Marco Alcaraz is disappointed by blurred exposure of his butt in Pitik Bulag

IMAGE 0


"Hindi ko pa naman matatawag na lovelife. Siguro nag-e-enjoy lang kami with each other's company right now. Mahirap mag-jump sa... Siyempre, kaka-break lang niya, so mahirap mag-jump sa isang relationship. Ngayon lang, tingnan natin. Basta as of now, enjoy lang kami. Kapag walang ginagawa, magkasama. Magka-text. Ganun. Yun lang," says Marco Alcaraz about the status of his relationship with Precious Lara Quigaman.


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang sexy actor na si Marco Alcaraz sa premiere night ng indie film na Pitik Bulag noong June 23 sa Gateway Cinema sa Cubao, Quezon City. Kapareha ni Marco rito ang bagong FHM sex guru na si Paloma sa pelikulang idinirek ni Gil Portes para sa ALV Entertainment.

Naaliw kami sa naging reaction ni Marco pagkatapos mapanood for the first time ang kanyang launching movie. "Happy naman ako. Yung ine-expect ko na sana maging maganda ang kinalabasan, okey naman. Maganda naman yung movie," saad niya,

Pero tila may pinanghihinayangan si Marco sa ilang eksena.

"Sayang kasi hindi ipinakita yung puwet, parang medyo blurred," tahasan niyang sabi sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Kumpara sa ibang artista na parang kinakabahan kung ano ang mapapanood na private parts nila, si Marco naman ay may panghihinayang na hindi ito ipinakita nang bonggang-bongga.

"Oo, e, sayang. Yun pa naman ang pinaghandaan ko!" natatawang sabi niya.

Halong drama, action, at sex ang launching movie ni Marco. At least daw, in his future movies, marami pa siyang puwedeng ipakita.

"Hopefully, makagawa pa rin po ng iba pang mgagandang movie after this. And sana po, maging well-promoted din siya. Usually rin kasi si Direk Gil, ipinapadala niya, isinasali niya sa mga filmfest abroad."

KATRINA HALILI. Busy naman ngayon si Marco sa bago niyang primetime series sa GMA-7 na Rosalinda. Siya ang gaganap na lalaking patay na patay kay Fedra, ang character ni Katrina Halili.

"Well, sayang nga hindi kami nag-abot noong pictorial. Kasi, mas earlier ang call time ko compared sa kanya," banggit ni Marco tungkol sa kanyang kapareha.

Masaya naman daw si Marco nang malaman niyang si Katrina ang napiling gumanap bilang si Fedra. Noong una kasi niyang malaman na kasama siya sa Rosalinda, hindi pa raw niya alam noon kung sino ang magiging love interest niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Happy rin ako, kasi, siyempre, may work kaagad siya. And, siyempre, excited din dahil alam naman natin na si Katrina, magaling na kontrabida talaga," aniya.

Kinuha rin namin ang reaksiyon ni Marco sa kinasasangkutang kontrobersiya ni Katrina kaugnay ng pagkalat ng sex video nito kasama si Hayden Kho.

"Hindi ko alam, e. Parang ayokong masyadong makialam sa pinagdadaanan niya ngayon dahil medyo sensitive. Siguro lang, kung anuman yung matutunan namin, all-out kami sa cast para mas maging smooth yung trabaho naming lahat. Lalo na on my part, lahat ng eksena ko, halos siya ang kasama ko. So, todong-suporta lang kaming lahat dito."

Nagkasama na rin daw sila ni Katrina sa sitcom na Ganda ng Lola Ko noon sa QTV 11.

PRECIOUS LARA QUIGAMAN. Hindi naman nakapagkaila si Marco nang sabihan namin na hindi naman talaga siya loveless ngayon. May idine-date siya ngayon at ito ay walang iba kundi ang beauty queen na si Precious Lara Quigaman.

Napangiti si Marco at tila nag-blush nang malamang may nakakaalam na pala nito na taga-media.

"Hindi...hindi...nag-group date lang. Actually, nag-e-enjoy lang sa each other's company," aniya.

Tawa nang tawa si Marco dahil noong last interview namin sa kanya sa presscon ng Pitik Bulag, may pahiwatig na ito na may dine-date nga siyang taga-showbiz. Pero kahit anong pilit namin noon, hindi niya isiniwalat kung sino.

"Recently lang naman. Mga two weeks pa lang naman," paliwanag niya.

Ngayon lang ba sila nagkakilala ni Precious?

"Actually, nag-meet na kami before. Dati kasi may boyfriend siya. I think, nakumpirma naman na niya na wala na sila no'ng dati niyang boyfriend," sabi ni Marco.

Pero as a gentleman, hindi na raw siya ang dapat tanungin about Lara and her ex-boyfriend.

"Paano sila nagkaroon nagkalapit at naging magka-date?

"Si Valerie [Concepcion], di ba, kasi ka-close ko? Minsan, kapag lumalabas, nakakasama siya. Hindi naman sa bridge, pero parang siya ang nagpakilala," kuwento ni Marco.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gaano sila kadalas magkita ni Precious?

"Hindi naman madalas. Siyempre, busy rin naman siya sa work niya. Ako rin naman, busy rin naman ako. So, kapag wala lang ginagawa. Text-text siyempre, tawagan."

Matagal na rin siyang walang lovelife, so, ito na ba yun?

"Hindi naman, hindi ko pa naman matatawag na lovelife," nakangiti niyang sabi. "Siguro nag-e-enjoy lang kami with each other's company right now. Mahirap mag-jump sa... Siyempre, kaka-break lang niya, so mahirap mag-jump sa isang relationship. Ngayon lang, tingnan natin. Basta as of now, enjoy lang kami. Kapag walang ginagawa, magkasama. Magka-text. Ganun. Yun lang."

Nagustuhan daw niya ang pagiging down-to-earth ng beauty queen. Contrary sa impression na kapag isang beauty title-holder ay maarte at pasosyal.

May balitang nanligaw o type rin daw ni Willie Revillame si Precious. Hindi ba siya nate-threaten kung sakaling nanliligaw rin kay Precious ang host ng Wowowee?

"Well, as of now naman, nag-e-enjoy lang kami with each other's company," sagot niya. "Wala pa namang formal na ligawan. So, ganoon na lang muna. Basta as of now, hindi pa muna namin iniisip na ganoon. Kung kailangan niya ako, nandito lang ako.

"Basta nag-e-enjoy lang kami. Alam n'yo yung happy ka na kasama ang isang tao. At least, happy lang kung anuman ang meron sa relationship namin. Enjoy lang. Walang pressure, walang commitment.

"Siguro sasabihin ko rin sa inyo kapag deeper na. Sa ngayon kasi, mahirap din kasing mag-jump kaagad, lalo na kung kaka-break mo pa lang sa isang relationship. Like what I said, enjoy lang muna ngayon," pagwawakas ni Marco.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN