Kristine Hermosa apologizes to Diether Ocampo for her unsolicited advice

IMAGE 0


"Kasi yung mga binitiwan kong salita sa kanya, kumbaga it's out of concern. Naging magkaibigan kami ni Diet at di rin basta-basta ang pinagsamahan namin para sa akin. Di ko alam kung para sa kanya ganun din, di ba? Kung na-offend ko siya, sorry, out of concern lang yun para sa akin."


Marami ang naghintay noon sa magiging reaksyon ni Kristine Hermosa nang magbitiw ng salita si Diether Ocampo sa mga recent interviews niya na wala raw sa posisyon ang ex-girlfriend na magbigay ng advice pagdating sa pakikipagrelasyon niya sa current girlfriend na si Rema Ostwani.

Pananahimik na binasag ni Kristine nang makapanayam siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ng Cinema News Weekend Edition bago siya lumipad patungong America for the Star Magic world tour.

"May ganun bang interview? Di ko alam yun, wala akong naririnig na ganun. Hindi kasi ako nanonood ng TV, di rin ako nagbabasa and I think it would be better on my part na wala na lang akong naring na ganun o napanood. But if ever na mayroon nga siyang binitiwan nga siyang ganung salita, I guess tama lang yung nangyayari, tama lang yung actions namin sa isa't isa.

"I can say we're okey naman, civil, we're very professional. Kundi man kami nag-uusap ni Diet, di naman yun as if nagpaplastikan kami. Parang feeling lang naming it's the right thing to do and that's the proper way, better na yun para walang masaktan. I guess ili-lead lang talaga kayo dun sa tamang mga gestures at actions, siguro tama lang talaga."

Ayon kay Kristine, naiintindihan niya ang ex dahil may kani-kaniyang buhay na sila ngayon pero di niya itinago na nasaktan din siya sa naging reaksyon nito.

"Of course I feel bad, di ko lang in-expect. Di ko naman masisisi yung tao. Mayroon na siyang girlfriend ngayon, siyempre pinoprotektahan niya yung girl para din siguro di masaktan.

"Ako naman kasi yung mga binitiwan kong salita sa kanya, kumbaga it's out of concern. Naging magkaibigan kami ni Diet at di rin basta-basta ang pinagsamahan namin para sa akin. Di ko alam kung para sa kanya ganun din, di ba? Kung na-offend ko siya, sorry, out of concern lang yun para sa akin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

OYO BOY, JERICHO AND PIOLO. Consistent pa rin si Kristine in saying na hanggang sa ngayon ay wala pa rin talaga silang formal relationship ni Oyo Boy Sotto contrary sa dati pang lumalabas na balita na sila na talagang dalawa.

"Okey naman kami ni Oyo, okey naman talaga kamo, except wala pa kami sa level na ganun, malalaman ninyo naman kami na. Gaya ng lagi kong sinasabi before, nasa kanya naman yun kung gusto niyang maghintay."

Hindi rin siya nagsasara ng pinto sa ex-boyfriend at kapareha sa teleseryeng Dahil May Isang Ikaw na si Jericho Rosales, pero siniguro sa amin ni Kristine na purely professional lang ang namamagitan sa kanila sa ngayon ng actor.

"Di natin masasabi kung ano ang mangyayari but as of the moment, trabaho lang kami, trabaho lang talaga."

Last Saturday ay pumasok na ang karakter ni Piolo Pascual sa Maruja though hindi pa klaro kung ano ang magiging papel niya dito. Aminado si Kristine na excited siyang makatrabaho uli ang actor dahil ang huli pa nilang pagsasama ay sa Sa Sandaling Kailangan Mo Ako.

"Masaya, masaya kaming magkatrabaho ni Piolo. I'm looking forward working with him coz the last time we worked together was during sa Sandaling Kailangan Mo Ako days pa. Sana abangan at suportahan nila ang Maruja because we promise you na mas marami pang mas magagandang mga mangyayari na dapat talaga ay tutukan nila."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN