes, I don't want to speak talaga on TV. Kasi kapag ako ang nagsalita, then, siya [Jennylyn] ang magsasalita, parang nagiging battle sa TV na parang ang pangit tingnan talaga. If there's one thing I have to say, for me, I'll say it personally na lang."

Yung mga interviews ng mommy niya, with consent niya ba yun?

"Well, yung iba, hindi!" natatawang pag-amin ni Patrick. "Yung iba, hindi ko alam yun. 'What? Why you're there again? Stop it na, you don't have to do that.'"

Dagdag niya, "Maybe she's just being a mother. Every mother naman will defend her child any time of the day. It could be me, my sister [Cheska Garcia]. I'm sure, Jen will also do that for our son if ever one day, it will happen."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN