FIRST READ ON PEP: Jaya gives birth to a bouncing baby boy

Jun 27, 2009
Queen of Soul Jaya gave birth to a healthy baby boy at 5:28 p.m. today, June 27. This is the second baby of Jaya with husband Gary Gotidoc.

Isinilang na ng Queen of Soul na si Jaya ang kanyang ikalawang anak kaninang 5:28 p.m., June 27, sa Cardinal Santos Hospital sa San Juan City. Lalaki ang pangalawang anak ni Jaya sa kanyang asawa na si Gary Gotidoc, isang athlete na nagte-train ngayon for jujitsu.

Pinangalan nina Jaya at Gary ang kanilang second baby na Dylan. Normal ang panganganak ni Jaya kay Dylan, who weighs 8.2 lbs, at may habang 50 cm.

Gaya ng panganay nilang si Sabriya, na magti-three years old na sa August, wala ring second name si Dylan. Hindi kasi naniniwala sina Jaya at Gary na kailangan pang magkaroon ng second name ang isang bata.

Ayon sa manager ni Jaya na si Maristel Fernandez, who just came from the hospital nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal), hindi pa raw nakakausap si Jaya at kasalukuyan pa itong nasa recovery room. But both Jaya and Gary are happy dahil kumpleto na ang kanilang pamilya; meron na silang babae at ngayon naman ay anak na lalaki.

Continue reading below ↓

Kuwento pa rin ng manager ni Jaya, kahit alam ng Queen of Soul na full term na ito at any day ay maaari na siyang manganak, she preferred to continue working. In fact, kahit last Sunday, June 21, sa SOP ay live pa rin siyang napanood dito at pinayagan ng kanyang ob-gyne. Pero naka-schedule na raw talaga si Jaya this Sunday, June 28, na simulan na ang kanyang pahinga at hintayin na lang ng kanyang panganganak.

Kaninang 2 a.m. daw unang nakaramdam ng contraction si Jaya. Around 6 a.m., dinala ang singer sa Cardinal Santos for admission. Umabot din ng more than 12 hours ang pag-labor ni Jaya bago nanganak.

Read Next
Read More Stories About
Jaya, Gary Gotidoc
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Queen of Soul Jaya gave birth to a healthy baby boy at 5:28 p.m. today, June 27. This is the second baby of Jaya with husband Gary Gotidoc.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results