Jennylyn Mercado remains firm in keeping her son away from Patrick Garcia

IMAGE 0


"Ayaw ko na siyang pag-usapan. Kung mga negative issues lang ang pag-uusapan, huwag na lang. Hindi nagbabago ang desisyon kong hindi ipakita sa kanya ang anak ko. Ngayon pa ba siya gagawa ng paraan? Kaya kahit sa birthday ng anak ko, hindi niya makikita si AJ," says Jennylyn Mercado about Patrick Garcia.


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Jennylyn Mercado bago siya umalis ng Waterfront Hotel sa Cebu City, kung saan nag-check-in ang mga Kapuso stars na kasama sa Kapuso Fans Day sa Cebu City, last Saturday, June 27.

Hiningi namin ang comment ni Jennylyn sa sinabi ng ex-boyfriend niyang si Patrick Garcia sa isang interview na okey na raw sa kanya na makita niya ang anak nila ng aktres na si Alex Jazz (AJ). Gagawa raw ng paraan si Patrick kapag bukal na sa loob ni Jennylyn na ipakita sa kanya ang anak nila. (Click here to read related article.)

"Ayaw ko na siyang pag-usapan," seryosong sagot ni Jen. "Kung mga negative issues lang ang pag-uusapan, huwag na lang. Hindi nagbabago ang desisyon kong hindi ipakita sa kanya ang anak ko. Ngayon pa ba siya gagawa ng paraan? Kaya kahit sa birthday ng anak ko, hindi niya makikita si AJ."

Bakit parang ang lalim na ng sama ng loob niya kay Patrick?

"Kung ikaw ang taong iniwanan at hindi sinuportahan, ganoon din ang mararamdaman mo. Noon pa po, matapang na ako dahil sa mga nangyari sa akin, kaya hindi na magbabago ang desisyon ko," mabilis na sagot ni Jennylyn.

AJ'S FIRST BIRTHDAY. Sa August 16 ay first birthday na ni AJ, ano ang paghahandang ginagawa niya?

"Wala pa po akong nakikitang venue na magiging private talaga ang party niya," sabi ni Jennylyn. "Para sa akin kasi, gusto kong maging private at hindi na masusulat ang tungkol kay AJ. Ako na lang ang isulat nila dahil ako ang nasa showbiz. Gusto kong lumaking normal si AJ.

"Ayaw ko na pong maulit ang nangyari noong binyag ni AJ na akala namin ay magiging private talaga, pero may nakapasok din. Taga-church pa pala 'yong nagtawag at sinabing binibinyagan ang anak ko sa simbahan nila. Nakakatawa pa kasi ang tinawagan nila, ang katapat na station, hindi ang GMA-7!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kumusta naman si AJ, nagsasalita na ba ito?

Kuwento ni Jennylyn, "Nakakatuwa po nang una niya akong tinawag na 'Mommy,' tapos nasasabi na rin niya ang 'Yaya.' Tumatayo na siyang mag-isa, naglalakad na siya. Kapag galing ako sa trabaho, kahit anong pagod, kapag nakita ko na siya at nayakap ko, nawawala lahat 'yon.

"Medyo mahirap na rin siyang alagaan kasi ang laki na niya, hindi ko basta mabuhat. Kahit si Mama [Mommy Lydia], tumutulong na rin sa pag-aalaga sa kanya, mabigat na siyang buhatin."

Dagdag niya, "May pictorial nga po kami bukas [June 28], update ng picture niya sa coffeetable book ko dahil ten months old na siya."

Kailan na ba talaga ilalabas ang coffeetable book niya na matagal nang hinihintay, pero hindi pa nga naipalalabas?

"Tuloy pa rin po ang paglalabas nito, pero si Tita Becky [Aguila, her manager] na ang nagsabi na huwag na muna naming ibenta. Sa concert ko na lang sa August ito isasabay. Kung magkano po ang ticket sa concert, say P 1,000 ang ticket, may libre siyang one coffeetable book. Baka po maglabas kami ng 1,000 copies to be given free sa bawat bibili ng ticket. Kung magiging successful ito, saka na po namin ibebenta ang libro."

GABRIELA SILANG. Sa ngayon, dahil tapos na ang taping nila nina Yasmien Kurdi at Nadine Samonte ng "Suspetsa" episode nila ng SRO Cinemaserye, nagsimula na rin siyang mag-training ng horseback riding para sa indie film niyang Gabriela Silang. Saan siya nagte-training?

"Sa Mapayapa Village po, sa San Antonio in Commonwealth," sagot niya. "Meron po pala doon. Pero ang hirap po pala. Akala ko, tulad lang ito ng pagsakay ko sa kabayo kapag nasa Baguio ako o sa Tagaytay. Pero iba pala kapag malaki na ang gamit mong kabayo. Minsan, tinatanggal nila ang saddle ng kabayo at lalong masakit kasi matigas ang likod nito. Pero kailangan kong gawin dahil 80 percent po ng movie, nakasakay ako sa kabayo na nakikipaglaban sa mga kaaway. Kinabukasan, puro pasa po ang mga hita ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


STAIRWAY TO HEAVEN. May alam na ba siya kung siya nga ang gaganap sa role ni Jodi sa Pinoy adaptation ng Koreanovela na Stairway to Heaven?

"Wala pa pong sinasabi sa akin si Tita Becky," sagot ni Jennylyn.

Ano ang magiging feeling niya kung sa kanya nga mapunta ang role at makatambal si Dingdong Dantes?

"Siyempre po, it will be an honor for me to portray the role ng isang sikat na show. Basta po nasa bahay ako, pinanood ko po 'yan noong ipalabas sa GMA-7. It's comfortable naman working with Dingdong. Una po kaming nagkasama noon sa Encantadia, siya po ang gumanap na tatay ko dun.

"Nagkatrabaho kami ulit sa Resiklo. Nakakatawa nga po, hindi nila alam na naglilihi na ako noon at lagi akong may dalang manggang hilaw sa set. Kapag nakita nila akong kumakain na ng mangga, sila po ni Senator Bong [Revilla], nakikikain sa akin. Hindi naman po sila nagtatanong, siguro akala nila paborito ko lang talaga ang manggang hilaw!" natatawang kuwento ni Jennylyn.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN