Klaudia Koronel is excited and nervous about August wedding with Chinese-American fiance

IMAGE 0


Travel bug Klaudia Koronel's six-foot wedding cake will be in the shape of the Eiffel Tower, that will include pictures of the places where Klaudia and groom-to-be Andy Zhang have been, such as Thailand, Amsterdam, Hawaii, Norway, Sweden, Spain, Canada, Italy, and United States.


Last June 24, Miyerkules, ay nagkaroon ng salu-salo sina Klaudia Koronel at ang mga members ng entourage niya sa kanyang nalalapit na wedding sa Chinese-American na si Andy Zhang. Sa August 28 na ang kasal ng dalawa.

Sa pakikipagkuwentuhan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Klaudia sa Joya Lofts & Tower sa Rockwell Center sa Makati City, kung saan ginawa ang pagtitipon, sinabi ng aktres, "Gift ito sa akin, itong paggamit ng venue, ng maid of honor ko, si Cheryl Morano. Una, lumapit ako sa kanya, sabi ko kailangan ko ng venue, meeting lang ng entourage, sukatan ng mga damit pang-abay, tsikahan, ganun.

"Kaya lumapit ako sa maid of honor ko, na kailangan ko ng place kasi di ba kapag sa restaurant masyadong magastos 'tsaka madaming tao, hindi makakapag-meeting, walang privacy. Sabi ko sa kanya, baka may place siya na mao-offer, kaya in-offer niya ang poolside ng condo niya. Sabi niya, siya na ang bahala sa party, sinagot na niya pati pagkain," kuwento ni Klaudia sa PEP.

Ipinakita rin ni Klaudia sa amin ang drawing ng design ng kanyang wedding cake na ang gagawa ay ang Vienna Cakes sa Sampaloc, Manila. Ang theme ng cake ni Klaudia ay travel, since napakahilig ni Klaudia na bumiyahe sa kung saan-saang parte ng mundo.

Ang disenyo ng cake ay isang six-foot Eiffel Tower butter cake na napapalibutan ng mga larawan nina Klaudia at Andy sa mga biyahe nila all over the world, tulad ng Thailand, Amsterdam, Hawaii, Norway, Sweden, Spain, Canada, Italy, U.S.A. at kung saan-saan pa.

Ang kasalan ay gaganapin sa Iglesia Ni Cristo Central Temple (Main Isle) sa Diliman, Quezon City, at ang reception ay sa Fernwood Gardens.

Ang gagawa ng wedding gown ni Klaudia ay si Edward Teng at ang caterer naman ay ang Juan Carlos Catering.

Si Minister Jun Samson ang mag-o-officiate ng seremonya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Darating sa August 17 ang fiancé ni Klaudia, kasama ang ina nito, at ang kapatid na babae ni Andy at asawa nitong Amerikano at dalawang anak. Hindi makakarating ang ama ni Andy dahil divorced na ang mga magulang niya.

GOOD-BYE TO SINGLEHOOD. Recently, bilang pamamaalam sa kanyang pagkadalaga ay bumiyaheng mag-isa si Klaudia sa Hawaii para mag-relax at mag-soul searching.

Limang araw siyang namalagi sa Hawaii.

"Pumunta ako ng Maui, tapos sa Honolulu, para mag- relax, mag-isa ako, ang saya! May lugar dun na manonood ka ng iba't ibang ethnic shows, ng culture ng Hawaii. Sobrang na-in love ako sa Hawaii.

"Pero minsan, napapaiyak ako, na parang marami pa akong gustong gawin na hindi ko nagawa nung mas bata pa ako, ngayon na lang. Natutunan ko kasi nung nakilala ko ang BF ko na meron pa palang ibang parte ng mundo, na puwede ka pa palang maging masaya, mag-enjoy.

"First time ko sa Hawaii, hindi ko kasi nagawa nung marami akong pera sa showbiz, alam mo yun? Noon, nandito lang ako, kapag may pera, sa Makati lang ako nagpupunta. May mga bagay na hindi ko ginawa at may mga lugar na hindi ko napuntahan nung time na nagtratrabaho ako."

Bakit sa Hawaii niya naisip pumunta sa kanyang huling pamamasyal at pagbabakasyon bilang dalaga?

"Yun yung hindi ko pa napupuntahan talaga. Actually, doon ko nga ni-request sa fiancé ko na mag-honeymoon kami. E, hindi na ako mapakali kaya pinuntahan ko na.

"Pero sabi ko kay Andy, 'Hon, maganda ang Hawaii, pero the best pa din ang Boracay.' Yung buhangin, ha? Maganda ang Hawaii pero pagdating sa buhangin, Boracay pa din. Ang sagot niya, 'E, di mag-honeymoon na lang tayo sa Boracay.'

"Sabi ko sa kanya, nagpunta na kami dun, ang gusto ko yung hindi pa namin napupuntahan, like yung Santorini sa Greece. Nakita ko mga litrato doon, ang ganda ng lugar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Puwede rin sa Bahamas pero kung hindi kakayanin ng schedule namin, kung dito na lang sa Pilipinas, baka sa Amanpulo, ang ganda rin doon."

HONEYMOON ON HOLD. Pero wala pa ring kasiguruhan ang mga plano nila for their honeymoon.

"Kasi ang gusto niyang mangyari, ang vacation lang sa company nila two weeks lang, puwedeng three weeks kung nakatapos na siya ng one year doon sa assignment niya, e, wala pa naman, kaya two weeks lang ang ibinigay sa kanya.

"Una, ang plano ni Andy, August 24 siya dadating dito, e, 28 yung wedding, tapos hinabaan niya yung bakasyon para sa honeymoon. E, hindi ako pumayag kasi gusto mas mahaba yung stay niya dito bago ang kasal, so ang nangyari August 17 siya dadating, 28 ang wedding, tapos August 30 siya babalik sa States.

"So wala na muna sigurong honeymoon, kasi mas mahalaga sa akin yung preparation before the wedding, yung mga papers, kasi kung dumating siya ng [August] 26 tapos may problema naman sa mga papers, papaano na ang mangyayari. E, di sayang din, paano kami mag-e-enjoy sa mga araw na nandito siya kung walang kasal na mangyayari?

"Sabi nga niya, paano ang honeymoon kung padadatingin ko siya nang mas maaga? Sabi ko kasi kinakabahan ako sa papers, foreigner siya, maraming papers na dapat ayusin. Alam mo ba, 11 days ang pag-a-apply ng marriage license, kaya before the wedding dapat nandito siya, so kinakabahan ako kasi kapag dadating siya ng 26, meron pang mga seminar sa church, meron pa sa city hall.

"Sabi ko sa kanya hindi na muna importante sa akin ngayon ang honeymoon, ii-schedule na lang namin sa ibang buwan o kaya kapag naka-one year na siya sa trabaho niya. Ang importante sa akin hindi kami magahol sa oras bago ang kasal namin para smooth ang lahat."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN