Carla Abellana puts lovelife on hold to focus on acting career

IMAGE 0


"I'm sure magbabago po ako, but in a good way. Magbabago po ako kasi hindi po maiiwasan yun dahil ang daming mag-i-influence sa iyo. Pero it's a matter of holding on to your values. So, magbabago po ako definitely," says Carla Abellana.


Excited at hindi makapaniwala ang bagong Kapuso sweetheart na si Carla Abellana na unang sabak pa lang niya sa acting ay bida na agad siya sa latest primetime teleserye ng GMA-7, Rosalinda, na mapapanood na simula sa July 6.

"Excited and happy, kasi parang hindi po ako makapaniwala na nakikita ko yung mukha ko sa screen and the show is about to start. Overwhelmed I think is the word," sambit ni Carla nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang entertainment press sa grand press launch ng Rosalinda kagabi, June 30, sa Studio 5 ng GMA Network Center.

Ang Rosalinda ay remake ng popular Mexicanovela of the same title na pinagbidahan noon ni Thalia.

Galing sa showbiz family si Carla kaya may dugong artista talaga siya. Tatay niya ang '80s heartthrob na si Rey "PJ" Abellana at lola niya sa mother side ang leading lady ng LVN Pictures noon na si Delia Razon.

Ano ang reaksiyon ng kanyang lola sa pagpasok niya sa showbiz?

"At first, she was surprised. Then thank God, naging excited siya for me. Now, she's very excited," sambit ng baguhang aktres.

How about ang daddy niya, ano naman ang naging reaksiyon nito?

"Nagtaka siya noong una, kasi parang never naman talaga naming na-consider ang show business. Before, lagi namin siyang tine-turn down. Pero ngayon, puro advice na yung ibinibigay niya sa akin."

Pinangarap niya ba talagang maging artista?

"I never planned to enter showbiz," sagot ni Carla. "I never planned to be an actress. It was really an impulse decision. And I know it's the right decision kasi nag-e-enjoy ako."

ACCEPTING ROSALINDA. Ano ang nagtulak sa kanya para tanggapin ang role ni Rosalinda?

"I guess it's really because it's a big opportunity, e. Kasi lalo sa panahon ngayon, ang daming walang trabaho, ang hirap maghanap ng trabaho. Ako, binibigyan ako ng trabaho. So, ang daming really 'i-take yung role, i-take yung project.' So, sabi ko, ito na yun. This is an opportunity of a lifetime. Ang laking blessing kay God, so bakit ko naman tatanggihan?" saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isang rebelasyon ang isiniwalat ng GMA SVP for Entertainment TV na si Ms. Wilma Galvante during the presscon, na pinatigil nila si Carla sa pagtatrabaho para lang mag-artista. After kasing mag-graduate ni Carla sa college ay kaagad siyang pumasok sa first job niya as Human Resources associate sa isang real estate company sa Makati.

"Nag-stop po talaga ako from work. I was happy, I have a normal life, convenient yung buhay ko. Pero sabi ko, ito [Rosalinda] na yun. This is an opportunity of a lifetime. So, talagang nag-resign ako to take the opportunity," lahad ni Carla.

Bilang paghahanda sa Rosalinda ay pumasok sila ng leading man niyang si Geoff Eigenmman sa workshop ni Direk Joel Lamangan.

"Yes, ilang days din po yun na how many hours in a day. Also, nakapag-workshop na rin po ako with the cast."

Anong mga challenges na na-encounter niya sa Rosalinda?

"Challenges? Actually, lahat, e... Adjusting to the role, adjusting to the story, adjusting to other cast members," sagot ni Carla.

Kumusta ang crying scenes niya?

"Madali ho, kasi mababaw lang ang luha ko," aniya. "Madali lang po akong paiyakin. May time po na napapansin ko na mas madaling umiyak kaysa yung tumawa ng authentic at totoo."

Kumusta naman katrabaho ang mga direktor ng Rosalinda na sina Maryo J. de los Reyes at Gil Tejada?

"Mabait po si Direk Maryo and si Direk Gil. Natakot po ako nung una kasi, di ba, ang laki na ng pangalan nila, e. Pero in fairness to them, hindi lang sila magaling, napakabait pa ho."

Anu-anong pagkakatulad niya kay Rosalinda?

"Ay, marami!" sambit niya. "Pareho kaming simple lang. Mahal na mahal namin ang pamilya namin. Kahit ano, ipaglalaban namin, matapakan lang yung values niya at saka mga paniniwala niya, talagang she'll stand up for her family and her friends. So, ganun lang kami."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

GEOFF EIGENMANN. Sa mga naunang interview ng PEP kay Geoff, sinabi nito na standout daw ang beauty ni Carla at mabait daw na kapareha. Ano naman ang comment ni Carla rito?

"Siyempre, flattered. To be liked by somebody else, nakakatuwa," aniya.

Kumusta naman si Geoff as a leading man?

"He's very good. Siya yung nagga-guide sa akin. Sometimes, it's true na medyo kinakabahan ako and I'm in a lot of pressure. Si Geoff po yung tatabihan ka at kakausapin ka. And he'll appease you," paglalarawan ni Carla sa kanyang kapareha.

Posible bang ma-develop sa more than friendship ang kanilang pagkakaibigan?

"It's too early to tell," sagot niya. "Si Geoff naman is being a gentleman. Mabait na tao, kahit sino pa 'yan, binibigyan talaga niya ng oras at atensiyon. Yun lang, mabait siya. Gentleman, magpu-pull siya ng chair for you. Mag-o-open ng door, tapos iga-guide ka niya."

Nakapag-tape na ba sila ng kissing scenes nila ni Geoff sa Rosalinda?

"Wala pa naman pong ganun. Parang attempt pa lang. May mga scenes kasi na parang attempt lang, pero hindi natutuloy. So, abangan n'yo po 'yan kasi first week pa lang po, meron na, e."

NO BOYFRIEND. Single ba siya ngayon?

"I'm available po, open."

Baka naman katulad lang siya ng ibang artista na sinasabing walang boyfriend, pero in real life ay meron naman?

"Ay, hindi po. Ayoko pong maging hadlang yung mga ganyang isyu sa trabaho ko," sabi ni Carla.

E, si Geoff ba sa pagkakaalam niya ay available din?

"Wala pong girlfriend si Geoff," sagot ng dalaga.

Magiging open and honest din ba siya kung sakaling magiging sila ni Geoff in real life?

"Oo naman po," sambit ni Carla.

Ayon kay Carla, nakakadalawang boyfriends na raw siya. Yung last ay isang basketball player bago pa siya pumasok sa showbiz. Five years din daw silang naging mag-on nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Available na po ako. Ipu-put on hold po muna ang lovelife. Career po muna."

So, inaamin niya ba na may kinalaman ang pagpasok niya sa showbiz sa paghihiwalay niya ng last boyfriend niya?

"Opo, kasi po kailangan ko ng time para makatutok ako sa career ko. At saka bilang respeto ko na rin po sa kanya, para makapag-focus din po siya sa career niya. Mabait naman po siya. Siya po ang isa sa nag-encourage sa akin na i-pursue ang show business," saad ni Carla.

NEW KAPUSO SWEETHEART. Bilang bagong Kapuso sweetheart, maipapangako ba niya na hindi siya magbabago?

"I'm sure magbabago po ako, but in a good way. Magbabago po ako kasi hindi po maiiwasan yun dahil ang daming mag-i-influence sa iyo. Pero it's a matter of holding on to your values. So, magbabago po ako definitely," pahayag ni Carla.

Hindi ba siya magiging maldita?

"Ay, hindi po," sambit niya. "Hindi po ako pinalaki ng mommy ko at ng lola ko na ganun. So, hindi ko po kakalimutan kung anuman yung naituro nila sa akin."

Magpapa-sexy ba siya sa Rosalinda?

"Hindi po, kasi si Rosalinda, kiss nga lang sa cheek, ikinagugulat niya, e. Very conservative po siya. Kaya malabo pong magpapakita ako ng skin or magpapa-sexy. Conservative din po ako in real life."

Ano ang mae-expect ng mga viewers sa kanya bilang Pinay Rosalina?

"I guess yung best ko. Dun po nila makikita kung ano yung kakayanan ko bilang isang artista at aktres. Sana po makita nila yung personality ko kay Rosalinda. I want everybody to know na we really have a lot of similarities. Gagawin ko po yung best ko bilang Rosalinda para matuwa po yung mga fans."

MARIAN RIVERA. Ready na ba siya na harapin ang iba't ibang intriga sa showbiz?

"Ina-anticipate ko na po 'yan," sagot ni Carla. "Yung mga intriga, hindi naman po mawawala 'yan, e. So, nire-ready ko na yung sarili ko. But there's really no way to prepare for yourself for that unless nandiyan na, e. It's just the way you handle it and you carry yourself, and the way you react sa mga intriga. Part naman po ng trabaho yun, hindi mawawala yun. Gagawin ko na lang po yung best ko para hindi ako maapektuhan siguro."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Handa na rin ba siyang mai-compare kay Marian Rivera, lalo na't sinasabing magkahawig sila at parang magkatulad ang path na tinatahak nila sa showbiz?

"Actually, to be compared to her is actually very flattering to me. Marian Rivera 'yan, e. Marimar 'yan, di ba? So, nakapag-set na siya ng standard. It's a compliment to be compared to her kasi, di ba, siyempre at least nakikita ng mga tao na meron kang kamukhang artista, mahusay umarte. So, natutuwa pa ho ako na naiko-compare kami."

Pero hindi ba siya mas nape-pressure nun?

"Ay, nape-pressure naman po ako. I admit the pressure is there. Siyempre, kasi nakapag-set na siya ng standard. Napaka-successful nung show [Marimar] before. So, nandun yung pressure, pero at the same time, enjoy na lang. Take it one day at a time. Gawin lang ang kayang gawin," sabi ni Carla.

Sinasabi ng mga fans na huwag daw niyang gayahin ang ginawa ni Marian sa Marimar. Ano ang masasabi niya rito?

"Marimar is totally different sa Rosalinda. So, we'll be doing it na magkaiba kasi iba din ang characters," aniya.

Hindi raw sila dapat pag-awayin ni Marian, lalo na nga't kinumpirma mismo ni Carla na gagawa sila ng pelikula ni Marian sa Regal Films. Bagama't wala pang mga detalye, pero sigurado raw na mangyayari ito ngayong taon.

Ang Rosalinda ay magsisimula na sa July 6 pagkatapos ng Zorro.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN