Cristine Reyes reveals breakup with Dennis Trillo just happened "recently"

IMAGE 0


"Ayoko nang sabihin kung ano ang dahilan. Siguro mas maganda kung sa amin na lang yun. Basta ang final statement is, I'm single...and sexy. Joke!" says Cristine Reyes about her "recent" breakup with boyfriend Dennis Trillo.


True to her title as FHM's Philippines' Sexiest Woman this year, Cristine Reyes came to the grand launch of FHM's Sexiest Women list na very sexy sa kanyang Michael Jackson-inspired outfit. FHM's Sexiest Women in the World 2009 grand launch was held this afternoon, July 1, at Kamayan, Saisaki, and Dad's restaurant in Greenhills EDSA.

Hindi maikakailang very happy si Cristine sa pagiging No. 1 niya sa listahan ng FHM's Sexiest Women ngayong taon.

"Sobrang masaya! As in, sobra! Hindi ako nakatulog kagabi, kasi kagabi ko lang nalaman," sambit ni Cristine sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press.

Anong pakiramdam niya na naagaw niya ang korona sa dating mga No. 1 kaseksihan na sina Marian Rivera (No. 3), Angel Locsin (No. 4), at Katrina Halili (No. 5)?

"Sobrang happy talaga ako. Hindi ako makapaniwala at saka, honestly, hindi ako nakatulog, as in!" ulit niya.

Ang Transformers star na si Megan Fox ang pumangalawa kay Cristine sa FHM list.

BEATING MARIAN & ANGEL. Pero gaano man ka-positive kay Cristine ang kanyang pagiging No. 1 this year, meron pa rin mga nagkokomento na paano raw siya naging No. 1 sa listahan gayong mas marami ang fans ng mga sumunod sa kanya sa ranking na sina Marian at Angel.

Ano ang masasabi niya tungkol dito?

"I think, tinanong ko 'yan sa mga taga-FHM. Kasi ako mismo, hindi ako makapaniwala. Hindi ako makapaniwala na ako ang naging No. 1. Sabi nila, iba raw yung mga voters na sumusuporta sa FHM," sagot ni Cristine.

Sa July 9 na rarampa si Cristine bilang pinaka-seksing babae, kasama ang iba pang celebrities na nakapasok sa Top 100 Sexiest Women ng FHM. Ano ang dapat abangan sa kanya sa gabing yun?

"Asahan nila na rarampa ang Cristine Reyes na super sexy...sexy talaga!" sambit niya.

Pero "secret" muna raw kung ano ang isusuot niya.

"Abangan po nila 'yan!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May limitation ba siya?

"Ngayon pa? Ngayon pang No. 1 ako? Hindi ko na iisipin 'yan. Magpapakaligaya ako sa July 9!" natatawa niyang sabi.

DENNIS TRILLO. Sa ngayon, hindi na muna raw iniisip ni Cristine ang mga intriga sa kanya kung kaya't hangga't makakaiwas, pilit nitong iniiwasan ang mga tanong ng entertainment press sa kanya tungkol kay Dennis Trillo. Pero hindi pa rin siya nakapagkaila sa mga sagot niya.

Blooming pa rin siya kahit loveless, bati sa kanya ng entertainment press.

"Yes! Super loveless! Sobra! Pero okey ako, haping-hapi!" natatawa niyang sabi.

Totoo bang na ang pagiging loveless niya ay very recently lang dahil wala pang one month ang "official breakup" nila ni Dennis?

"Hindi naman walang one month, although medyo recent...," pag-amin niya.

Paano ito ang nangyari samantalang sa past interviews nila, sinasabi nila pareho ni Dennis na matagal na silang break?

"Ganun? Bakit ito ang pinag-uusapan? Ayoko! Huwag na... Basta, I mean, ayoko nang pag-usapan 'yan. Basta gusto ko lang ngayon na i-enjoy itong moment ko ngayon," nakangiti niyang pag-iwas.

Dahil sa pag-amin ni Cristine na "recently" lang ang nangyaring breakup nila ni Dennis, posibleng magkaroon ng impression na all the while pala ay nagsisinungaling sila. Before kasi ay sinasabi nila na wala na sila at wala na rin sila halos communication, pero lumalabas na sila pa noon.

"Hindi, kasi kung ako naman ang tatanungin n'yo, ayoko namang itago, e. Sa akin, wala namang problema. Baka sa kanya [Dennis] may problema kaya itinatago niya," paliwanag ni Cristine.

Tango lang ang isinagot ni Cristine nang tanungin kung ang kapakanan ni Dennis ang naisip niya kaya siya nagsabi na wala na sila ng aktor.

Ibig bang sabihin, ganoon niya kamahal si Dennis para gawin yun?

"Ganoon talaga!" sagot niya. "Bakit, kayo ba, hindi ba kayo nagmamahal? Nagmamahal lang kasi."

Ngayon, wala na ba talaga sila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala na! Free na ako, sobra!" bulalas niya.

Nag-usap na ba sila ni Dennis?

"Wala, wala akong panahong kausapin siya."

So, wala pang closure?

"Puwede change topic na lang?" pakiusap niya.

Kung sakali at totoo ngang babalik si Cristine sa GMA-7, willing pa rin ba siyang makatrabaho si Dennis?

"Okey lang din, magaling naman siyang actor, di ba? Kung magandang project, why not, di ba?" sagot niya.

KAYE ABAD. Lumalabas ang pangalan ng ABS-CBN contract artist na si Kaye Abad sa breakup nina Cristine at Dennis. May pinagsumbungan daw si Cristine na nalaman niyang nagdi-date sina Kaye at Dennis. Totoo ba ito?

"Ganun? Ano, kanino ako nagsumbong? Kay Tito Leo [Bukas entertainment columnist]? Tinext ko nga siya, e, bakit niya sinulat. Nagtitiwala ako sa kanya, tapos sinulat niya," sabi ni Cristine.

Totoo bang umiyak si Cristine nang malaman niyang nag-date sina Dennis at Kaye?

"Ngayon pa? May rason pa ba akong umiyak na malaman kong No. 1 ako?" natatawa niyang sabi.

Before na malaman niya?

"Bakit, gusto n'yo ba akong paiyakin ngayon?" nakangiti niyang tanong.

Iiyak ba siya?

"Hindi, pero parang nega naman 'yan. Mas magandang pag-usapan natin ang FHM," iwas pa rin niya.

Pero happy naman siya ngayon?

"Yes, happy ako at thankful ako dahil sa lahat ng mga isyu na nangyari, like noong mga ilang linggo, at least, thankful ako na ngayon, may blessing akong natanggap at sobrang happy ako ngayon dito."

So, puwede niyang masabi kay Dennis na, "Ako ang pinaka-seksing babae"?

"Okay, sabihin mo sa kanya. I don't care!" natatawang sabi niya.

So, puwedeng manghinayang si Dennis sa kanya ngayon?

"Ayoko nang isipin yun at saka ayoko nang madikit..." bitin niyang sagot.

HEART EVANGELISTA. Ang isa pang na-link kay Dennis ay si Heart Evangelista. Totoo bang pinagselosan ni Cristine si Heart?

"Yes," pag-amin ni Cristine.

Totoo rin ba na tinawagan niya si Heart?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"No, that's not true," tanggi niya.

Pero nagselos talaga siya kay Heart?

"Oo, kasi kami pa nun, e," sabi ni Cristine.

Binibigyan ba siya ni Dennis ng reason para magselos?

"Yes, I think so," sagot niya.

Sa kaso ni Kaye, sila pa rin ba ni Dennis kaya may reason siya na magselos?

"Puwede change topic na? Kasi, nagpunta naman ako rito sa FHM, not because of those issues. Tapos na nga, e," iwas na niya.

Is she mad na si Dennis ay lapitin ng girls?

"Bakit, siya lang ba? Ako rin naman, lapitin ng boys! Loyal lang talaga ako. Sobrang loyal ko!" sabi ni Cristine.

Galit ba siya kay Heart?

"No, kasi it's not her fault naman."

Kay Kaye?

"Hindi rin," sagot niya. "Hindi ko siya kilala talaga. If ever na nada-drag siya sa isyung ito, I'm sorry. Siguro, ano... Ano bang sasabihin ko? Hindi ko siya kilala talaga, e. At saka, wala naman silang kasalanan dito. So, huwag nating idamay yung mga ibang babae."

Totoo bang sinabi niya na may boyfriend na si Kaye—si Chito Miranda ng Parokya ni Edgar—nang malaman niyang nag-date sina Dennis at Kaye?

"Oo, actually, yun lang naman ang sinabi ko, tapos nasulat na," pagkumpirma niya.


FINAL BREAKUP. For the record, wala bang third party sa breakup nila ni Dennis?

"O, sige na nga, sabihin na nating walang third party!" natatawa niyang sabi.

Parang napipilitan lang siya?

"Hindi...wala, wala talaga. Parang focus na lang tayo sa work. At saka bata pa ko, so meron pa naman sigurong iba," sabi ng 20-year-old actress.

Feeling niya ba napagod siya sa naging relationship nila ni Dennis?

"Napagod... Siguro feeling ko lang, gusto ko lang maging magaan ang life ko," sagot siya.

Pabigat ba ang lovelife niya?

"Hindi naman pabigat. Siguro, gusto ko lang mag-focus sa career ko na walang itinatago."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Would she say na this time ay final na ang breakup nila ni Dennis?

"Yes, final na," nakangiti niyang sabi.

So, open na siya ngayon sa mga suitors?

"Sobrang open. Pati mga windows, open!" tawa niya.

Feeling niya parang kapalit sa mga nangyari sa buhay niya these past few weeks ang pagiging No. 1 niya sa FHM Philippines' Sexiest Women?

"Siguro ano lang, sa lahat ng pinagdaanan ko, sa lahat ng iyak-iyak the last few weeks, ito na ang reward ko. Thankful talaga ako. Hanggang ngayon, hindi ako makapaniwala. Actually, wala akong tulog. Hindi ako makatulog dahil sa kaiisip."

What if, after all these, balikan pa rin siya ni Dennis?

"Pag-iisipan ko nang mahabang-mahaba. Mahabang proseso 'yan," sagot niya.

Nakiusap si Cristine na sa kanila na lang daw ni Dennis kung anuman ang dahilan ng breakup nila.

"Ayoko nang sabihin kung ano ang dahilan. Siguro mas maganda kung sa amin na lang yun. Basta ang final statement is, I'm single...and sexy. Joke!" tawa niya ulit.

Sa lahat ng mga nangyari sa kanyang lovelife, ano ang natutunan niya?

"Siguro ano, makinig na lang sa mga taong totoong nagmamalasakit sa akin. Kasi, sila yung mga mas nakakakita kung sino ang totoong tao, or kung totoo ba ito sa akin. At makinig sa mga taong nakaka-appreciate sa akin."

ABORTED TRANSFER. Isa pang isyu kay Cristine ay ang tungkol sa naudlot niyang pagbabalik sa GMA-7 dahil may clause daw sa kontratang pinirmahan niya sa ABS-CBN na "option to match." Ano ang latest dito?

"Yung isyu about that, under negotiation pa lahat. Hindi pa ako makapagbigay ng any statement," sabi ni Cristine.

Pero kung siya ang tatanungin, gusto na ba talaga niyang bumalik bilang Kapuso?

"Siguro, mas maganda kung sasagutin ko na lang 'yan kapag tapos na ang lahat ng negotiation. Sa ngayon po, inaayos pa ng manager ko ang lahat ng bagay. At saka, tiwala naman ako kay Ate VR [Veronique del Rosario], kasi mas alam naman niya kung ano ang makakabuti para sa akin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


JAKE CUENCA. Isa pang isyu na binigyang-linaw ni Cristine ay ang tungkol kay Jake Cuenca. Lumabas kasi na si Cristine daw ang nagkalat na may halitosis o bad breath ang aktor.

"Uy, hindi ako yun, a! Wala akong sinasabing ganoon," tanggi niya. "Ang masasabi ko lang, hindi ko alam kung saan nanggaling 'yan."

Puro magagandang salita pa rin ang sinabi ni Jake patungkol sa kanya at hindi raw ito naniniwalang si Cristine ang nagsabi nun o naninira sa kanya.

"Thankful ako dahil at least si Jake, hindi siya naniniwala na sa akin nanggaling yun. Okey kami, e. Professional and okay kami, e. Hindi ko alam kung bakit may mga lumabas na ganyan."


BANANA SPLIT. Tinanong din si Cristine tungkol sa alitan nila ng mga co-stars niya sa gag show ng ABS-CBN na Banana Split, partikular na sina RR Enriquez, Pokwang, at Angelica Panganiban.

"Wala, basta ako, kinalimutan ko na yun. Kasi ako, thankful ako dahil after everything, 'eto ang reward sa akin. So, wala na sa aking rason para magalit-galit pa or whatever," sabi niya.

Kay Angelica? "Si Angge? Kahit kailan never akong nagalit kay Angge," paglilinaw ni Cristine.

Si RR lang talaga?

"Gusto ko ng kalimutan talaga, move on na lang," sabi niya.

Ano ang reaksiyon niya sa paglabas ni RR ng palitan nila ng text messages? (Click here to read related story.)

"Yung mga text messages na yun, supposedly just between us, not for public. So, wala na rin akong magagawa dahil nai-publish na. Bahala na lang din ang taong mag-judge," reaksiyon niya.

Ano ang masasabi niya kay Pokwang? "Wala, kasi hindi rin naman kami ever since naging close talaga," maikli niyang sagot.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN