Isang arkitekto ang ama ni Hans I. Gaviola, kaya may impluwensiya iyon sa career na gusto niyang tahakin.
Twenty-five years old si Hans, at residente ng Baguio City.
Solong anak siya.
Isang negosyante ang kanyang ina. Ang kanilang pamilya ay nagmamay-ari ng isang laundry shop.
Nagtapos si Hans ng Bachelor of Science in Architecture sa Saint Louis University noong July 2024 bilang cum laude.
Top 10 siya sa June 2026 Licensure Examination for Architect.
Nakakuha si Hans ng rating na 87.70 percent.

HANS GAVIOLA’S EARLY EXPOSURE TO CONSTRUCTION SITES
Nakakuwentuhan si Hans ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) last October 21, 2026, via Facebook Messenger.
Pagbabahagi niya: “I took up architecture because at an early age, I was exposed to construction sites.
“Because my father was an architect, it was common for me to see construction tools and materials lying around the house.
“I also enjoyed origami and folding paper to make toys—and later on it evolved into an interest in architecture.”
Read: Tips: How to review for a licensure exam, according to a lecturer
HANS GAVIOLA DEVELOPED HIS SKILLS THROUGH ONLINE COURSES
Hindi gaanong naging problema kay Hans ang aspetong pinansiyal, pero hindi rin siya nakaligtas sa mga struggles na karaniwang nararanasan ng mga estudyante.
“Palagi akong nagpupuyat at sumasakit palagi ang likod ko, kagaya ng karamihan ng architecture students.
“Para sa akin, napu-frustrate ako na nagtuluy-tuloy ito hanggang fifth year dahil hindi nahahasa ang skills ko sa digital drafting and modelling.
"At higit pa roon ay mas matagal pa bago makatapos ng plate.”
Dumating sa puntong hiniling niya noon na sana ay mas pinagamit na lang sila ng computer apps kaysa manu-manong pagdo-drawing.
May iba pa siyang kahilingan.
“Kung tutuusin, sana hanggang second year lang ito at naging optional na lang ang pagma-manual drafting.
"Ang nangyayari tuloy ay nagkakaroon ng disconnect sa pagitan ng academe at propesyon dahil hindi dine-develop nang maayos ang drafting skills ng mga students.
“Maliban pa roon ay hindi pa ako gaano kamaalam sa construction.”
Para maresolba ang kanyang predikamento, nag-self-study siya.
“Pinilit ko na mag-aral ng digital drafting and building information modelling [BIM] through online courses habang nasa kolehiyo ako.
“Kahit nagrereklamo ako, pinursige ko pa rin na matuto sa iba't ibang bagay na karaniwang hindi itinuturo sa loob ng classroom.”
Read: Working student Jairus Lozano ranks Top 7 in 2026 Psychometricians Licensure Examination
HANS GAVIOLA WORKED WHILE PREPARING FOR THE BOARD EXAM
Sa pagkuha ng board exam, pinagsabay ni Hans ang pag-aaral at pagtatrabaho.
“Dahil kinukumpleto ko pa noong panahong iyan ang 3,840 hours na kailangan [apprenticeship requirement] para makakuha ng exams.”
Siyempre pa, nanibago ulit ang kanyang katawan.
“Pag-uwi mula sa trabaho, diretso na akong mag-aral kaya kadalasan ay nakakapagod at nakaka-burn out.”
Pero may magandang naidudulot sa kanya ang pagtatrabaho habang naghahanda sa board exam.
“Isang dahilan din kung bakit ako nagtrabaho pa ay dahil sa pinagtrabahuhan ko, marami akong natututunan dahil maituturing na ‘diverse’ ang aking experience.
“Nakapag-design ako nang sinu-supervise, nakapagkabit ng bubong, at nakapag-usap sa mga inhinyerong mas nakakaalam sa akin.”
HANS GAVIOLA DID NOT DREAM OF BECOMING A TOPNOTCHER
Hindi itinanggi ni Hans na nahirapan siya sa board exam.
“Opo! Kahit na nag-topnotcher ako, nahirapan ako sa exam dahil situation analysis ang dating at halos magkakaparehong tama ang lahat ng sagot.
“Sa sobrang lawak ng scope ng exam, marami rin sa inaral ko ay hindi lumabas. At marami ring items sa exam ay hindi ko naaral.”
Kumpara sa ibang topnotchers, hindi ito hinangad ni Hans.
“Hindi po. Kaya unexpected ito sa akin!”
Kaya noong nalaman niyang kabilang siya sa topnotchers, aniya: “Sobrang gulat ko noong malaman ko ang result ng exam kasi ang gusto ko lang naman ay makapasa ako at ang mga kaibigan ko.
“Noong ini-open ko yung results, nanginginig ako sa saya at gulat.”
Inihandog ni Hans ang tagumpay sa kanyang parents.
“Kasi sila ang naging supportive sa buong journey ko bilang kakapasang arkitekto.
“Kahit simpleng gawa lang ng pagluluto ng pagkain para sa aking pag-uwi, or pagsigurado nila na may maibabaon akong pantanghali, sobra kong naa-appreciate dahil hindi sila pumalya na iparamdam sa akin na may pakialam sila.”

HANS GAVIOLA: FROM APPRENTICE TO FULL-FLEDGED ARCHITECT
Connected pa rin si Hans hanggang ngayon sa company kung saan siya nag-apprentice, but this time, “Bilang arkitekto na po.”
Malinaw rin sa kanya ang career path na gusto pang tahakin.
“Sa future, gusto kong makapag-design ng mga gusaling pampubliko na nakikita at na-e-experience ng lahat ng tao dahil passionate ako sa paggawa ng mas magagandang espasyo na deserve ng mga ordinaryong Pilipino.”
May payo rin si Hans sa mga future architecture students.
“For those who wish to take up architecture, you do not have to be good in drawing—instead, you should immerse yourself in experiences, journeys, and hobbies to broaden your horizons and create truly meaningful work.
“For me, I'm still getting there, but I wish I knew it sooner.”
Dagdag pa niyang paalala: “Entering into the ever-changing world of architecture means a commitment into lifelong learning that extends beyond the board exam.”
