PROFILES: Carla Abellana, a "homebody" thrust into the limelight

IMAGE 0

Before entering showbiz, she didn't know a thing about local celebrities and TV shows, so when she first stepped into the limelight, she admitted, "Na-i-startruck ako."


Masuwerte raw si Carla Abellana kasi, unang project pa lang nito ay nabigyan siya kaagad ng lead role. Bibihira ang ganitong klaseng break sa showbiz, kaya naman, malaking pressure ang nararamdaman ng 23-year-old na anak ni Rey PJ Abellana kay Rhea Reyes, na anak ng veteran actress na si Delia Razon.

Aminado ang dalaga na nasa learning stage pa lamang siya. Gayunpaman, nagpapasalamat si Carla dahil maraming nagbibigay-suporta sa kanyang unang telenovela, ang Rosalinda.

At para sa mga gustong makilala pa si Carla, heto ang slam-book interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa kanya.

Real Name: Carla Angeline Reyes Abellana

Carla's great grandfather is a German who fought in the war.

Birthday: June 12

When she was a kid, she earned the moniker "Independencia."

Height/ Weight: 5'4/ 104 lbs.

College Degree: AB Psychology, De La Salle University

We all know that she graduated cum laude. Pero nag-excel lang daw siya academically noong nag-kolehiyo.

"Opo...I guess, siguro po, sa kagustuhan ko po na may ma-achieve ako. Yung ma-maintain ko po ang mataas ko na grades noong college...Pero yung pagiging cum laude, surprise ho yun, hindi ko ho talaga ine-expect yun."

By the way, from kindergarten to high school ay sa OB Montessori Greenhills siya nag-high school.

Hobbies: "Sa Bahay lang ho, manonood lang ng TV, mag-computer, mag-internet, with my family. Lunch time, dinner with family. Hindi po ako ma-gimmick. Never ho akong naging klase ng tao na gumimik. Mas gusto ko pa pong manood ng movies and then, mag-dessert. Mas homebody po talaga ako."

Movies: "Naku, lahat po, horror, comedy, suspense."

Ang recent movie raw na napanood niya ay Transformers.

Music: "Kahit ano po—p, RnB, house music, ayoko po ng rock. Yun lang po."

TV Commercials: "Meron na po akong naging telecom, fast foods. Nag-start po kasi ako when I was 12. Then nag-stop po at nag-continue when I was fifteen, yun na po yung telecom. Ever since I was fifteen hanggang 22 years old po, nagko-commercial po ako, and I had 16 commercials."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Showbiz crushes: "Wala ho talaga...Like I've said, hindi po ako masyadong ma-TV. I guess, it's more on international showbiz po, sila Brad Pitt, manonood ako ng movie, ganoon lang po. Parang ngayon ko pa lang sila nakikilala. Ngayon ko pa lang sila nakikita. Na-i-starstruck ako, pero noon, wala po talaga. When I was in school, aral lang po talaga, family, then, tahimik na buhay."

Weaknesses: "Emotional, very sensitive. Madaling mapaiyak, mababaw po ang luha ko."

Strengths: "I guess, yung values na itinuro sa akin ng lola ko, lalo na ng mommy at daddy ko. Yun lang...never na nawawala sa isip ko kung ano ang mga itinuro nila sa akin. Pakikitungo po sa ibang tao."

What inspires her?

"My family, lalo na po ang mommy ko. Siya po ang talagang nagpalaki sa amin na mag-isa. Bilang single mother, pinalaki po niya kami na mag-isa. Pinagtapos niya po kaming mag-aral ng kapatid ko. So, ang dami po niyang pinagdaanan. Siya po ang inspiration ko at gusto ko pong ibalik sa kanya lahat one day."

What irritates her?

"Irritates? Parang wala po...hindi po ako nagagalit. Hindi po ako sumisigaw. Hindi po ako nagmumura. Never po akong nagmura in my life. I guess, yung ano lang, sa oras...Kapag talagang pagod na pagod, walang tulog, walang pahinga, nawawalan ako ng energy."

Other things she wants to share?

"Ay, marami ho! Sana ho, mas makilala pa ako ng mga tao kasi, yung personality ko ho, gusto kong ipakita talaga sa mga tao na simple lang ho. Hindi ho high maintenance at kahit sino pa po, kaya kong makasundo. Bibigyan ko po ng oras at atensiyon ang kahit na sino.

"Kaya ko hong makipag-usap at makipagkaibigan mula sa maliliit hanggang sa pinakamalaking tao. So, yun po, I guess, pakikitungo at pakikisama."

Dream Project?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kahit sino naman po, e, I will gladly take the roles that the network will give me. Kahit po Mexican telenovela ulit. Kasi, kung Korean, hindi po yata puwede, parang hindi po ako mukhang Korean. Basta po, yung ibibigay ng network."

Dream leading man?

"Ay, kahit sino po, anybody! Dingdong Dantes, Richard Gutierrez, Dennis Trillo."

Finally, she left a promise to her growing legion of fans: "Kahit ano po, na gagawin ko po ang best ko at gagawin ko po ang lahat para maganda pa ang show at matuwa po ang manonood."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN